That's why you called it the 7th Capital Sin

42 0 0
                                    

16

That’s why you called it the 7th Capital Sin

July 15,2011;Friday

          Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa’kin ang ganitong sakit. Siguro na sa’kin na rin kung bakit ganito. Hay.

          Akala ko wala ng masaman mangyayari. Akala ko magiging ayos lang ang lahat. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, sobrang sakit ng mga nangyari. All of a sudden, nawala ‘yung saying nararamdaman ko. :’|

~Click for the song: Why – Secondhand Serenade

          Naging okay na kami ni S U N D A E. Bati na ulit kami. Pero bakit parang may mali?

          Nasa Gym ako nang biglang may magtext…

From: No name [+63916*******]

..Ui punta ka sa garden house, may naghahanap sa’yo dali.

          Sino ‘to? Kilala niya ako. Nacurious ako. Nagpunta na ko ng Garden House. Malapit lang naman sa Gym. Likod lang.

Yun pala…

          SILA. Some of my classmates. Sinalubong nila ako ng masaya.

          ‘Anong meron?’ sabi ko sa sarili ko.

          Pinaupo nila ako sa ‘hot seat’. Takte. Ano ‘to! Kinakabahan ako. Parang every second nag-iiba na ‘yung mood nila pati ‘yung paligid parang nag-iiba dahil sa ikinikilos nila. Parang lumalamig ‘yung paligid ko.

Here’s the scenario.

                                                SILA :|

                                SILA :|                   SILA :(

                                                  ako =’|

1st SILA => ‘yung mga girls na hindi ko masyado na nakakasama.

2nd SILA => ‘yung mga girls na kakaiba kasi parang hindi sila totoo sa kanilang                                   sarili

3rd SILA => Barkada ko NGAYON. =((

maliit na ako=> Hindi ko alam ang nangyayari. </3

          Open-forum ba ‘to? Takte. Hindi ako sanay sa ganito. Baka hindi ko kayanin. </3 Mahina ako sa ganito. =|

          First na nagsalita si PAU. Wew. Hindi ko inaasahan ‘yung mga sinabi niya. Hindi ko sukat akalain na masasabi niya ‘yung mga salitang masasakit pertaining sa pakikisama ko sa kanila. Seryoso na naging usapan. Hindi ko na kaya. ‘Yung mga masasakit na salita na ibinabato nila sa’kin. Ngayon ko lang narinig. It’s all about the negative things na nakita nila sa’kin as a friend, as their president, and as a person.

“Hindi kami kagaya nung mga taong nakasanayan mo. My God. 1 buwan pa lang namin ikaw kilala. Hindi ka pa namin lubos na nakikilala.”

“Magsalita ka. Kasi hindi ka na namin maunawaan. Ano ka ba dati?”

“Sabi mo sa amin, “Magtulungan tayo?” Ba’t parang ikaw pa ‘yung nagdodown sa’min? As a president, dapat iniisip mo ‘yung kapakanan namin. Hindi mo kami utusan. Hindi mo kami laruan.”

          ‘Yan. ‘Yan ‘yung mga salitang paulit-ulit na umiikot sa isip ko. Hindi ko napansin ‘yung mga ginawa ko sa kanilang masama na hindi ko alam nagawa ko na pala sa kanila. Ang sama-sama ko palang tao. Hindi ako makapagsalita. Imbis. Umiyak ako sa harap nila. Mahina ako. Natalo ako sa laban na dapat magkakampi kaming lahat. ‘Yung first na sinabi nung isa, sobrang nasaktan ako. Kasi hindi ko nga maadjust ‘yung sarili ko sa kanila. Kakaiba sila. Wala akong nasabi. ‘Yung 2nd naman, ang nagsabi si Pau. Actually, halos siya nga ata ‘yung nagsummarize nung mga tanong eh. Sobra akong nasaktan. Kasi siya pa, ‘yung taong hindi ko inaakala nag anon ang magagawa niya. Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi ko kinaya, kaya sa 30 minutes na ‘yon. Nauna na akong umalis ng walang sinabi. Sensitive kasi akong tao dati. Binago lang ako ng isang tao na nagbago din ng buhay ko. Ngayon bumabalik ‘yung dating ako pero pinipigilan ko kasi ayoko nang maging ganon.

          Pagdating sa classroom, parang walang nangyari, walang pinag-usapan. Oo. Ako na ang may kasalanan. Nahihirapan na ako. Nagpapalpitate na ‘yung puso ko! Syet. Ang sakit! Sobrang sakit! T___________T </3 kinarma ata ako. “Sorry.” Para saan pa kung magsorry ako? Wala ng saysay.

          Natapos ang araw na mag-isa na lang akong bumaba galling sa classroom.

Pero…

          May mga totoong tao at kaibigan pa palang natitira sa puso ko. Lumapit at nagsorry ‘yung ilan sa totoong kaibigan na classmates ko sa’kin. Tutal, hindi naman nila kailangang magsorry. Ako pa nga dapat eh. Pero they insist. Medyo gumaan ‘yung bigat na nararamdaman ko.

Nung gabi na…

          Nagtext si Pau. Nagsorry siya sa lahat nung sinabi niya. But I deserve it naman eh. </3 Totoo siyang kaibigan. As in totoo.

          Natapos ang araw na may halong tuwa at poot sa sarili ko. Kasi this is life’s ironic side, its bitterness. Life’s truly unfair but nevertheless, tatanggapin ko ‘to. Kasi it’s part of life.

          Good Night. =’(( <//3

LIVE. LOVE. LIFE.: PEACE. LOVE. HAPPINESS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon