CHAPTER 34: WHO WAS I

8.2K 176 29
                                    

CHAPTER 34: WHO WAS I?

Isang taon.

Isang taon na ang nakalipas.

Isang taon ko na din itinatanong sa sarili ko kung sino ba talaga ako.

Sino ang mga taong nakakasalamuha ko?

Bakit ganito ang mga nangyayari sa paligid ko?

Bakit ganito ang buhay ko?

Mga tanong na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanapan ng sagot.

"Marielle! Bumili ka na nitong Gold fish! Mga bagong huli itong mga to!"

Marielle

Marielle ang pangalan ko. Ang pangalan na hindi ko maramdaman sa buong pagkatao ko.

Kung bakit kase wala akong maalala!

Ano bang mga nangyari sa akin bago ang aksidente?

Hay! Nababaliw na ako.

Itinigil ko ang bisikleta sa tapat ni Aleng Susan.

Sandali kong pinagmasdan ang mga mabibilis lumangoy na isda sa batya.

"Ang sisigla pa nila." Bulong ko sa sarili ko.

"Aba oo neng! Kakahuli lang nyan ng asawa ko sa dagat!"

Ngumiti ako. At tsaka, itinuro ang isang gold fish. Sya yung nakatigil lang sa isang pwesto.

"Oh Marielle mamamatay na yun, eto na lang!" Turo nya sa isang masiglang gold fish.

Umiling ako at..

"Iyon po ang gusto ko."

Napailing na lang din si Aleng Susan.

"Tulad ka pa din talaga ng dati." narinig kong sabi nya.

Dati, ano nga ba ako dati?

Ganito na ba talaga ang buhay ko dati?

Ginugulo ko na naman ang isipan ko.

Inabot na nya sa akin ang isang maliit na transparent plastic na may tubig. Doon nakalagay ang mahinang isda.

Dumukot ako ng pera sa bulsa ng tokong ko at tsaka ibinayad.

"Salamat po Aleng Susan! Babalik po ako sa susunod na linggo." sabi ko bago ko apakan ang pedal.

Malayo layong biyahe, pero ang sarap sa pakiramdam.

Para bang nakalaya ako sa kulungan.

Madalang ang nadadaanan kong bahayan. Sa kabilang dako naman ay walang katapusang dagat.

Malapit na palang lumubog ang araw! Kailangan ko ng magmadali.

Tiningnan ko ang malungkot at halos di na gumagalaw na gold fish.

"Sandali na lang. Malapit ka ng makauwi."

Ok. Naaawa na talaga ako sa kanya.

Hindi ko na kaya.

Ipinihit ko ang bisikleta papunta sa karagatan.

At ng makalapit na ako sa tubig ay hinayaan ko ng matumba ang bisikleta ko.

Hindi ko na din inisip na mababasa ako. Ang mahalaga ay mailigtas ko ang kawawang isda.

Lumuhod ako at kinalag sa pagkakabuhol ang plastik.

At dahan dahan ay hinayaan ko na syang makawala.

"Paalam. Sana magkita ulit kayo ng pamilya mo."

Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon