40
Wasteful Drama of Misery
(Wasteful Drama of Misery)
October 8,2011;Saturday
9:30am. Nagpunta ako sa school para kunin ‘yung blog notebook ko kay Mommy Jem. Sinamahan ko na din siya sa school. Tapos, tinulungan niya akong sabihin ‘yung totoo kung bakit ako umiwas noon kay Kambal Divine.
“Kaya lang naman ako umiwas sa’yo kasi ayokong mafall sa’yo. Hindi ko kasi kaya kapag nangyari ‘yun. Wag ka sanang maiilang kasi natatakot na akong masaktan.”
Naintindihan naman niya at tanggap pa rin niya ako. Hoo! Nakahinga na din ako ng maluwag! (^____________^).V..
10:30am Nagpaalam na ako kila Mommy Jem kasi may practice pa kami for our cheer dance.
11:00am. Nakarating na ako sa meeting place. Langya naman oh. Ito ‘yung ayaw ko eh. Magsasabi ng oras tapos wala rin pala! Filipino time nga naman! Grabe!
2:00pm. Ito ‘yung ikinabad trip namin eh. ‘Yung dinisregard talaga kaming mga gusting sumali. Walangya sila! Napakainconsiderate naman! Ten gene lang! Tss. KaBV!
3:00pm. Bumalik na lang ako sa school para mabawasan ang BV ko. Alam kong gagaan ang kalooban ko dahil kina Mommy.
3:00pm-05:30pm. Nagstay kami nina Mommy Jem at Ninang Hanna sa Covered Court at kumain kami ng pancake, ang “chocolate” ng buhay ko. Kasi kapag nakakakain ako ng pancake, okay na ako. Nawala na ‘yung BV ko sa paghihintay sa wala!
Masaya ako kasi nandyan ‘yung mga taong nagmamahal sa’kin. Mahal na mahal ko sila! =))