Pinsan Odette's POV

41 0 0
                                    

October 10,2011 - Monday

11:51pm exactly

Pinsan Odette’s POV

- - - Maria Lourdes Caringal Gebilaguin, BSP-2A

          Pinsan, bakit nga ba ganito ang buhay, hindi lang ikaw, ako, at sila ang nagsasabi ng tanong na yan, halos lahat ata ng tao tinatanong yan sa katabi, kapitbahay, asawa, anak, boyfriend, girlfriend, etc. Pero isa lang ang alam ko, tayo lang din ang makakahanap sa sagot ng tanong na yan.

          Sa lovelife mo, ang dami naming nalilink sayo, hahaha, spell charisma - R..-O..-Y..-C..-E. Grabe pinsan ha… :P

          Para ‘to sa mga taong hinihila ang pagkatao mo pababa, “Sige lang, pagpatuloy nyo pa! Akala nyo naman maaapektuhan dyan si pinsan, of course NOT!! Lalo nyo lang pinapakita sa kanya na mas weak kayo kesa sa kanya. Lalo nyong pinatatatag ang personality nya. Kahit ilubog nyo sya ng sagad sa lupa, wa epek kase kaya nyang bumangon sa sariling paa nya. Kuha nyo? Wag kayong OA lage, oh my!! Bakit hindi nyo tingnan ang mga sarili nyo para malaman nyo kung sino ang totoong kayo at ano ang kahinaan nyo. Punta kayo ng CR, malaki ang salamin don, ha!!”

          XD… hahaha… tawa much, tulog na mga tao dito samen. Ako na lang ang gising. Opppsss!!! TIME CHECK!! 12am :)

          Pinilit ko talagang tapusin dahil nagkaroon ako ng interes na basahin to para mas makilala pa kita pinsan…

          I LOVE YOU PINSAN!!

          Para sa araw ko ngayon…

          …

          …

          …

          -- Medyo maaga pa ako nagising, 5:40am…tsk!!! Alam mo ba yung feeling na ang lameeg ng paligid mo, tapos nakakumot ka ng mainit sa pakiramdam tapos… tapos… tapos… takte… ang INGAY ng paligid mo… tsk… asar much… Syempre, wapakels ako kahit anong ingay.. NAMALUKTOT lang ako sa higaan.

          6:30am. Preparation ko na para sa pagtuturo ko sa mga students kong Grade 1 sa BLMCS.

          7:30am. Umalis na ko ng bahay. Sumakay ako ng Tricycle. Kasakay ko ung skulmate ko since Elementary ‘till highskul--si Maria. Kaso suplada ako kaya di ko sya pinansin. Bad ba ko? Nagbyahe ako papunta simbahan, shocks!! I’m so MAAGA para sa 8:00am kong klase. Naggawa muna ako ng visual aids ko.

          8:00am. Religion Time! Nagpunta na ko ng BLMCS. Nagturo na ko. Grabe, nakakapaos lang, nakakapagod pero worth it naman. Namiss ko sila since 2 weeks na kong hindi nagtuturo. I’m SO IRRESPONSIBLE! Ang dami kayang event sa FAITH Daah!!

          9:00am. Tapos na!! Pahinga. Nahiga. Kumain. Magtext. Nothing’s interested. Opps!! Naghintay kay Kambal!

          10:30am Time namin ng STAT. Nasa simbahan pa din ako at iniintay si kambal sa kanyang pagdating. Late din talaga e, tsk.

          10:47am. Super-duper late na kami. Pagpasok namin ng room, nasa kalahati na sila ng lecture. Tss. Wala akong upuan sa tabi ni Jem, sa likod na lang may vacant seats. Tsk. Wala tuloy akong naintindihan. Patay!

                    - - Bagong gupit si Pinsan

          12nn. Lunch time!! With you, Pinsan Royce at Ate Cecille’s Carinderia. Nagustuhan mo ba yung food? Sana! Nagkwentuhan. At…

Tinitigan mo na naman Ako!!Aa, bakit ba kase pinsan?

          Tapos sabi mo pa, mukha akong PUSA, e hindi naman…

          Magsusukat dapat ng corpo kaso boys daw muna. Aa. Sayang oras. Sabi ni Leslie, may HD ka daw sakin. Haha. LOLs/ XD :)

          Hatsoo… Hatsoo… Hatsoo… sinisipon na ko! Whaa O____o

          Pagkatapos ng klase ng chem. Around 5:30pm. Nanood ng BSP-1A sa pagpapraktis ng CHEERDANCE nila para bukas. Well! Speechless!! Shocks! Umula. I love RAIN! Sobra!! Ang saya pag naulan.

          Pagdating ko ng bahay…

          …

          …

          May bago akong cp!! Haha… kaw ang unang nakaalam ng tungkol sa cp ko… So much for this… time check!! 12:36am. Good morning, Pinsan…

          Inga ka. I LOVE YOU, Pinsan!!! Mwa…

          Your part of the Psych Family, specially the CANDIES FAMILY!!

          9:17am

I Love You, Pinsan!!

Advance HB to you!!!

Candies loves you so much!!!

Honkyut ko pala…

Ngayon ko lang nalaman dahil sayo…

Thanks a lot…

Mwa…

Maria Lourdes Caringal Gebilaguin - BSP-2A

Pinsan “Odette”

12:39am

LIVE. LOVE. LIFE.: PEACE. LOVE. HAPPINESS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon