Start of Something New

99 0 0
                                    

2

Start of Something New

June 17,2011;Friday

        Tss. Hindi naman ako masyadong sanay na pumasok ng tanghali ayon sa schedule ko. Mga 30 minutes before ang class, medyo nag-aadjust pa rin sa environment ko. Feeling ko lagi, out of nowhere, nakakailang maging mag-isa. Wala pala talaga akong totoong “groupies”! Hay.

        15 minutes before class. Nasa room na kami, nameet na din namin ‘yung prof. namin sa Values. He’s Sir Domingo. I could describe him as a Philosopher. Teacher. Singer. Bakit? Kasi first meeting pa lang, iba ‘yung dating niya. First, as a Philosopher, ‘yung mga sinasabi niya medyo idiomatic pero may sense. Second, as a teacher, kasi may motivation siyang napapakita sa pagtuturo niya sa amin. Lastly, as a Singer. Hehe. Kasi kung kumanta siya ng FAIth Hymn parang nasa opera house lang. Haha.

        Well, our class worked out well kasi bukod sa teacher namin. May style ng pagbibigay ng points. Parang auction lang ang Points System. Hanggang 1000 points then babalik ulit sa 0 kapag hindi nasagot ‘yung question kada ikot per group.

        8 groups kami. Then, nagworkshop about attitude, culture, values, and behavior. First, ang topic, magshare kami ng instances/experiences na hindi ka naintindihan ng mga tao sa paligid mo. 1 representative every group. Ay mali. 1 Sharer per group. Group 3 ako, shinare ko ‘yung experience ko nung 3rd Year HS ako, nung hindi ko kinain ang PRIDE ko sa beliefs ko. Second, Paano mo pinapahalagahan ang isang kaibigan. Tss. Ako na naman nagshare sa group ko. Nahihiya sila eh. Sino gang hindi?! Kabado pa nga. Pero thank God! Naiexpress ko ng maayos ang statement ko.

        Alam mo sinagot ko? Este, shinare ko? Shinare ko ‘yung inspiration ko. Ang dahilan ko kung bakit mas nauurge na magpasaya ng tao sa pamamagitan ng trust in friendship. Si Jhoie, nga pala ang nagpabago ng direction sa buhay ko. So, by that time, hindi ko maexplain ‘yung feeling na parang unti-unti kong naeexpress ‘yung sarili ko. ‘Yung mga sinasabi ko, lumalabas na lang bigla sa bibig ko. Parang ang sarap ng feeling na maging free sa pagshashare. By the end of the class, medyo gumagaan ang loob ko.

        Natapos ang 1st week ko sa College Life ng may konting satisfaction. Kasi naman, kinausap ako ng mga girl classmates ko. Pagkatapos ang sabi…

        “Share your blessings!” XD Ang kulit. Haha.

        ‘Di naman ako gaano matalino eh. Tss. >.< Haha. Bahala na. At least, nakakatuwa sila kahit papaano, lalo na dun sa nakahighlights ang buhok. Cute lang. Ang kulay ng buhok. XD Haha. JK. Ayos naman sila. =)

        Sige dito na lang. :D

LIVE. LOVE. LIFE.: PEACE. LOVE. HAPPINESS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon