CHAPTER 20: STUPID ENDEARMENT
GLAZY's POV:
Pine Park
4:06 pm
"Glazy sigurado ka bang dito kayo magkikita? E dalawang beses na nating nalibot 'tong park tapos wala pa din sya."
"Ang sabi niya kase maghihintay siya."
"Madaling mainip ang mga lalaki. Kahit na sobrang importante ka pa sa kanila kapag naputol yung patience BOOM! Aalis at aalis yung mga yun. Itext mo kaya. Tanungin mo kung nakauwi na siya."
Kukuhanin ko na sana yung cellphone sa bag ko nang maalala ko na wala nga pala akong number ni Niegel.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga atsaka kumawit sa braso ni Louise.
"Tara na. Umalis na nga siguro yun."
Then nagsimula na kaming maglakad.
Hindi pa kami nakakalayo sa Pine Park, nang magsalita si Louise in a tone na alam na alam ko kung anong ibigsabihin. Haay!
"Glazy~kase~ano e..."
"Oo na po. Kakain na muna tayo."
"Yey! Hindi kase ako nakakakain ng ayos sa Hospital. Walang lasa lahat ng pagkain dun."
Halata naman e.
********
"Glazy dun tayo oh! Mukhang masarap ang menu dun."
Titingnan ko na sana ang restaurant na itinuturo ni Louise, nang may mahagip ang mga mata ko.
Sa kabilang kalsada ay may monster na kumakain-- or should I say nakikipaglandian sa hipon?!Grrrrr!
Di ba oras pa ng trabaho niya ngayon? Anong ginagawa niya sa restaurant na yon?
"Sige dun tayo kumain!" Sabay higit ko kay Louise patawid ng kalsada.
"Ah.. teka Glazy! Dunhdncjcbhxjxidjibscschkwian~"
Ni hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Louise.
Ang alam ko lang kailangan kong malaman kung SINO ang kasamang hipon ng magaling kong asawa!
Pagkapasok namin sa restaurant may bumati sa aming attendant.
Still derederetso ako sa loob habang higit-higit ko si Louise.
Sinadya kong umupo sa table na hindi kalayuan sa table nila Kelvin.
Mabuti na lang may harang na parang bamboo divider ang napili kong pwesto. Panigurado hindi kami mapapansin ng monster kong asawa dito.
"Oh si Sir Kelvin--" dali-dali kong tinakluban ang bibig ni Louise.
Grabe talaga tong babaeng to! Mapupurnada pa yung plano ko eh.
Bilog na bilog yung mga mata niya na tumingin sa akin.Then dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko sa bibig niya.
"Wag kang maingay. Pag nakita niya tayo baka... baka mamukhaan niya na empleyado tayo ng hotel niya. Tapos maisip niya na naglalakwatsa lang tayo imbis na magtrabaho ng maayos."
Crossfingers.. sana naman sumakay siya sa sinabi ko.
Sumulyap muna siya kay Kelvin saka itinaklob ang menu sa mukha niya.
Ayan better.
"Louise palit tayo ng pwesto para hindi ka mahirapan sa pagtatago."
Bale nakatalikod kase ako sa pwesto nila Kelvin and magiging masyadong obvious kapag lingon ako ng lingon.
BINABASA MO ANG
Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)
HumorBOOK 2 of DANGER SERIES *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I will never edit this story, dahil dito ko nakikita ang difference ng pagsusulat at pag-iisip ko noon. (The truth is tamad lang talaga ako.)...