Chapter Thirty-Six

52 4 0
                                    

Laking pasalamat ko at hindi itinuloy ni kuya henry ang sinabi niyang ipapakita kina mommy at daddy ang video na kinuhanan niya noong parehas kaming mawala sa sarili ni Lance.

Noong una ay kabado ako sa tuwing pumupunta siya sa mansyon para makipag-usap kay dad about business. Pero sa tingin ko ay wala naman talaga siyang balak na ipakita yon dahil kung ginawa niya yun, malamang kasal na kami ni Lance ngayon.

And speaking of that kapre, kasama ko siya ngayon sa trabaho. May project yata sila ni kuya henry kaya ngayong balik trabaho na ako sa firm namin ay madalas ko na rin siyang makasama.

Mas hindi nakakapaniwala na okay na kami ngayon. Nag-aaway pa rin kami ng madalas pero hindi na kami nagpapatayan.

See the difference?

Siguro parehas na kaming nag mature after ng ilang taon din naming pagkakahiwalay. Okay naman pala siyang kasama. Kalog. Mabait. Siguro masyado lang naming dinamdam ang mga away namin noong grade school na hanggang sa pagtanda ay dinala namin.

Aside from work, may isang bagay pa kaming pinagkakasunduan ngayon. Yun ang pagkahilig namin sa motor.

Yes. You heard it right. Motor. He is freaking crazy over his Harley and I bought myself a freaking Ducati. Kinalimutan ko na muna ang pink porsche ko dahil mas convenient gamitin ang big bike lalo na pag pumupunta kami sa field.

I learned how to ride a motorcycle when i was in US. Gus taught me how and i instantly fell inlove with it. When i learned that Lance loves motorcycle, ayun parang magic. Nagkasundo na kami agad agad. Thats the reason why we are spending more time together.

My mom nearly had a heart attack when she found out that I am into motorcycle. My dad didnt said anything but he bought me a complete set of rider's gear. From helmet to shoes. Hindi ko alam kung bakit niya ni tolerate ang bagong hobby ko. Kung may kinalaman ba dito si Lance at ang closeness naming dalawa, hindi ko masabi. Wala rin namang nababanggit si Daddy.

Kuya, is fine with it naman. Sabi niya, panatag daw ang loob niya sa pinaggagagawa ko sa buhay ko dahil si Lance naman daw ang kasama ko. Adik lang. Akala yata boyfriend ko si Lance.

Hindi naman kasi halatang patuloy pa rin ang pagrereto nila sa akin kay Lance. Kulang na nga lang ipagtulakan nila kami sa mga road trip para lang magkasama kami ni Kapre sa mga lakad.

Pero hindi ko na lang pinapansin ang ginagawa nila. Kunwari di ko halata. Mahirap na silang patulan. Baka mapikon at muli na naman kaming ma shotgun engagement/ wedding.

"Sorry Dyosa... pero hindi ako available tomorrow."

Hay naku si Hernani ang kulit! Heto na naman siya sa office ko today at nangungulit na samahan ko sila ni Icay na mag bar bukas. May nakilala yatang pogi sa bar na pinuntahan nila kagabi ang dalawang ito kaya heto sila ngayon at ako ang napiling kulitin na isama sa pagbabalik nila sa bar na iyon. Wala naman akong maitutulong sa kanila.

"Nakakatampo ka Bff!" Si Icay naman ngayon ang nagsalita. Pinagtutulungan talaga ako eh. "Naging close lang kayo ni Lance, deadma na kami sa iyo. Tapos may Gus ka pa so ang dali para sa iyo na tiisin kami ni Icay."

"Hay bff, wag kang OA. Busy lang talaga ako. Naging boss mo si kuya Henry kaya alam kong may idea ka na kung bakit hindi ako sumasama sa mga gimik ninyo."

Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magpaliwanag sa dalawang makulit na ito pero ganun pa rin ang ginawa ko. Sa ilang taon kong pamamalagi sa US natuto na talaga akong magseryoso sa buhay.

Seryoso naman talaga ako sa buhay nong simpleng Angelyn de Guzman pa lang ako. Pero mula ng daigin ko pa si Cinderella sa from rags to riches na peg para akong nabigla kasi ang mga bagay na mahirap makuha para sa akin noon ay naging madali na lang sa akin.

Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon