Chapter Twenty-Eight

54 5 2
                                    

*Angie*

Gabi na nang makarating kami ni Lance sa Manila. Nahirapan kaming maghanap ng piyesa ng sasakyan ni Lance kaya inabot kami ng ganitong oras.

Abot naman ang tambol ng puso ko nang dumating kami sa bahay. As usual naghihintay na sa amin ang buong miyembro ng pamilya ko pati na rin si Mama Clara.

Seryoso ang mga mukha nila Daddy at Kuya samantalang balas naman ang pag-aalala sa mukha nila Mommy at Mama.

Nang makita kami agad akong sinalubong ng yakap nila Mommy at Mama Clara.

"Oh my gosh Angel! Im so glad you're back. We were so worried." Mahigpit ang yakap sa akin ni Mommy habang sinasabi ito. Si mama Clara naman ay nakatingin lang ngunit bakas sa mukha ang relief na nakabalik na kami.

"You motherf*cking son of a bitch!"

Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses at laking gulat ko nang galit na galit na sinugod ni Kuya Henry si Lance saka sinuntok sa mukha.

"Kuya!" Sigaw ko naman at mabilis na tinawid ang distansya namin ni Lance upang maiharang ang katawan ko sa kanya para matigil na ang susunod na atake ni Kuya.

"Umalis ka dyan Angie!" Galit na utos sa akin ni Kuya. Never pa niya akong pinagtaasan ng boses. Ngayon pa lang. Nakadama ako ng takot pero di ako nagpatinag.

Sobra nang pagod ang inabot namin ni Lance sa paghahanap ng piyesa. Dahil sa bagyo ay walang masakyan kanina kaya naman ang layo ng nilakad namin. Ni hindi na kami huminto para kumain ng magawa ang sasakyan niya para makauwi kami agad gaya ng utos nila sa amin. And then ngayong nakauwi na kami gugulpihin ni Kuya si Lance? Unfair naman yata yun!

And yes ipinagtatanggol ko si Lance!

"Kuya naman di mo siya dapat sinuntok!"

"He deserves that! Pinag alala ninyo kami kagabi pa! He's supposed to take care of you!"

"And he did really take care of me!"

"Hell yeah! With that f*cking first apo under construction trending in social media all over the world! Idagdag pa ang mga videos and pictures ninyo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Nakalimutan ko ang bahaging yun!

"Stop protecting me Angie," sabad naman ni Lance na marahan akong hinawi para makaharap niya si kuya. Putok at nagdurugo ang kanang labi nito na siyang napuruhan ng suntok ni Kuya Henry.

Nilapitan niya si Daddy at marahang yumukod.

"I'm sorry sir for all the trouble. I should have tried harder to protect her," magalang na sabi nito.

To my horror, sa halip na sagutin, umigkas din ang kamao ni Daddy! Kalmante ang mukha nito pero nagpupuyos pala sa galit ang kalooban nito. Nakadama ako ng takot sa kanila. Masama pala talaga magalit ang pamilya ko.

"That is for disgracing my daughter and our family!"

"Lance!" Mabilis akong lumapit sa napaupong si Lance. Awang awa ako sa kanya sa sinapit niya sa kamay ng tatay at kuya ko.

"I'm really sorry sir," magalang pa ring sagot niya habang inaalalayan ko siyang makatayo. "Pero maniwala po kayo. Wala pong nangyari sa amin ni Angie."

"Promise po!Totoo po yun Dad; kuya. Wala talagang nangyari. Natulog lang kami. Promise talaga!"

"So you really did sleep in one room together!"napasinghap na bulalas ni Mommy.

"Yes Mommy pero promise po talaga! Walang nangyari. Ni hindi ko nga po alam na dun din siya natulog!"

"F*ck!"

Napapikit ako sa pagmumura ni kuya. May masama ba sa sinabi ko? Yun naman ang totoo.

"And how about that GieLan stuffs and the videos that say it all? Are those scripted?" Kunot noong tanong ni kuya.

"Kuya naman hindi no? Hindi naman kami sina Daniel Padilla at Kathrine Bernado para gumamit ng script sa mga sasabihin namin sa isat isa." Biro ko kay kuya para kahit paano ay gumaan ang sitwasyon.

"How about the kissing scene in the reunion venue?"

"Kissing scene?"napakunot ang noo ko. "Hoy lance may kissing scene ba tayo? Di ba wala naman?" Baling ko naman kay Lance na madilim din ang mukhang nakatingin sa akin.

"Go on dragon. You're a great help in our situation. Keep talking and dont be surprised if we got married tomorrow," pigil ang galit na sabi niya sa akin.

Nagtataka akong tumotig sa kanya. At nang marealize ko ang lahat ng pinagsasabi ko ay lihim akong napamura! Shet! Pinahamak ko amg mga sarili namin!!!!

Lupa!!! Lamunin mo na ako!!!

"Mr. Sandoval."

Sabay pa kaming napalingon kay Daddy ng tawagin niya si Lance. Seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi ko rin mabasa ang nasa isip nito.

"Sir."

"Explain."

Tumuwid ng tayo si Lance bago nagsalita.

"Sir lahat po ng kumalat sa social media ay walang katotohanan."panimula nito.

"Even the part that both of you slept on one room?"nakataas naman ang kilay na tanong ni Daddy sa kanya.

Nagpakawala mg malalim na hininga si Lance.

"Well that's true. Natulog po kami sa kuwarto ko pero I swear wala po talagang nangyari sa amin. My mom just got this idea that Angie is my girlfriend dahil may sinabi po ako sa kanya dati na yung babaeng dadalhin ko po sa bahay namin ang babaeng palakasalan ko."

"So she assumed that my daughter is your girlfriend?"

"Yes sir. So yun po ang simula ng mga post niya about us. I am really sorry po sa gibawa ng Mommy ko pero misunderstanding lang po ang lahat."

"Misunderstanding pero ang laki ng pinsalang dinala sa amin. Sa tingin mo ba ay may maniniwala inyo na wala ngang nangyari sa inyo, kung nagsasabi nga kayo ng totoo. Then lalabas na masamang klase ng babae ang anak ko na hinding hindi ko naman papayagang mangyari."

"Ako na lang po magpapaliwanag sa kanila," magkapanabay pa naming wika ni Lance na nakapagpataas ng mga kilay ng mga kaharap namin sa sala.

"And you think that they will believe you? Lalo pa't ilang beses ninyong ipinagsigawan yan sa mga uploaded videos ng pagtatalo ninyo."

Parehas din kaming natameme ni Lance sa naging sagot ni Daddy. Grabe naman itog problemang ito. Hindi ba ito matatapos? Gusto ko nang matulog!

"Idagdag pa ninyo ang katotohanang muli na naman kayong natulog ng kayo lang kagabi kung saang lupalop at hindi mahagilap ng search and rescue team na ipina deploy ng kumpade kong heneral para lang makauwi kayo kagabi ng ligtas."

Parehas na nalaglag ang panga namin ni Lance sa idinugtong ni Daddy. May search and rescue? Bakit di kami nakita? Ni hindi nga namin iniwan ang sasakyan ni Lance. Kumain lang naman kami ng pagkaing dala ko habang nag uusap.

Huwag madumi isip ninyo! Nag - usap lang talaga kami. Wag kayong judgmental!

"So you see young man, kung may masisira dito, that is my daughter's dignity. Lalaki ka kaya walang kaso sa iyo pero babae ang anak ko at hindi ako makakapayag na mabahiran ng pangungutya ang pagkatao niya dahil sa mga kumakalat sa internet na unconsciously ay pinatunayan ninyong dalawa."

"I'm so sorry sir. Hindi ko po naisip ang kalalabasan ng mga pangyayari. Ano po ang dapat kong gawin para maitama ang mga maling nagawa ko at, " he let out a deep sigh "...ng aking mama?"

"Marry my daughter."

Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon