*Angie*
Kabado ako. Sobra. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitomg klase ng kaba.
Nilingon ko si Lance na abalang muli sa pagmamaneho. This time pabalik na nang Manila.
After ng phone call galing kay Kuya Henry na walang gustong mangyari kundi ang umuwi kami ngayon din sa Manila, umuwi muna kami ni Lance sa kanila. Kakausapin daw nito ang Mama niya tungkol sa lahat nang alam nang buong bayan nila tungkol sa aming dalawa.
Noong una ay ayos pa ang pag-uusap nila. Pero nang magsimula nang magpaliwanag si lance na wala talaga kami relasyon, doon na nagsimulang uminit ang usapan ng mag-ina.
"You dont have to do this Ma! Huwag mo akong pwersahing mag-asawa! Hindi pa ako ready! And for goodness sake! You dont have to post ridiculous stuffs in the internet! Dinaig pa ninyo ang teenager! May nalalaman pa kayong GieLan!" Galit na sermon ni Lance sa ina. Hindi ko inakalang kaya nitong sagutin ng ganoon ang ina nito.
"Aba Lance, walang masama sa ginawa ko. Aba kahit sino naman siguro ina walang ibang hinangad kundi ang malagay sa tahimik ang anak niyang pasaway!"
"Ma! Hindi po ako pasaway! Ayoko lang talaga mag-asawa! Isa pa bakit kailangang mag post ng first apo in the making! Nakakahiya sa pamilya ni Angie!"
Napakunot ang noo ko. Parang may ibang impact sa akin ang pagkabanggit ni Lance sa pangalan ko na bihirang mangyari. Mas gusto kasi nito na tawagin akong dragon. Adik lang!
"Anong nakakahiya doon? Pakakasalan mo naman siya!"
Bigla akong nasamid. Ano daw?!!
"Ma!" Bakas sa mukha nito ang sobrang frustration. Hindi ko naman siya masisi. Ako man kasi ay malapit nang ma frustrate sa nagiging takbo nang usapan nang mag-inang to.
"Bakit nahihiya ka? Aba kung hindi ka sana natulog sa kuwarto kung saan naroon ang girlfriend mo, hindi mangyayari to. Paano kung mabuntis si Angie at takbuhan mo na lang?"
"Ma!!! Ang morbid nang imagination ninyo!"
"Doon ka natulog sa kuwartong tinulugan ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kapre. Oh my... lagot na talaga ako nito!
"Feeling mo naman may ginawa ako sa iyo!" Napipikong baling sa akin nang kapre. Aba at may gana pa talaga siyang magalit.
"Kahit na! Sana lumipat ka na lang sa ibang kuwarto or ginising mo sana ako! Nakakahiya! Isipin nang iba may ginawa taung something. Ewwww!!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsabad sa usapan nila. Paano ba naman kasi talaga palang sa isang kuwarto kami natulog kagabi.
"Well i have news for you, yun na ang iniisip nang lahat. Maging nang pamilya mo! Salamat sa social media accounts ng nanay ko! Dinaig pa tayo sa pagiging active!"
"Ano bang ikinagagalit mo anak? Pasalamat ka pa nga sa akin at finally malalagay na sa tahimik ang buhay mo."
"Sa tingin mo ba Ma matatahimik ang buhay ko with her as my wife! Parang kayo nga iyan eh! Parehong nakakairita. Aray!"
Sinapak ko na. Ang hard magsalita eh! Para namang gusto ko ring makasal sa kanya? Pakiramdam ko nga ako ang pinipikot dito!
"Bakit ba ang bayolente mo!" Singhal nito sa akin habang hinihimas ang ulo nitong sinapak ko. "Kita mo na Ma! Gagawin pa akong battered husband!"
"Hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin kapag hindi ka tumigil sa kakaarte mo! Saka As if gusto kitang maging asawa!" Asik ko sa kanya. Napaka feelingero. Battered husband... che!
BINABASA MO ANG
Mahal kita...Angal ka pa?!
HumorWhat will you do if you wake up one day and found out that you are a PRINCESS!?! Yes, from rag to riches? Siguro yung iba magtatalon sa tuwa. Syempre super swerte mo na kaya non. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Shopping dito shopping doon. Out of to...