CHAPTER 48: DATI
GLAZY POV
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang yakap yakap niya ako nang mahigpit.
Aaminin ko, sobrang sarap sa pakiramdam na nayakap ko na ulit siya.
Ang tagal kong hinintay na mangyari 'to.
"Kelvin?"
Hindi pa sana ako bibitiwan ni Kelvin, pero ako na ang nagtulak sa kanya palayo.
"Oh my gosh Kelvin! What are you doing here? Nakalabas ka na pala ng Hospital, you didn't inform me! Nakakapagtampo ka." She step closer na halos pumagitna na samin.
Siya na naman. Ang ganda ng timing ha.
Pagtingin ko kay Kelvin, mukha siyang nagulat sa presence ni mushroom girl. Mushroom, kase yung hair niya mukhang mushroom tapos bigla bigla na lang siyang sumusulpot!
"How are you na Kelvin? Fully recovered ka na naman siguro di ba?" She added.
Awkward silence.
Nakatingin lang sa akin si Kelvin.
At dahil sa hindi pinapansin ni Kelvin si mushroom girl, napatingin siya sa akin.
"Oh.. May kasama ka pala Kelvin. Who is she?" Ang ganda ng ngiti niya, sarap sapakin.
Lumapit sa akin si Kelvin at biglang umakbay.
"She's my wife."
No. This is not right.
Gulat na gulat si mushroom girl sa sinabi ni Kelvin.
Kailangan ko ng kumilos.
Tinanggal ko ang kamay ni Kelvin sa balikat ko.
Halatang nagulat siya sa ginawa ko. I'm sorry Kelvin. Kailangan ko itong gawin.
Dumistansya ako ng kaunti sa kanya tsaka nagsalita.
"Nagkakamali ka yata Mister. Hindi kita kilala." And I blew it.
Hindi ko na tiningnan ang reaction ni Kelvin. Pero alam kong nagulat sya.
Automatic na pumulupot sa braso ni Kelvin si Mushroom girl.
"Glazy-" Kelvin
"Oh c'mon Kelvin! She said she doesn't know you." Mushroom girl.
"I'm sorry. Kailangan ko ng umalis." Tumalikod na ako sa kanila.
Kapag pinahaba ko pa itong usapan na ito, baka hindi ko na kayanin.
Nagulat ako ng bigla akong pigilan ni Kelvin sa braso.
Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
Hindi ko siya kayang tingnan sa mata kaya nakatungo ako.
"Glazy ako 'to! Your husband!" He sounds so desperate.
Gusto ko siyang yakapin, halikan at sabihin na nagbibiro lang ako kanina.. pero umiling lang ako.
"Sorry but, hindi talaga kita kilala."
"Kelvin?" Mushroom girl
"Wifey hindi ako naniniwala. Tingnan mo ako sa mata at sabihin mo na nagbibiro ka lang."
Kelvin..
"Tumingin ka sa mga mata ko!"
Pero hindi ko kaya!
"You can't dahil hindi totoo."
I don't know kung paano ko nagawa. Sinalubong ko ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)
HumorBOOK 2 of DANGER SERIES *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I will never edit this story, dahil dito ko nakikita ang difference ng pagsusulat at pag-iisip ko noon. (The truth is tamad lang talaga ako.)...