Chapter Thirty - Three

52 5 0
                                    

*Angie*

Mabilis kong nilagok ang alak na inabot sa akin ni Hernani at marahang ipinilig ang aking ulo. Ramdam ko ang pagguhit ng mainit na likidong iyon sa aking lalamunan papunta sa aking sikmura ngunit hindi ko iyon pinansin.

Im here to party!

Im here to enjoy at kung sa paglalasing ko makikita iyon ay iinumin ko lahat ng alak sa bar na ito.

So many things have changed. Im not the same girl three years ago. Im more... me.

Not the Angelyn that my biological parents want me to be. I dont want to live by their rules. I want to live my life the way i wanted it to be.

Kaya nga nag back out ako sa engagement namin ni Lance. I know that both my parents and his were very disappointed with my decision. Kahit sila Tita Anne ay napaiyak pa noong pinipilit nila akong i convince na ituloy ang engagement.

Kaso buo na ang aking desisyon noon. We dont have any feelings for each other. It was a force engagement based on the wrong assumptions so para saan ang kasal?

Besides, Lance is in love with his ex. So isa lamang akong dakilang panggulo at kontrabida sa buhay nila. Kahit na laging trending ang #GieLan na pinasimunuan ni Tita Anne, hindi ako napigilan nito na lumayo upang makalimutan ng lahat ang issue na siyang nagpasimula sa magulong engagement namin.

Muntik na naming maabot ang kasikatan ng AlDub sa aming bayan noon. Everytime na uuwi si Lance doon makikita mo sa Facebook, Instagram, Twitter at kung anu-ano pang networking site ang picture nitong dinudumog ng mga so called "fans" daw ng GieLan.

Parang mga baliw lang!

Instant celebrity talaga kami sa hometown namin. Nagalit pa nga ang iba kay Gus sa tuwing may lalabas na picture na magkasama kami. Na bully rin siya ng mga netizens at kung anu-anong masasakit na salita ang sinabi. Akala siguro kontrabida si Gus sa "love team" kuno namin ni Lance.

Kaya napilitan akong mag resign sa MCF. Ayaw kong may madamay na ibang tao sa gulo ng buhay ko.

After kong mag resign, hindi na ako nakipagkita kay Lance. Pinagtataguan ko siya kapag nagpupunta siya sa amin. Kahit magalit noon sila Daddy ay hindi nila ako mapilit na sumama kay Lance para ayusin ang kasal namin.

Hanggang sa dumating ang time na nag-offer sa akin siGus ng job opportunity sa isa sa mga firm ng kaibigan niya sa America. Agad ko itong tinanggap kahit na hindi pa ako nagpapaalam sa pamilya ko.

Noong nalaman nila ang balak ko, lahat sila nagalit sa akin. Maging ang parents ni Lance ay nakiusap sa akin. Pero hindi ko sila pinakinggan.

I backed off from the engagement on the night of our engagement party and went to America right after the moment that I had declared that announcement.

Galit na galit sa akin si Daddy, halos itakwil na ako. Mas matimbang para sa kanya ang tradition na dapat ay chinese ang pakasalan ko. Kaya naman gusto niya si Lance para sa akin ay dahil chinese ang mommy niya. He is Lawrence Go Sandoval.

Kaya walang nakapagtataka na kahit anong pilit ko na walang nangyari sa amin ni Lance ay gusto pa rin ni Daddy na matuloy ang kasal.

Si mommy walang ginawa kundi ang umiyak at makiusap na bumalik na ako. Paano ako babalik kung hindi naman ako makakapag decide para sa sarili ko. Nasanay ako sa freedom na binigay sa akin ni Mama Clara noong nasa kanya pa ako. Nung si Angelyn de Guzman pa ako at hindi si Angelyn Sy.

Si kuya Henry naman ang nanatiling umunawa sa akin. Hindi siya nagalit sa akin. Pero kay Gus ay sobra ang galit niya. Akala siguro ay na brainwash ako nito na magtrabaho ako abroad.

Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon