*Angie*
Wala pang masyadong tao sa school gymnasium na pagdarausan ng aming reunion. Ito ang napansin ko nang pumasok na ang sasakyan ng kapre sa bakuran ng paaralan.
Simula kagabi ay hindi na ako pinapansin ng unggoy na ito. Pabor naman sa akin. At least hindi niya masisira ang araw ko. Saka wala akong ginagawa sa kanya para mainis siya sa akin ng ganito. Hindi naman ako nagbigay nang hint sa mama niya para isiping magsyota kami. Wala nga akong kamalay malay na nagbitaw pa pala siya nang salita noon na mapapangasawa lang niya ang iuuwi niya sa bahay nila. kasalanan ko ba kung ako pa lang ang dinadala niya sa bahay nila? Sino ba ang dakilang epal kay kuya? Kay kuya Henry siya magalit at wag niya akong idamay. As if gusto ko yung idea na kami?
Ewwww!!!!
Yung magkasama nga lang kami rito sobrang sama na nang loob ko, what more pa yung sabihing bf ko siya? Grrr!!! Nakakabeast mode!
Bakit ko ba iniintindi ang lalaking yun! Dapat sa ibang bagay ko inaabala ang sarili ko at hindi sa panget na yun!
Nagulat na lang ako ng biglang sumara nang pabagsak ang pinto sa gawi ng kapre. Napasimangot ako. Ang sama talaga ng ugali!!! Di man lang sinabi na pwede na palang bumaba. Kung hindi lang ako busy sa paglilibang sa sarili ko habang nasa loob ng sasakyan nito malamang nauna pa akong nag-walk out palabas.
Pagkababa ko ng sasakyan nakita ko ang panget na kapreng yon na nag dire-diretso papunta sa gym ng school kung saan gaganapin ang aming reunion. Wala pang masyadong tao at kahit ang dyosang si Hernani ay wala pa rin. Hindi ko pa natatanaw ang alindog ng bruhang yon.
Dahil alam kong mag-aaway lang kami ni Lance Kapre pag agad akong pumasok doon, napagpasyahan kong mag-ikot ikot muna sa paligid.
Ilang taon na simula nang makagraguate ako dito ng elementary. Sa kabilanng mahabang panahon na iyon, malaki na ang ipinagbago nang aming munting paaralan. Sa katunayan, ang gym na pagdarausan ng aming reunion ay wala pa noong nag-aaral pa kami dito.
Inuna kong puntahan ang classroom namin noong grade six pa kami. Madali lang itong puntahan dahil malapit lang ito sa gym. Malaki man ang ipinagbago nang school grounds, naroon pa rin naman ang mga dati nilang naging classrooms. Mostly siguro ay renovated na pero ganoon pa rin ang original structure.
Maging ang ilang tanawin sa school na naging piping saksi na kanilang paglakibsa school na ito ay naroon pa rin. Tulad na lang nang puno nang akasya na lagi nilang tinatambayan noon nila Hernani at saksi rin sa bangayan nila ni Lance Kapre.
Napapailing na lang ako nang pumasok iyon sa aking isipan. Kailangan ba hanggang sa aking gunita guguluhin ako nang mayabang na yon? Grabe siya. Lahat na lang ng aspeto ng buhay ko pinasok. From my first kiss to my memory.
Mabilis kong ipinilig ang aking ulo para alisin ang ganoong klaseng pag-iisip. Gusto kong ienjoy ang araw na ito na walang bakas ng kapre!
Dumiretso na ako sa classroom namin dati. Dahil gawa sa salamin ang bintana, masisilip ko ang loob nito kahit nang hindi na binubuksan pa ang bintana. Base sa mga displays na nakakabit sa dingding, napag alaman kong grade four classroom pa rin ito pero iba na ang may ari nang classroom at hindi na ang dati naming adviser. Malamang ay nagretiro na ito.
Nagsimula ulit akong lumakad at sinilip ko isa isa ang bawat classrooms na nadaraanan ko. Nakakatuwang isipin na dito ako nagkaisip at natuto nang mga academic lessons. Dito rin nagsimula ang mga pangarap ko na naabot ko naman ngayon kahit paano.
Para sa akin, ang makapagtapos ka nang pag-aaral ay isang malaking achievement na. Nasa akin na lang kung paano ko payayabungin ang buhay ko gamit ang pinag aralan ko. Isa yan sa mga dahilan ko kung bakit mas pinili ko na hindi sa kompanya ng pamilya ko magsimula. Gusto kong paghirapan ang magiging achievements ko dahil.may kakayahan ako at hindi dahil may impluwensya ang pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Mahal kita...Angal ka pa?!
HumorWhat will you do if you wake up one day and found out that you are a PRINCESS!?! Yes, from rag to riches? Siguro yung iba magtatalon sa tuwa. Syempre super swerte mo na kaya non. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Shopping dito shopping doon. Out of to...