23
I’m glad I’ve found my new part of my happiness
(I'm glad I've found my new part of my happiness)
August 10,2011;Wednesday
After ng nangyari kahapon, parang hindi ko alam ngayon ang ikikilos ko kasi feeling ko parang nag-iiba na ang ginagalawan ko. It’s like a battlefield of truth and redemption. Wala naman sila masyadong ginagawang wrong move/actions para gumanti.
(SILA=Mates ko na nakaaway ng mga kaBatch ko.)
Halos nagging idle lang ang araw ko kasi puro iwasan at parinigan lang nangyayari. Ehem. Affected? Ako?! Never! Na-ah! Psssh. SILA lang siguro! Haha. >:D< Medyo awkward lang kasi magkakasama kami sa iisang room tapos ganito pa. Napakalamig nga sa room eh! (Sarcasm strikes! XD)
Pagkaawas. Hindi nap ala sila magpapractice. So, ako na lang ‘yung nagpunta sa Covered Court. Nandoon si Ate Celine, nung una nahihiya pa ako sa kanya pero matapos nang nagkatext kami kagabi. Magaan na ang loob kong mag-open. Masaya at masarap siyang kasama. AS IN. ‘Yung tipong kahit hindi mo siya biological na ate. Still, mararamdaman mo ‘yung presence niya bilang isang tunay na ate. Haaay. Ganito pala ‘yung feeling ng may ate. Madami kaming napagkwentuhan; Life, Love Life(Hindi pa nga tapos eh. Haha), and the likes. Ipinagmalaki pa niya ako bilang kapatid niya. Haha. =”>
I wanted to leave you this feeling na para lang sa mga kagaya ng situation ko ngayon:
‘Yung feeling na hindi mo maexplain na naramdaman mo ‘yung sapat at tapat na care at pagmamahal ng isang ate. Although, hindi ko siya biological na ate. Still, masaya pa rin ako at naramdaman ko ‘yun. Salamat.’
Full of surprises talaga ang buhay. This is the incomparable part of life. Happiness under pressure & circumstances.
Napakilala niya din ako sa boyfriend niya ng 6 years pag labas naming ng school. Mabait naman siya. Kaya no wonder, sobrang Masaya ang life ni ate. Haha.
Tss. Retreat na ni ate bukas. Ito nga pala ‘yung retreat letter ko para sa kanya... Sa Monday ko pa ibibigay. Hehe. :P
To my ever dearest Ate Celine :],
Hi Ate! :D
Alam kong napakaawkward naman nitong ginagawa ko. Naggagawa pa ako ng retreat letter sa'yo. Haha.
Well, first of all, thanks sa pakikisama sa'kin kahapon kasi alam niyo 'yung nararamdaman ko sa situation ng friendship namin ngayon ng classmates ko.
Thank you po sa magiliw na pagtanggap at sa pagmamalaki sa iba na kapatid niyo ako. Although not biologically, pero still you've given me the love & caress na hinahanap ko sa isang ate. Naramdaman ko po 'yung pagmamalasakit niyo sa'kin bilang ATE at most of all as a friend. :)
Thank you po sa overwhelming na welcome! :D
Ngayon ka lang din naexperience ang ganitong feeling na hinahanap-hanap ko. 'Yung hindi ko po akalain na sasaya po ako sa isang banda ng life ko. Kahit po na may mga pinagdaanan po akong problema. Kayo po 'yung nagsagip sa akin nung malulunod na ako sa mga worries, regrets, guilt, at problems ko. Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng 'yun Ate. Ate intay-intay ka lang ng konti ah. May maitatawag na din ako sa'yo katulad na lang mga pagtawag ko sa mga taong pinapahalagahan ko ng husto. Haha. Ang hirap po kasing idescribe kayo eh. XD Lol. Thank you po sa pagpapakilala kay Kuya Edward! No wonder. Mas tatagal kayo sa 6 years! (Walang pangeechos yan ha! >:D)
I want you to remember me as you would like to remember the things that I've been telling you. Naging open po ako sa inyo. Salamat po sa pakikinig at pagpapayo sa mga problema ko. Thanks for the compliments na rin. I really appreciate being with you Ate. Sige sige po. Ingat ka po Ate! Miss you po! Nal Kidaryeo! Bogoshipda! :D
Ehem. Pde favor? :) Bigay naman po kayo ng isang adjective that would describe YOU. Thanks po! :)
EAT. PRAY. LOVE. (Parang libro lang. Hehe.) ;)
By the Angel.
Sincerely Yours,
Raziel Mayfallen
PAreng Royce
"OPPA"
“Minsan sa buhay kailangan mong maging independent. Kailangan mong maging malaya para mabawasan ang mga pag-aalala sa mga problema. Kailangan mong maging malaya para maging masaya. Para mahanap mo ang totoong happiness ng buhay.”