*Lance*
"Magli-leave ka Lance?"
Hindi na ako nagulat sa tanong na ito ni Arvin ng pumasok ito sa office ko. Bihira lang ako mag- file ng leave kaya alam kong nagtataka ito.
"Yeah. Attend ako ng elementary reunion. Ang kulit ni Hernani eh." Paliwanag ko na hindi inaalis ang tingin sa ginagawa ko.
"Ah.. that reunion. Wait, di ba naging classmate mo doon si Angie?"
I rolled my eyes at irritation as he mentioned that name. I really hate that two-timer gold digger and my jackass cousin really had the guts to mention her name in front of me.
"She's not coming." I said between gritted teeth.
"Oh really..." tila nang-aasar namang sagot nito. "Is that the reason why you're grumpy?"
Napailing na lang ako. Tama ang hinala kong wala itong mabuting sasabihin.
"That's the reason why I'm going to attend Alvin. Halos araw-araw ko siyang nakikita. Her presence suffocates me."
"Hey chill bro. Masyado kang mainit." Nailing namang sagot sa akin ng pinsan ko. Palibhasa kasi masyadong mabait at hindi iniintindi ang pagiging flirt ng Angie na yun.
May asawa nang tao nakikipag flirt pa kay Gus. Balita na sa buong building na nililigawan ito ni Gus. Kung maglandian pa sa hallway nakakairita. Kung nalalaman lang sana ni Henry ang mga ginagawa ng asawa niya dito sa opisina, malamang hiniwalayan na niya ito.
"I hate her, in case you've forgotten," iritado kong sagot. Bakit ba pinag-uusapan namin ang babaeng yun. Sirang-sira na ang araw ko, pati concentration ko sa trabaho damay na. Ang galing talagang manira ng araw!
"Yeah, I know."
Hindi ko na lang pinansin ang sarkasmo sa boses ni Alvin. Sira na ang araw ko para mas lalo pang sirain ng gagong to.
"Break time na. Tama na iyang pagpapanggap mong busy ka at mag-snack na tayo sa cafeteria. Gutom lang iyan."
Wala na akong nagawa nang agawin nito ang ballpen ko at inihagis sa kung saan. Sabagay, kanina ko pa rin gustong magkape. Hindi ko lang naharap kasi may ginagawa ako. Pero ngayong distracted na ako, kailangan ko na munang magpahinga. Sumunod na lang ako sa naunang si Alvin para magtungo na sa cafeteria.
"Henry Jacob Sy! What brings you here?"
Nagulat na alng ako ng biglang sumigaw ang pinsan ko at lalo pa akong nagulat nang makita ko si Henry - ang asawa ni Angie - na naglalakad papunta sa amin.
This will be great. The end of the flirtatious escapade of his wayward wife.
"Alvin,Lance what the hell are you two doing here?" masigla namang bati nito sa amin ng pinsan ko.
"We're working here for a joint project with MCF," mabilis na paliwanag ni Alvin na tumitingin-tingin pa sa akin ng tila nakakaloko. "Ikaw naman, bakit ka nandito? May meeting ka ba?"
"Nah, I came here for my sister. She's working here," sagot naman nito na biglang nag-igting ang mga panga.
"You have a sister?" hindi makapaniwala kong tanong dito. Alam ko ay solong anak lang ito.
"Yeah, I have a sister. It's a long story but right now, I need to see her coz some asshole is courting her."
"How about your wife?"
"Possessive Brother! Let her be dude. Malaki na ang kapatid mo." Halos nagkasabay pa kaming magsalita ni Alvin kaya siguro hindi ito nakapag react sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Mahal kita...Angal ka pa?!
HumorWhat will you do if you wake up one day and found out that you are a PRINCESS!?! Yes, from rag to riches? Siguro yung iba magtatalon sa tuwa. Syempre super swerte mo na kaya non. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Shopping dito shopping doon. Out of to...