(A/N Henry on the media)
“Angel, are you dating someone?”
Bigla akong nasamid sa tanong na ito ni Kuya Henry. Naman…makapagtanong wagas…as if naman na may nanliligaw sa akin sa school eh ang alam nila ako ang fling ni kuya… hahaha… Mga insecure.
“No Kuya,” o diba nakikipag-English-an na ako sa kanila. Kapag mga simpleng yes or no lang naman ang sagot, mani na sa akin yan.
“That’s a good thing coz I want you to meet a friend of mine.”
Nakatingin lang siya sa akin habang humihigop ng kape niya. Nag-aagahan kami ngayong dalawa. Wala sila Daddy at mommy dahil nasa business trip sa ibang bansa.
Para akong pinagpawisan. Paano ba ako sasagot dito. Nasasagot ba ito ng yes or no?
“E-eh Kuya I’m not interested…in…”ano ba ang isusunod ko..tama ba grammar ko? Sa totoo lang naiilang talaga akong kausapin ng English ang kapatid ko..Kung bakit naman kasi ang hilig niyang mag-english kahit andito lang sya sa Pilipinas.
“Are you sure?”
Tumango na alang ako..
“Okay, if that’s what you want. I’ll just tell Alvin that – “
“Alvin? Hindi naman siguro si Alvin Cheng yan kuya no?” biro ko sa kanya.
“Paano mo nalaman na si Alvin Cheng yun?” nagtatakang tanong sa akin ni kuya.
KYAAAAAAAHHHHHH!!!!
Alvin Cheng…
“ Kuya kailan ang date namin?”
“Grabe ka naman Angie, Hindi ka man lang nagpakipot kahit konti.”
“Uy si Papa Alvin ang pinag-uusapan dito..Dream come true para sa akin yon..haha”
Dahil hindi ako excited sa magiging date naming ni Papa Alvin, agad kong niyaya si Icay dito sa mall para mag shopping ng damit…Pero front lang yun. Gusto ko lang maglakwatsa. Dami ko kayang damit. Gusto ko lang magkwento kay Icay na walang mahahabanag tenga at mga matang nakairap sa paligid namin.
Lalo lang kasi lumala ang mga insecure kong classmates and schoolmates ng madalas na akong inihahatid ni kuya sa school. Then may time pa na snacks ang ipapadala then siya na rin ang tumutulong sa akin sa mga projects.
Well hindi ko naman masisi si Kuya kung bakit siya ganoon. Mahal na mahal lang niya ang kanyang baby sister at talagang devastated siya ng malamang namatay daw ako..
Dahil nga buhay naman talaga ako, at seventeen years akong nahiwalay sa kanila, bumabawi talaga siya sa taong hindi kami magkakasama. Kahit sobrang busy siya sa trabaho,pagdating sa akin hindi siya nauubusan ng panahon. Minsan kasama ko pa siyang dumdalaw kay mama Clarissa.
Pakiramdam ko spoiled na spoiled ako sa kanila.
Pero siyempre ayoko namang samantalahin ang kabaitan nila sa akin. Kahit sabihin pang ako ang kanilang unica hija… Naiilang pa rin ako.
“Lalo magwawala ang mga haters mo nyan.”
Natawa ako sa sinabi ni Icay.
Ano daw?
Haters?
“As if naman na kagandahan ako para makakuha ng haters..Insecure siguro…”
ARAY!
Si Icay tinapik ako ng malakas sa braso.
“Para kang timang dyan. Lubayan mo nga drama mo.”
“Nagsasabi lang ng totoo…Hindi matatakpan ng mamahaling damit ang taglay kong…” nakita kong nakaamba na naman si Icay.
BINABASA MO ANG
Mahal kita...Angal ka pa?!
HumorWhat will you do if you wake up one day and found out that you are a PRINCESS!?! Yes, from rag to riches? Siguro yung iba magtatalon sa tuwa. Syempre super swerte mo na kaya non. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Shopping dito shopping doon. Out of to...