CHAPTER 25: TV SHOWS
"Manong pakibilisan naman oh!" kulang na lang ata yugyugin ko si manong driver.
Wala ngang traffic pero ang bagal naman nyang magpatakbo ng taxi.
"Kapag binilisan ko po aba e maooverspeed tayo nyan."
Sabi ko nga.
Kapag lang hindi ko naabutan ang seloso kong asawa, hindi ko talaga babayaran tong driver na to tch.
Kung nagtataka kayo kung san ako nakakuha ng pambayad sa taxi, well nangutang ako kay Niegel.
Ngayon masasabi kong may utang na talaga ako sa kanya.
Ang gusto nga nya e sya pa ang maghatid sa akin. Pero syempre hindi ako pumayag. Sa kanya na nga nagselos si Kelvin tapos makikita pang kasama ko pa rin.
Haay. Ang hirap talagang magkaroon ng asawang seloso.
"Manong dito na lang paraaaaaa!" Hindi ko na tiningnan ang metro, binigay ko na ang buong 500 sa kanya.
Tapos ayun kumaripas na ako ng takbo papasok sa loob.
"Kelvin!" Sigaw ko pagkabukas ko ng pinto.
Tell me Im just dreaming.
Waaah! Bakit wala sya?!
Masyado na ba talaga akong matagal?!
Kelvin!!!
Para akong dinag-anan ng mundo.
Kinurot sa singit ng isan' daang beses.
at ikinulong sa freezer for 24 hours.
Waaah Kelvin nasan ka na ba?!
I breathe deeply.
Lagi na lang bang ganito?
Bakit pakiramdam ko wala syang tiwala sa akin?
Walang tiwala na sya lang talaga ang mahal ko.
Mahirap bang paniwalaan yun?
Tuluyan na akong pumasok sa loob at inilock ko ang pinto.
"Ang sabi ko 15 minutes hindi 30 minutes."
Eh?
Paglingon ko, papalapit na sya sa akin.
Ibig sabihin..
"Hubby.. akala ko umalis ka na." mahina kong sabi pero narinig nya.
"Where else do you think I will go? This is my house kaya natural lang na nandito ako."
And now magkaharap na kami.
Ayan na naman tuloy si pasaway na heart, ang lakas lakas ng tibok.
Lagi na lang ganito pag kaharap ko ang monster kong asawa.
"Ano bang gagawin ko sayo... unfaithful wifey." sabay pisil sa ilong ko.
"araaay! Sinong unfaithful wifey?"
Atlast tinanggal nya din. Ang sakit kaya!
"Sa tingin mo may iba pa akong wifey?" naningkit pa ang mga mata nya.
"Eh kasi naman po, hindi ako unfaithful! Loyal kaya to." hinimas himas ko ang ilong ko.
Grabe talaga tong monster na to. May balak atang patangusin ang ilong ko.
Tumayo ng diretso si Kelvin with matching halukipkip.
"Then tell me kung bakit may kasama kang panget kanina."
BINABASA MO ANG
Double Danger: Hubby vs Wifey! (COMPLETED)
HumorBOOK 2 of DANGER SERIES *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I will never edit this story, dahil dito ko nakikita ang difference ng pagsusulat at pag-iisip ko noon. (The truth is tamad lang talaga ako.)...