CHAPTER 55: KUNG SAKALI MAN
I stood up.
"Kelvin?" wala sa sarili kong sabi sa lalaking kaharap ko ngayon.
"Ma'm Glazy, pinapasundo po kayo ng Chairman." He said.
I cleared my eyes.
Nababaliw na ako.
Masyado na ba talagang huli para maabutan ko si Kelvin?
Napatungo na lang ako at sumama sa lalaking nakablack suit.
Kahit ayokong sumama, wala na rin naman akong magagawa.
On the other side, naisip ko na baka may magandang paraan si Sir Vergara para magkaayos kami ni Kelvin.
Yun nalang ang panghahawakan ko.
Nakarating kami sa mansion ng mga Vergara ng hindi ko namamalayan.
Inihatid ako ng lalaking sumundo sa akin sa office ng Grandpa ni kelvin.
Kinakabahan ako but at the same time, may nabubuong pag-asa sa puso ko.
Lalo na ng sinalubong ako ng mainit na ngiti ni Grandpa.
I smiled back pagkatapos ay tuluyan ng nagsara ang malaking pinto sa likuran ko.
"Maupo ka Glazy." he commanded.
Umupo ako sa isang upuan na nasa mahabang lamesa. Isang upuan ang nasa pagitan namin ni Grandpa.
Inadjust nya ang salamin nya sa mata at pagkaraan ay tinitigan ako ng mabuti.
"Galing ka sa airport?"
Napaawang ang bibig ko.
"Hindi kayo nagkita?"
Umiling na lang ako habang nakatungo.
Napansin kong napabuntong hininga sya sabay sandal.
"Sarili nyang desisyon ang umalis ng bansa. Glazy, nakikita kong nahihirapan ka sa kinahantungan ng relasyon nyong dalawa kaya nagdesisyon ako na tanungin ang opinyon mo tungkol sa tuluyan nyong paghihiwalay ng apo ko."
Tuluyang paghihiwalay?
Pero..
"Ayokong makulong ka sa isang relasyon na walang patutunguhan. Si Kelvin.. hindi na sya babalik dito sa Pilipinas."
Pakiramdam ko naninikip na ang dibdib ko.
"Makakapagsimula ka ng bagong buhay kung magdedesisyon ka na tuluyan ng makipaghiwalay. Pag-isipan mo Glazy. Hindi kita minamadali. Bumalik ka dito kung sakaling nakapagdesisyon ka na."
"O..opo. Makakaasa ho kayo."
Kahit na hindi ko alam kung tapos na ang pag-uusap namin, tumayo. na ako at tinungo ang pinto palabas.
Nanghihina ang mga tuhod ko.
Pakiramdam ko babagsak ako.
Nanginginig ang mga kamay ko na halos hindi ko na mabuksan ang pinto.
Mabuti na lang may nagbukas nito mula sa labas.
Si Mom Vira.
Niyakap nya ako bigla at bumulong sa akin.
"I'll miss you. Take good care of yourself hija."
Halos dumugo na ang lower lip ko sa diin ng pagkakakagat ko dito para lang mapigil ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.
Wala na ba talagang pag-asa na magkasama ulit kami ni Kelvin?
Bakit parang sumusuko na din sila?
BINABASA MO ANG
Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)
HumorBOOK 2 of DANGER SERIES *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I will never edit this story, dahil dito ko nakikita ang difference ng pagsusulat at pag-iisip ko noon. (The truth is tamad lang talaga ako.)...