*Angie*
Today is officially my WORST DAY EVAH!
Imagine, I woke up late this morning with blood stain in my bed sheet and in my PJ. Hindi pa ako ang nakakita kundi si Lance na maaga akong sinundo para i check ang isang ongoing project sa Laguna.
Lakas loob pa naman akong nagbukas ng pinto nang kumatok siya tapos pagtalikod ko sa kanya, naghuhumiyaw naman pala ang aking kahihiyan.
Kung ang dating Lance ang nakakita non, malamang lumubog na ako sa pambubuska niya. Pero ang Lance na kasama ko ngayon ay ang mature version niya na walang inisip kundi ang kapakanan ko.
Nagulat pa nga ako ng bigla na lang niya akong buhatin. Nagpumiglas pa ako para ibaba niya pero ng sinabi niyang "There's bloodstain on your backside."Doon ko na realize ang nakakahiyang pangyayari.
It's that time of the month! Shet! Nakakahiya! Bakit naman kasi hindi ako marunong makiramdam sa katawan ko bago ako bumangon sa kama! Ngayon nakita pa ako ni Lance na may tagos! What a humiliating experience!!!
Dinagdagan pa iyon ng biglang lumabas sa kuwarto si Kuya Henry at naabutan niya kami sa ganoong sitwasyon.
Napailing pa ito at saka muling kinuha ang cp at kinuhanan pa kami ng picture. Narinig ko pa ang sound ng shutter nito kaya alam ko kung ano ang ginawa niya.
"You're spoiling her too much dude." Naiiling pa nitong wika sa amin. "And for goodness' sake Angel, you're not a baby anymore. Tss.. aga aga niyong naghaharutan nitong si Lance. Are you two back together?"
"Kuya wag kang OA! Anong back together? Walang kami!"masungit kong sagot sa kuya kong bakas ang pagpipigil ng ngisi.
"Walang kayo, pero kung makapagpabuhat ka ng bridal style kay Lance feel na feel mo naman," mabilis naman nitong sagot. "And hindi ka ba nabibigatan sa kapatid ko? Mukha lang payat yan pero malakas kumain yan."
Natawa lang si Lance sa sinabi ng kapatid ko. Mas lalo akong napairap. Sa halip kasi na kumontra sa magaling kong kapatid parang sang-ayon pa ito.
"I already know that, bro." Natatawa pa nitong wika. "I'm a living witness kung gano siya kalakas kumain."
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko sa sobrang galit. Kung mag-usap tungkol sa appetite ko parang wala ako sa paligid.
"Hello, heto lang ako. Makapag usap kayo parang hangin lang ako dito. Ipasok mo na nga lang ako sa kuwarto ko at nakakabadtrip na si kuya!" Inis kong utos kay Lance.
"The hell Angel!" Bigla sigaw ni Kuya na nagpapitlag sa amin ni Lance. Dama kong pati siya ay nagulat dahil muntik na niya akong maibagsak. Buti na lang at napakapit ako sa leeg niya.
"Konting respeto naman sa bahay ko!" Dugtong pa nito bago ako makapagpaliwanag. "I know I'm being cool with the two of you together but can please stop doing things that can get us both in trouble. Dad's gonna kill me if he'll known that I'm tolerating both you in engaging in premarital activities!"
Parehas kaming nalaglagan ng panga ni Lance sa sinabi ni Kuya. Pero mabilis namang nakabawi si Lance at natawa na lang sa huli ng magets ang pinagsasabi niya.
"Hey, calm your tits, bro. It's not what you think. Dadalhin ko lang siya sa loob ng kuwarto niya to fix herself." Paliwanag nito pero bakas sa mukha ang pagka aliw.
Umangat lang ang kilay ni Kuya sa sinabi niya. Halatang hindi naniniwala.
"And why does she need to fix herself? And why are you carrying her? Can't she walk back to her room? And what are you doing here anyway? It's still early." Ngayon naman dinaig pa ni kuya ang isang imbestigador. Kung makapagtanong parang wala ng bukas.
BINABASA MO ANG
Mahal kita...Angal ka pa?!
HumorWhat will you do if you wake up one day and found out that you are a PRINCESS!?! Yes, from rag to riches? Siguro yung iba magtatalon sa tuwa. Syempre super swerte mo na kaya non. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Shopping dito shopping doon. Out of to...