A Resilient Recovery after Some Stressful Circumstances

34 0 0
                                    

44

A Resilient Recovery after Some Stressful Circumstances

(A Resilient Recovery after Some Stressful Circumstances)

October 15,2011;Friday

        MagoOVERNIGHT ako ngayon kina Mommy Jem for the FINALS! Whooh! 2nd time na ng pagoOVERNIGHT pero 1st time kong makakapunta kina MOMMY! Waa. Excited! XD

          10:30am. Pumasok ako sa school. Nakasalubong ko sina Kuya Rogem at Kuya JC. Sumama daw ako at manonood ng Variety Show sa MPH (Multi-Purpose Hall) at nandun din daw ang BSP Family ko. Future, I mean. Hehe.

          11:30am. Habang nanonood kami ang kulit nina Mother Elaine. Inay Kenna, at Tita Ana dun sa itinuro kong SUNDAE Handshake. XD Kakatuwa si Mother eh. Paulit-ulit laang. XD

          11:45am. Natapos ang Variety Show at kumain kami ng CANDIES Family sa Food Court.

          12:00pm. Nagclass kami sa VALONE and this would be our last class sa VALONE. Grabe lang eh. Wanna know what happened?

          Around 1:10pm. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan dahil nagsiar ako. Una ko agad narinig ang name ko…

          Si Mary, seating on a chair at the center aisle of the room. Tinanong ko mga classmates ko kung anong meron. Sharing lang daw. Oh, kaya pala.

          Nagsorry sa’kin si Mary sa lahat daw ng mga nagawa niyang masakit sa’kin.

          Next to speak up, Pau, nagsabi din siya ng mga insights/experiences niya sa first semester na ‘to.

          Next was our NEW PRESIDENT-ELECT na si Almeda(Mark Louie Almeda – Ex-Vice President), nagshare din siya ng mga nagging experiences niya bilang President.

          Sumunod naman si Eva, isiniwalat niya naman ang kanyang mga kamalian at ang mga natutunan niya sa mga nangyari ngayong sem. na ‘to.

          Kilala niyo sumunod? Eh di AKO! XD Huwaw. Intense lang ang feeling nung turn ko na. Grabe lang. Hays.

          San ba ako nagsimula? Well, sinumulan ko ang pagshashare ko sa kung paano nagsimula ang lahat…

          First Day…

                   First Meeting…

                             Conflicts…

                                      Experiences…

EVERYTHING…

          Dala-dala ko ang blog notebook ko nung nagshashare ako. Habang ishinishare ko ang mga nagging experiences ko bilang “President” nila for almost 3 months. Nakikita ko sa kanila ang hindi malamang expression na ngayon ko lang nakita. Para bang magkahalong awa, tuwa, saya, poot at galit na pinagsama-sama. Para bang heto ‘yung nagging resulta ng lahat ng mga pinagdaanan ko bilang President ng class na ‘to. In an instance, naisip ko. Parang dati, tumutulay ako sa tulay na walang hawakan at isang pagkakamali mo lamang ay maaari kang malaglag. Pero ngayon, natatamasa ko ang aking mga natapos na pinaghirapan. Natuwa ako sa self-actualization na ‘to. =) Natahimik ako at napaisip sa isang banda sa aking buhay na hindi ko lubos maisip na madami pala akong matututunan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LIVE. LOVE. LIFE.: PEACE. LOVE. HAPPINESS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon