Chapter Thirty - Five

37 4 0
                                    

"Are you gonna stand there forever?"

Napukaw ang diwa ko nila sa pagkatulala ng magsalita si Kuya. Ang sungit talaga niya sa akin...(╥_╥)

Nilapitan ko sila at humalik sa pisngi ni kuya. Mukhang marami-rami na ang nainom nito dahil Amoy Alak na siya.

"Good evening Kuya. Sorry ginabi kami ni Gus Galing kasi kami kina -

"You how much I hated you going out with that bastard." Nakasimangot na pahayag nito.

"Kuya he is your friend. Wala namang ginawang masama sa ito si Gus"irap ko sa kanya. Eto talaga ang ayoko. Yung napapa Ingles ako kapag kausap ko si Kuya. Nauubos stock English sa vocabulary ko eh.

"He's a bad influence to you. Like where the hell are your manners. You managed to greet me but you didn't even throw a glance at Lance here. TSS."

I mentally rolled my eyes. Ako na talaga ang dakilang kontrabida ngayon sa sarili Kong istorya. Ang saya di ba. Note the sarcasm. -_-

Pilit kong nilingon si Lance at binigyan ng pilit ding ngiti.

"Hello Lance."

Hindi ako sinagot ng walanghiya. Tiningnan lang ako at muling nagpatuloy sa pag-inom. Eh di siya na masungit. Epal na ito!

"Kuya tutulog na ako. May trabaho na ako bukas. Good night."

"No."mabilis na tutol ni kuya sabay tayo mula sa sofa. Inupo ako nito sa sofa sa tabi ni Lance na hindi ko naman natutulan kasi ang bilis ng pangyayari. "I'll be the one who's going to sleep. May bisita Ka. Ikaw ang  pinuntahan niya hindi ako. Nainip lang siya sa paghihintay sa iyo kaya inaya ko na lang uminom."

Napairap ako sa hangin. Ako ang sadya? Eh kung dedmahin ako wagas! Sarap sapakin nito!

Bago pa ako makakontra mabilis ng naglakad si Kuya papunta sa kuwarto nito.

"Be nice to him Angel. I'm warning you... Tol ingat Ka sa kapatid ko. Gisingin mo na lang ako kapag hinalay ka niya ulit."

"Kuya!!!!"

Natawa ng malakas si Kapre sa sinabi ng magaling kong kapatid. Great! Wala talaga akong kakampi ngayon. Nakapasok na't lahat si kuya Ay tumatawa pa rin ang impaktong lalaking ito sa tabi ko. Kabagan Sana!

"Ligayang ligaya Ka talaga no." Nakairap kong bati sa kanya. Ngayong wala na ang kakampi niya, pwedeng pwede ko na siyang tarayan.

"After ng ginawa mong stunt kagabi may gana Ka pa talagang magtaray. Aba hindi mo naranasan na tawagan ng mama ko to confirm if tayo daw ba. Crazy girl."

Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi sa sinabi niya. Bumalot din ang guilt sa aking puso. Sa isip ko ilang beses ko ng minurder yung lalaking nangulit sa akin kagabi.

Kung ibang tao siguro yung naidamay ko sa kalokohang ginawa ko kagabi, malamang makapg sorry ako ng maayos. Pero si Lance ito. Yung kapreng kaaway ko, ang bigat sa loob mag sorry!

"Why are you here?"

Nangunot ang noo nito. Para bang napaka stupid ng tanong ko. Nagkibit na lang ito ng balikat at nagsalin ng Alak sa baso nito.

"Wala akong makainuman. Pwede Ka?"

"Ano palagay mo sa akin, lasengga? Adik Ka!" Inis kong sigaw at sinapak ko ang braso niya. Damn! Ako pa ang nasaktan.

"Bunganga mo nga! May makarinig sa ito isipin totoo sinasabi mo. Kapag ako natokhang idadamay kita!"

Nanlaki ang mga Mata ko sa sinabi niya. Talagang Gago! Muli ko siyang sinapak sa braso. At muli, ako na naman ang nasaktan.

Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon