Para akong zombie ng pumasok kinabukasan. Hindi ako pinatulog ng pag-alala ko sa aking kabataan sa probinsya kung saan sinasabi ni Hernani na naging kaklase ko si Lance Kapre. To my horror, totoo nga! Classmates kami noon.
Hindi na ako sumamang magdinner sa dalawang yun ng mag - aya si Hernani na kumain sa labas. Hindi ko kakayanin ang isang minutong kaharap siya, dahil yung disaster na date sana namin ni Alvin ang maaalala ko. Dahil doon, mag - isa akong nag reminisce ng aking kabataan at nagpasalamat na rin ako at nakalimutan ko yung part na yun ng buhay ko.
Bakit kasi hindi ko nakuha yung number ng bruha kong kaibigan. Ang bruha naman hindi rin naalalang ibigay ang number nya sa akin. Mas masaklap pa, parang sila na ni Kapre ang bestfriend. Mas piniling doon sumama eh, nakita nan gang hanggang ngayon, mortal enemy pa kami ng halimaw na lalaking yun.
Talaga palang manyakis ang walanghiyang yun. Magnanakaw talaga ng halik!
Napasigaw pa talaga ako kagibi ng maalala ko yung part na yun ng kabataan ko. Buti na lang at sound proof ang room ko at hindi ko nabulahaw ang tulog ng mga kasama ko sa bahay. Baka akalain pang kung ano na ang nangyari sa akin.
"Angie, baka habulin ka nang unan at kumot."
Nginitian ko na lang ang bati sa akin ni Anthony. Kasi totoo namang halata na wala akong tulog. Ang mata kong singkit, halos hindi ko na maidilat. Kasalanan ito ng walanghiyang kapre na iyon!
"Meron ka ba dyan? Pahiram naman," sagot ko naman sa kanya. Sana walang masyadong gagawin ngayon, malamang na puro mali ang magawa kong plate nito sa sobrang antok.
"Kay Sir Gus, for sure mayroong kama yun sa loob ng office nya." Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Anthony. My gahd!!! Bakit ako namula sa sinabi nya at bakit kung anu-ano ang pumasok sa isip ko?
"Hoy ang bibig mo, baka pasukan ng langaw." Nailing lang si Anthony habang pinagmamasdan ako. "Ang berde ng utak mo. Nakarinig lang ng salitang kama, nag-iba na ang timpla ng mukha."
"Oy! Grabe ka. Hindi ah!" mabilis ko namang bawi. Nakakahiya! Tama naamn kasi siya. Ano ba masama sa salitang "kama"?
"Malamang nalasing ka kagabi. Walang-wala ka sa sarili mo. Yung nakita natin sa elevator kahapon, lumabas kayo no. Kasama ninyo si Mr. Sandoval?" nagulat ako ng abutan ako nito ng isang mug ng black coffee. Natouch naman ako sa pagiging thoughtful niya.
"Mr. Sandoval?" kunot noong tanong habang hinihipan ang kape."Seryoso?" lalong nangunot ang noo ko sa sagot ni Anthony. Sagutin ba ng tanong ang tanong ko. Adik lang? "Hindi mo kilala si Mr. Sandoval?"
"Guwapo ba yun?" Muntanga na talaga kami. Nagkakaintundihan sa pamamagitan ng tanong lang.
"Para kang sira." Naiiling lang si Anthony ng maupo sa workplace nya. Saka anong sinabi niya? Para akong Sira? Bakit? Ano na naman ginawa ko?
Hindi ko na lang siya kinulit ng makita kong nakasubsob na siya sa trabhao niya. Napaka workaholic talaga.
Dahil tahimik na ang kadaldalan ko, nagsimula na rin akong magtrabaho. Nakakahiya naman kung aabalahin ko siya. Isa - isa na ring nagdatingan ang mga officemates namin kaya nag focus nalang ako sa trabaho. Sa sobrang pagka-engrossed ko sa ginagawa ko, hindi ko namalayang lunch break na pala.
"Angie busy ka ba?" napaangat ang ulo ko ng marinig ang boses ng isa kong officemate."Hindi naman," nakangiti kong sagot sa kanya. Nag-pause kasi ako saglit sa ginagawa ko dahil balak ko munang magkape. Dahil kulang ng tulog, kape ang kakampi ko ngayon..
BINABASA MO ANG
Mahal kita...Angal ka pa?!
ComédieWhat will you do if you wake up one day and found out that you are a PRINCESS!?! Yes, from rag to riches? Siguro yung iba magtatalon sa tuwa. Syempre super swerte mo na kaya non. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Shopping dito shopping doon. Out of to...