42
It was the best day of my happiness in a lifetime
(It was the best day of my happiness in a lifetime)
*Gabi ng October 11,2011;Tuesday*
Sa mga oras na natitira bilang pagiging 16 ko…
Pinagdarasal ko na sana maging maganda ang kapalaran ko sa pagtungtong ko sa panibagong ibinigay na edad ng Diyos. Para sa akin nakalaan ang mga oras na dapat kong gugulin.
Hala! Tarang magcountdown!
10… 9… 8… 7… 6…
5… 4… 3… 2…
1!!!
*12:00am;October 12,2012;Wednesday*
HAPPY HAPPY
17TH REBIRTH DAY
to the
Bittersweet Angel,
Raziel Mayfallen!
(Ako ‘Yun! XD :)))
(Mamaya ko ilalagay ‘yung mga bati sa’kin sa text. :P)
Ramdam ko na ang bungad ng isang magandang umaga sa araw ko. Binati na ako ng family ko. Pinagdadasal ko pero hindi ako nag-eexpect ng masyado sa espesyal sa espesyal na araw na ‘to kasi halos wala naman akong plano. Busy kasi sa cheerdance namin para bukas. Hays. Pero kailangan ko pa rin mag-enjoy kaya SMILE! =D
6:30am. Wew. Ba’t ang aga ko? Kasi gawa ni Kambal Divine. Magpapatulong siya sa’kin sa project niya sa HTML. Tska for the sake of our practice na rin sa cheerdance.
8:30am. Nalate si Kambal pero ayos lang ‘yun sa’kin. ‘Yung feeling na habang kasama ko si Kambal, parang isang puso at damdaming nanghihina at nagpipigil sa tuwing kasama ko siya. Kasi alam kong masasaktan ako. Masakit lang. Hays.
Ilang oras ko ding nakasama si Kambal. May klase siya ng 10:30am at break time ko naman ‘yun. (‘Di na nga ako umattend ng 1st class ko dahil sa practice nung mga 9:00am ng cheerdance)
Halos bawat kakilala ko; mapaiba’t-ibang courses man sila(BSP, IT/CS, BSM, BSA, BSBA-MA,BAC, etc.). Masaya ako dahil alam kong may mga nagmamahal sa’kin. Lalo na sa mga nakasama ko sa mga oras na ‘yon…
Kambal Divine…
CICT Family…
BSP1A…
BSP2A…
at ang
CANDIES Family…
Sobrang nabuo ang araw ko dahil sa kanila. =”>
10:30am. Sinamahan ko si PINSAN Janet sa Food Court dahil dropped out siya sa isang class niya for a better reason.
Umuulan. Malakas ang buhos ng ulan. At dahil dun halos siksik na kami ni PINSAN sa kinauupuan namin. Hongtaray lang talaga ng PINSAN kong ‘to kaya maglalambing ako! PMS Mode! >:D<
Nakita kami ni Ian(kaBatch ’11 ko na Engineering), ang sinabi ba ga niya aniya ay…
“Nice one, Royce!” (¬______¬)??!