Para dati lang... MASAYA.

100 0 0
                                    

3

Para dati lang… MASAYA.

June 18,2011;Saturday

        Whoah. First weekend sa College Life ko. Well, may pupuntahan ako ngayong araw na ‘to kasi nagtext ‘yung childhood friend ko for 12 years and until now, na birthday celebration nung batchmate namin dati at syempre, first love ko din ‘yung magcecelebrate.

        Anyways, may ‘di lang ako inaasahang pangyayari. Kasi ngayon din ang 11th Monthsary ng section ko dati. Dapat pupunta ako ngayon sa SM eh saktong pupunta ako sa birthday ng friend ko. Invited syempre, ang Batch ’11 kong pinakamamahal, relatives, friends.

~Click for the song: Nothing’s Gonna Stop Us Now – MYMP~

        1:45pm. Nagdecide na lang akong pumunta kina Aly, ‘yung celebrant. Kasi nakakahiya naman kung hindi ako dumalo. Eh “First Love” ko pa naman din ‘yun. Haha. May ganon talaga? Tss. XD Pagdating namin dun ng friend ko na kasabay ko. Pinakain agad kami to the max. XD

        Unti-unti lang na nagsidatingan ‘yung mga kaBatch ’11 ko. Wow, grabe, ang saya ng feeling na kahit iba-iba na ‘yung school naming pinapasukan, we still keep in touch with each other. Iba talaga kapag “united ang bonding ng samahan namin.” Hay. Nakakamiss tuloy lalo SILA. Sa kasagsagan ng kasiyahan namin… May pangyayaring lalo kong ikinagulat. Ehem, I mean, KAMI.

        Dumating na ang lalong nagpapatibay sa samahan ng Batch ’11 at ang dahilan kung bakit unique and Batch ’11. Dumating SILA. Isa itong HIMALA dahil dumating sila. Dumating ang Triplets ng Batch ’11, sina Jhoie(Jhoieeey), Jusmine(JüsBABES), at Jammie(MiMi).

        “Wow!” Sabay kaming lahat na nasurprise sa pagdating nila. Kasi every time na may lakad ang Batch ’11, hindi sila madalas payagan ng parents nila. Pero ngayon, parang nag-iba ang ihip ng hangin. NagMILAGRO dahil nandito sila.

        Lalo tuloy nathrill kaming lahat sa tuwa at saya. Lalo na sa part ko. Kasi, SOBRA KO TALAGA sila naMISS! As IN! Napangiti lalo ako nila sa saya dahil nandito sila sa harapan ko.

        Grabe! Ang saya ng feeling. Parang nanunumbalik ‘yung masasayang pinagsamahan ng Batch ’11.

        “Buti pinayagan kayo?” Tanong ng ilan sa amin.

        “Oh, kamusta naman ang FEU?” Follow-up question ng isa sa amin.

        So, ayun. Nagkamustahan kaming magkakaBatch ’11 about our College Life. Tawanan, Masayang kwentuhan.

        Kung maiimagine ko lang, sana kasama ko na lang sila palagi. Hay. Pero, ganun talaga. Mas lalong naging pretty(Jhoie), sexy(Jusmine), and cute(Jammie) ‘yung triplets. I THANK GOD for this very special DAY. Para sa aming lahat, Masaya kami. Parang dati lang talaga. MASAYA. :))))))

        Madami rin akong nakwento sa tatlo especially kay Jhoie, na inspiration ko and my ‘best of friend’. Of course, pati rin naman kay Jusmine at Jammie. Nakwento ko sa kanila, kung paano ang naging buhay ko sa College. Nakwento ko ang lahat-lahat ng nangyari kay Jhoie, kung paano ko ishinare ‘yung pagbabago na ginawa niya sa buhay ko. Hay. Ang sarap talaga ng feeling na ‘to. Irresistible ang saya! I LOVE BATCH ’11! <3 It simply proves that, “WE REALLY ARE, ALL IN THIS TOGETHER!” This day ends with our batch theme song, Nothing’s Gonna Stop Us Now by MYMP. The best batch ever! =)))

LIVE. LOVE. LIFE.: PEACE. LOVE. HAPPINESS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon