Chapter Sixteen

61 3 0
                                    


*LANCE*

"What was that all about?"

"Nothing," and I shrugged my shoulders to answer my cousin's query. Pero dahil may pagka chismoso ang pinsan ko, hindi niya tinanggap ang sagot ko at naupo pa sa silyang katapat ko at saka ako tinitigan.

"Nothing, may nalalaman ka pang good kisser dyan."

"Nag eenjoy lang akong asarin ang asawa ni Henry. Ano ka ba Insan. Huwag mong bigyan ng malisya yung narinig mo."

Nakita kong tila ba nagpipigil pa ng tawa ang magaling kong pinsan. Hindi ko na lang pinansin. Lalo lang hahaba ang usapan naming wala namang kuwenta.

"Hindi ka naman bitter nung sinabi mong asawa ni Henry no." tila nang aasar pang sagot ng loko. "Selos ka?"

"Lawak ng imagination mo. Naka drugs ka ba?" I snapped at him. Ang kulit eh!

"Sabi ko nga hindi ka nagseselos." Nang- aasar pa ring wika nito. Ako na naman ang napag tripan Tangina lang. Bakit kasi nagpakita pa ang babaeng dragon na yun eh.

"Balita dito sa buong building close daw sila ni Gus. First name basis pa nga sila."

Sa paraan ng pagkakangiti ni Alvin, alam kong wala na itong balak na tigilan ako. Lakas talaga ng radar. PAti tawagan ng dragon at Gus alam. Eh ano ba naman kasi sa akin kung close yung dalawa na yon. Ako ba ang nagkakasala kay Henry?

"Uy, no comment ka?"

"Hindi naman big deal sa akin yun di ba?" sarkastiko kong tanong. Konti na lang makakasapak na ako.

"So okay lang na makipag close si Angie kay Gus, kahit na may asawa na siya?"

Muli kong tiningnan si Alvin at kitang kita ko na naglalaro ang amusement sa mga mata nito. Gago talaga. Ayaw akong tigilan.

"Ako ba asawa niya at kailangan pa ng opinion ko sa pakikipaglandian ng babaeng yun kay Gustave?"

"Hindi." Mabilis na tugon nito. Nakakaintindi naman pala tong magaling kong pinsan. Bakit kinakailangan pa akong asarin? "Kaso insan, halatang affected ka. Kanina ka pa namumula sa galit." Sinundan pa niya ito nakalolokong tawa.

Hindi ko na lang siya pinansin. Wala naman ding mangyayari kahit ipaliwanag ko ang side ko at hindi rin naman worth it napag-usapan ang babaeng yun. Mula nang makilala ko ang babaeng yun, wala nang matinong nangyari sa buhay ko.

Matagal mo na siyang kilala.

Tss..

Kahit konsiyensya ko ayaw akong patahimikin. Ano bang ginawa sa akin ng babaeng yun? Daig ko pa ang isinumpa. Mula pala pagkabata kasama ko na siya.

Pero ang dragong kilala ko ay hindi naman mayaman. Sa pagkakatanda ko, nagtitinda ng meryanda ang nanay niya noon. Naalala ko pa nga hanggang ngayon kung gaano kasarap magluto ang nanay niya. MAdalas pa akong bumili sa tindahan nila dahil mas gusto ko iyon kaysa sa luto ng kusinera namin.

Masyado nang malabo sa akin ang naging kabataan ko. Hindi ko na rin maalala yung sinabi sa akin ni Hernani na madalas kong paiyakin ang babaeng yun dahil sa pang-aasar ko. Maging siya naman kasi hindi na rin ako naalala. Pero siguro nasa dugo na lang namin ang pagiging aso't pusa kaya naman kapag nasa isang lugar kami ay hindi uubrang hindi kami magtatalo.

"Tumahimik ka na dyan," bati sa akin ni Alvin. Akala ko nasa cafeteria na ang isang ito. Nun pala binabantayan ako.

"Useless makipagtalo sa iyo," I just shrugged my shoulders.

"Masyado ka lang in denial."

"Ano namang ide deny ko?" I stared at him blankly. Ano ba gustong mangyari nito? Aminin ko at ipagsigawan na nagseselos ako sa closeness ni Gustave at dragon? The hell I will!

Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon