Chapter SIX

86 5 0
                                    

Six

"Daddy pwede po ba kayong makausap?"

Napahinto si Daddy sa ginagawa niya dito sa library na nagsisilbi ring office niya dito sa bahay. Kabado ako sa topic na gusto kong i-brought up kay Daddy pero kailangan na talagang itong pag-usapan lalao na at malapit na ang aking graduation.

"Anytime baby. What is it?"

"About sa graduation ko po."

"What about that Baby?"

"Daddy, wag po sana kayong ma-offend sa sasabihin ko pero pwede po bang si Mama Clarissa po ang sumama sa akin sa graduation sa makalawa?"

Kinabahan ako ng makita kong napakunot ang noo ni Daddy sa sinabi ko. Although mabait sa akin si Daddy naiilang pa rin ako kapag nakikita kong nag-iiba ang mood niya.

"May I know the reason why?"

"Eh kasi po Daddy, di po ba siya po nagpaaral sa akin mula ng elementary ako hanggang college po. Gusto ko po sanang iregalo sa kanya ang diploma ko kasi po sobrang hirap po inabot niya sa pagpapaaral sa akin lalo na't hindi po pala niya ako kadugo. Yun po kasi promise ko lagi sa kanya noon, na pipilitin kong makatapos for her. Bago ko pa po malaman na hindi kop o pala siya totoong mama."

Parang binunutan ako ng tinik sa dibdib ng makita kong ngumiti si Daddy.

"Ang bait naman ng anak ko. Sige papayag ako. Pero family name natin ang gagamitin mo ha."

Napatayo ako sa kinauupuan ko at niyakap siya. Buti na lang at napaka-understanding ng aking mga mahal sa buhay.

"Salamat po Daddy. Thank you po talaga."

"Anything for my darling Angel. By the way yun lang ba ang gusto mo? Ano ba ang gustong graduation gift ng bunso ko?"

"Naku wala na po. Malaking bagay na po sa akin ang pagpayag ninyo."

"Are you sure? Kung ibang tao lang ang tinanong ko nyan baka sports car pa ang hingin sa akin."

"Pwede po bang Lamborghini na kulay pink?"

"Angel tumawag si Alvin kanina."

Muntik na akong masamid sa sinabi ni Mommy habang kumakain kami ng tanghalian. Buti na lang nakabawi agad ako kung hindi mabubuking niya na malaki ang pagnanasa ko kay Papa Alvin.

"Alvin Cheng?" tanong naman ni Daddy.

"Yes," pa- suspense na sagot ni Mommy.

Hala lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Halos hindi na ako makagalaw sa upuan ko sa sobrang kaba.

THIS IS IT!!

THIS IS THE MOMENT!!!

Finally matutuloy na ang date naming ng one and only true love ko!!!

Teka, pumayag ba si Mommy? Assuming masyado ang lola ninyo..hehe...

"Mom, wag mo na kaming bitinin," singit ni Kuya na parang nahulaan ang tanong na nasa isip ko. "What did he told you?"

"Oh nothing." she shrugged her shoulders. "It's just that he asked me if is it okay if she will take our Angie for dinner tonight."

Isa pa! Muntik ko na namang ipahiya ang sarili ko sa lamesa. Si mommy simpleng manggulantang ng mundo. Wagas! To the highest level!

"Angie, baby, you need to go to the salon later coz I already said yes."

Waaaahhh!!!

This time tuluyan na akong nasamid. Wala ng pagpapanggap.

Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon