Eleven
*Angie
“Nasaan na yung pating?”
Pinaglalaruan ba ako ng tadhana. Ano ba naman ito at laging nag ku-krus ang landas namin ng kapreng ito. Of all places, dito pa sa… CR!!!
“Hoy lalaki, bakit ka nandito? Balak mo akong i-rape no? Wag kang lalapit.Sisigaw ako!” Sa sobrang inis ko hindi ko na naman napigilan ang bibig ko.
“Tss. Naka-drugs ka ba?” tila nakaloloko namang tanong nito habang inaayos ang…
Agad kong tinakpan ang mata ko. Pero nakikita ko rin naman siya.
“Hep! Bakit ka naghuhubad? Subukan mong lumapit at sisigaw talaga ako.”
“Ganyan ba epekto ng halik ko sa iyo?”
Maang akong napatingin sa kanya. Ang walanghiya ipanaalala pa talaga sa kanya.
“Excuse me, hindi ka rin mayabang no?” angat ang isang kilay kong tanong sa kanya. “As if naman ikaw na ang pinakaguwapong nilalang dito sa mundo. Wow! Alam mo yung kakapalan ng mukha hindi maganda sa katawan. Tingnan mo at ramdam ko na dito ang mukha mo” wari’y hinawakan ko ang imaginary face niya sa tabi ng mukha ko.
“At ang katangahan, nakamamatay,”tila nakaloloko naman nitong sagot habang papalapit sa akin.
Napaurong naman ako sa bawat hakbang niya palapit sa akin. Pakiramdam ko para akong pusa na nasukol ng isang aso. Natatakot kasi akong baka muli na namang manghalik ang kapreng ito. Sa ilang beses ng encounter namin, isa lang napansin ko; habang pino-provoke mo siya, mas lalo siyang nacha-challenge kaya ginagawa nito ang mga banta.
Sa ganitong pagkakataon, ayoko ng maulit muli ang mga pagkakamali kong iyon. Kahit masarap siyang humalik, ayokong magmukhang sabik sa mga labi niya.
Teka anong sinabi ko? Erase! Erase! Erase. Sorry po, nadala lang po ako ng galit ko. Promise po…^_^ V
Pero teka ano ang sinabi niya kanina?
Rewind…Rewind…
At ang katangahan, nakamamatay…
At ang katangahan, nakamamatay…
At ang katangahan, nakamamatay… ANO DAW!!!!
Awtomatikong napaangat muli ang kilay ko ng mapagtanto ko na ang sinabi ng mpaktong ito.
“At sinong tanga sa ating dalawa?”
Uminga-linga sa paligid si Kapre bago muling humarap sa akin.
“Obviously, dalawa lang tayo dito Babe,” kinilabutan ako sa endearment na ginamit nya sa akin. Napaka Feeling talaga kahit kailan. “So alangan namang sabihan kong tanga ang sarili ko di ba?”
BINABASA MO ANG
Mahal kita...Angal ka pa?!
ЮморWhat will you do if you wake up one day and found out that you are a PRINCESS!?! Yes, from rag to riches? Siguro yung iba magtatalon sa tuwa. Syempre super swerte mo na kaya non. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Shopping dito shopping doon. Out of to...