Chapter Twenty-Nine

45 4 1
                                    

*Angie*

Noong bata pa ako, hindi ko naisip na magpapakasal ako. Kapag naglalaro ang mga kalaro ko noon ng kasal-kasalan hindi ako sumasali. Umuuwi na lang ako sa bahay tulungan si Mama na magluto ng ititinda nitong meryenda.

Naiinis ako sa mga kalaro ko kapag ganoon na ang laro. Kasi naman ang aarte. Ang bata pa namin kasal agad nasa isip. Mas nakakainis pa isa lang ang gusto nilang lalaki sa kasal kasalan nila. Si Lance lang.

Isa pang dahilan kung bakit inayawan ko ang larong iyon dahil noong minsang pumayag akong sumali sa larong iyon at ako naman daw ang babaeng ikakasal, biglang sumingit ang harot na si Lance at pinagtawanan ang tshirt na puti na nakalagay sa ulo ko na kunwari ay belo.

"Ikaw ba ang ikakasal? Mas bagay yang nasa ulo mo na pang madre hindi pang kasal kasi wala namang lalaking papayag na magpakasal sa maton na tulad mo."

Naiyak ako sa sama ng loob sa sinabi niya. Lalo na noong ayaw nang pumayag ng kalaro naming lalaki na magpakasal sa akin dahil sa sinabi ni Lance. Sa sobrang inis ko ay nilapitan ko soya at binatukan ng hawak kong boquet ng pulang santan at gumamela sabay takbo pauwi sa amin. Mula noon hindi na ako sumali sa ganoong laro nila.



Sinabi ko na lang noon sa sarili ko na kapag ako ikinasal unang unang padadalhan ko ng invitation si Lance para ipamukha sa kanya na may lalaking nag-alok na magpakasal sa akin. Pero dahil nga mas gusto ko munang magtapos ng pag-aaral, hindi ko na muna pinangarap ang kasal ko.

Muli lang itong pumasok sa isip ko noong makilala ko ang ultimate crush ko na si Alvin na sa kasamaang palad ay pinsan pa ni Lance at ikakasal na rin sa iba.



Pero mas nakakatawa ang biro ng tadhana sa akin dahil ang lalaking nagsabi na walang magpapakasal sa akin at ang sasampalin ko ng imbitasyon ay yung siya rin palang itatakdang ipakasal sa akin. Hindi ng Diyos kung hindi ng mga magulang ko!

Ang bait talaga sa akin ng tadhana. Sobra! Sagad hanggang bone marrow talaga!

Siguro karma niya na makasal sa akin dahil sa sobra niyang pagiging bully sa akin. Kaya sa ayaw niya at sa gusto, maging ako ay ganoon din ang sitwasyon, nakatakda kaming ikasal.



Hindi agad siya nakapagsalita noong sabihin ni Daddy sa kanya ang kondisyon niya para maitama daw ang nagawang damage ng pamilya niya sa reputasyon ng family ko.



Hindi nga ako kinabahan noong bitawan ni Daddy ang salitang iyon dahil panatag akong tatanggi siya. Pero halos lumuwa ang mata ko ng sumagot siya makaraan ang ilang saglit at PUMAYAG siya!



Sobrang pagtutol ang ginawa ko dahil ayokong magpakasal sa kanya pero hindi ako pinakinggan ni Daddy. Maging si Mama Clara ay tila masaya pa sa nangyari.




"Sigurado akong matutuwa nito sa Anne," tukoy niya sa mama ni Lance noong lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Sobra ang pag-aalala ng mga magulang mo sa iyo. Nawala ka na sa kanula minsan kaya hindi mo sila masisisi kung bakit ganyan sila mag react ngayon." Dagdag pa niya sa mahinang boses.



"Ma, ayoko pa magpakasal sa kanya," naiiyak kong wika at yumakap sa kanya. Sa isang iglap ang bilis magbabago ng buhay ko.




Pinatawagan ni Daddy kat Lance ang mga magulang niya matapos nitong pumayag sa gusto ni Daddy. Gusto ko siyang awayin ng mga sandaling iyon pero ng harapin ako ng walanghiya ang tanging sinabi lang niya sa akin ay "Magpapakasal tayo. Huwag ka ng pabebe dyan!"





Sinapak ko siya ng malakas pagkatapos nun pero hindi niya ininda. Sumunod na lang siya kina Daddy at kuya Henry patungo sa study room para daw magpatuloy sa pag-uusap. Ako naman ay dumiretso sa kuwarto ko para mapag-isa.


Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon