It only takes a single spark to wake up the sleeping heart

56 0 0
                                    

12

It only takes a single spark to wake up the sleeping heart

July 5,2011;Tuesday

Friday… :)

          Saturday… =D

                   Sunday… (^___^).V..

                             Monday… =|

TUESDAY =\

          Halos laging idle ang naging araw ko. Ewan ko nga kung bakit. Para kasing may pumukaw na sa attention ko nun. Parang may nararamdaman akong kakaiba para sa isang taong dumating sa buhay ko.

          Hindi ko malaman kung talagang gusto ko talaga ang taong ‘to. Pero siguro mas malalaman ko kung susubukan kong magparamdam…

          8:30am. Dumating ako sa school. Meron daw pa lang medical exam ang section namin. Anak ng! Dapat sinabi or ininform ako ng Communications Officer namin ah! Tss. Lagot siya sa’kin! >:D< 1 hour na lang, buti nacomplete naming lahat ang med. exam. Pinagsabihan ko na rin si Communications Officer na sa susunod, patay siya sa’kin! Haha. JK.

          Break. Gusto na talagang paaminin ako ng mga classmates ko kung sino si S U N D A E.

(S U N D A E – ‘yung taong nakaagaw ng attention ko. ‘Yung bumabagabag sa’kin nararamdaman)

          Ayun, pumunta agad kami sa Mcdo. Ibibili ko ng SUNDAE si S U N D A E para malaman nila kung sino si S U N D A E. Haha. Lol! XD

          Kumain muna kami ng lunch.

After that…

THIS IS IT.

          Kailangan ko ng malaman niya na gusto ko siya.

~Click for the song: Marry Your Daughter – Brian McKnight

          Intense ang feeling na bumabalot sa’kin pero alam kong kaya ko ‘to. Hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayoko ng palagpasin pa ang pagkakataon.

          Umoorder na ako…

          Lalo kong nararamdaman ang tension, ang kaba, at ang takot.

          Papalapit na ako sa kanya…

          Mas malapit na ako…

          Heto na!

          Ibinaba ko na ang SUNDAE sa mga palad niya. Si S U N D A E at ang nag-iisang S U N D A E ng buhay ko. Si Mary, ang secretary namin. Ito ang nangyari:

“Hindi mo lang kasi alam, gustong-gusto na kita…”

          Naghiyawan ang mga classmates ko… SA LOOB pa ng Mcdo! Grabe! Haha. Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko. Kilig na agad ‘yung mga kaklase ko. IMBA! XD

          Hanggang sa makalabas kami ng Mcdo… Hawak-hawak ko pa kasi ang kamay ni S U N D A E kasi ieexplain ko pa sa kanya kung bakit.

Here’s what I’ve said:

“Alam mo ba kung bakit ikaw ang napili ko? Kasi, ‘yung mga bagay na ginagawa mo, hindi mo lang alam, sobra mo na akong napapasaya. Effortless kasi ang charisma mo. Gusto kitang alagaan at gusto kita. Sa lahat-lahat kakayanin kong mahalin ka kasi nandyan ka palagi sa tabi ko.”

          Speechless siya, pero alam kong masaya siya sa mga sinabi ko. Sinabi ko din na walang ilangan kasi gusto ko lang naman siya. Pero kaya ko siyang mahalin. Sana lang sigurado ako sa nararamdaman ko para sa kanya kasi sobrang masasaktan ko kung mali ang lahat ng mangyayaring ito.

GUSTO KITA, S U N D A E.

LIVE. LOVE. LIFE.: PEACE. LOVE. HAPPINESS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon