CHAPTER 18: LIONDELLE (A)

9.4K 161 6
                                    

CHAPTER 18: LIONDELLE (A)

"Full time wife?? Hahaha! Goodluck girl!"

Kanina pa talaga tong lukaret na babaeng to eh. Nako kung di ko lang sya bessy talagang nasabunutan ko na sya.Argh!

"Hindi ko talaga alam ang gagawin ko bessy." Nakapangalumbaba pa ako.

"Hahaha! Yung totoo, may plano ba ang asawa mo na buruhin ka sa bahay?"

"Inggrid naman eh! Alam mo imbis na makatulong ka kung ano ano pang sinasabi mo." Then I pouted.

"Eh kase naman bessy kung ayaw mong umalis sa trabaho e di sabihin mo sa asawa mo. Ganun kasimple. Kung makapagdrama ka dyan parang katapusan na ng mundo."

"Kung ganun lang kadali e di sana ginawa ko na. Ang problema nga kase bessy may limang wish saken si Kelvin. And yung limang yun kailangan ko talagang matupad."

"Ano ka genie in the battle? hahaha! Ang galing sigurong magrub ng asawa mo no? Hahaha!"

"Baliw! Kung anong isipin ng makarinig sayo."

"Ahuh! Greenminded ang bruha! Napaghahalata ka talaga bessy tsk tsk."

"Nako ewan ko sayo!"

Ngingiti ngiti na lang ang bruha.

Ako naman kinutsara ko yung ice cubes sa float. And nung sinubo ko na..

"Bessy! Anong ginagawa mo?!"

"Bakit? Ano bang ginawa ko?" actually d ako sure kung naintindihan nya yung sinabi ko kase nga puno ng yelo ang bibig ko.

"Lunukin mo yan! Asawa ka ng kilala at iginagalang na tao, therefore dapat lang umarte ka nang tama. Lunukin mo! Gooo!" Sinabayan pa nya ng tulak sa bibig ko.

"Hmmmmn!" Grabe muntikan ko na talagang malunok ng buo yung mga yelo! Baliw talaga tong si Inggrid!

"Oo nga pala bessy! May regalo ako sayo!"

Atlast natunaw na din yung yelo.

"Oh asan na?! Ibigay mo na dali! Excited na ko bessy." sabay lahad ko ng kamay ko.

"Kase bessy, ano e naiwan ko sa office."

"Ano ba yan pinaatat mo lang ako! Eh di kunin mo na dali!" well wala syang magagawa at excited pa din ako. hihihi

Tumingin muna sya sa suot nyang relo and bigla na lang sumimangot.

"Hindi kakayanin ng break time ko. Pero bessy kung gusto mo sama ka sakin sa office. Para makuha mo na talaga sya. Obvious na obvious kase na excited ka hahaha!"

"Seryoso ka? Bessy alam mo ba kung kaninong building ang gusto mong pasukin ko?"

"Natural alam ko. Ang building na yun ay pagmamay ari ng poging pogi kong future hubby!"

"Hoy umayos ka nga! Wag mong gayahin ang endearment namin ni Kelvin." saway ko sa kanya.

"Oh sya honeybabylabz na lang oh unique yun ha. ang korni kaya ng endearment nyong dalawa hahaha!"

"Hay nako ewan ko sayo! Ano na kasi kunin mo na lang. Hintayin kita dito." then nagsitting pretty pa ako.

"Eeh! Sumama ka na! Ako bahala sayo promise!"

xxxxxxxxxx

Yung totoo anong ginagawa ko sa teritoryo ng kalaban ng mga Vergara?

Nah! Pag nalaman to ni Kelvin panigurado magagalit yun.

"Kuya, may important appointment sya kay Mr. Cross Liondelle." Paliwanag nya sa humarang sa amin na guard.

Nako Inggrid kung ayaw wag na ipilit. Ang totoo nyan ayoko naman talagang pumasok dito e. Baka di na ako makalabas ng buhay.

Nabaling sa akin ang tingin ng guard.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

Mabuti na lang pala hindi ako nagtokong at maluwag na tshirt.

Nakadress ako na plain peach ang color. Yung pampaa ko naman is simpleng flat grey na doll shoes.

"Kuya okay na ha. Malelate na sya eh. Let's go girl!" sabay higit saken palayo.

Inggrid talaga oh.

Hindi ko na rin naman nilingon yung guard. Nakakatakot baka kase habulin kami bigla.

Sa loob, parang sobrang busy ng lahat. As in rush kung rush. I wonder tuloy kung ganito dito araw araw.

Sumakay kami ni Inggrid sa elevator. May nakasakay pa nga kami na parang kinakabahan ng sobra.

Nagkatinginan nga kami ni Inggrid e. And ang bulong sa akin..

"Later fired na yan." Inggrid

Napakunot noo tuloy ako.

Kasama naming bumaba sa 23rd floor yung babae. Gusto ko sanang tingnan kung saan sya pupunta kaya lang hinigit na naman ako ni Inggrid.

"Inggrid kanina ka pa hinahanap ni Ma'm Bin!" Bungad sa amin ng isang matabang babae pagkatapat namin sa isang room na glass ang walls. That's why kita ang loob.

Ni hindi ko na napansin na wala na pala sa tabi ko si Inggrid. Baluga talaga yung babaeng yun bigla bigla na lang nang-iiwan.

Nung sinilip ko sya through the glass wall, naghand sign sya na 'wait'. Tapos may kung ano na syang ipinapaliwanag dun sa isang mukhang nerd na babae.

Haay. Magmumukha akong alien nito e. Yun pa man din ang ayoko. Nakoo Inggrid talaga oh!

Almost ilang minutes na din ang nakalipas pero di pa din lumalabas si Inggrid. Gusto ko na nga syang pasukin sa loob kaya lang ayoko naman maging epal no.

Sa di kalayuan ay may mga naglabasan na mga mukhang kagalang galang na tao. Yun bang nakasuit lahat. Mukha talagang mga businessmen.

And may nakacaught ng attention ko.

Yung guy na pinakahuling lumabas.

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba nang napatingin din sya sa akin.

Kung pwede nga lang ay tumakbo na ako palabas.

Pero paano ko naman gagawin yun kung ngayon ay papalapit na sya sa akin?

XOXO

SAYONARA_CHINJI

sorry po sa pangakong napako. May problem kase ako nun kaya d ako nkpagupdate.

ayoko nang magpromise.

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon