Seven
Graduation day.
Promise.Mahahalikan ko ang make up artist na kinuha ni Mommy ngayong araw na ito upang mas lalong pa akong pagandahin sa araw na ito. Nagawa niyang mag-disappear ang aking mga eyebags.
Oh di ba bongga!
Bakit ako may eyebags?
Flashback...
Malutong na sampal ang ibinigay ko sa kapreng yon ng pakawalan niya ang mga labi ko. Ang walanghiya! Kapag nagpupumiglas ako mas lalo pang lumalalim ang mga halik. Akala siguro nito ay nag-e-enjoy siya.
Hayup siya!
Kinuha na nga niya ang first and second kiss ko tapos ngayon ang third kiss ko naman. Super kapal talaga!
Nakakagigil!!!
"Ungrateful little hellion."
Dahil sa ingay sa loob ng bar, hindi ko narinig ang binulong nito ngunit bago pa ulit ako makahuma ay muli na naman niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig at muling inangkin ang aking mga labi.
Bagamat nagulat ako, nagpumilit pa rin akong makawala pero wala talagang balak ang impaktong ito na pakawalan ako. Maya-maya pa'y naramdaman kong nag-iba na ang paraan nito ng paghalik. Mas naging masuyo ang kanina lang ay mapagparusang halik nito. Ewan ko ba pero sa pakiwari ko ay parang sinusuway nang aking katawan ang aking isip.
Gaga ka Angie, wag kang bibigay, yun ang sigaw ng utak ko. Pero tila iba ang nagiging reaksyon ng aking katawan. Para na akong natatangay ng mga halik nito.
Hayop expert kisser talaga itong gagong kapre na ito. Pero hindi ako pwedeng bumigay.
Gamit ang natitira pa katinuan sa aking isip, tinuhod ko ang manyakis na kapre sa pagitan ng mga hita nito. Voila! Pinakawalan na nga niya ako nito dahil namilipit na ito sa sakit.
"Yan ang nararapat sa iyo, Manyakis! Tado ka ninakaw mo na nga ang first kiss ko sinunod-sunod mo pa hanggang apat! Ang kapal ng mukha mo! I hate you!"
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang aking mga luha sa sobrang sama ng loob. Noon ko lang din napansin na tumigil na pala ang tugtugan at sa amin naka-focus ang atensyon ng lahat. Tila mas lalong bumigat ang loob ko sa aking nakita at sa nangnginig kong mga tuhod pinilit kong ilayo ang aking sarili sa lugar na iyon.
Habang papalaabas, may nakasalubong akong waiter na may bitbit na ilang baso ng alak. Huminto ako sa tabi niya at nilagok kong lahat ang alak na dala niya.
Hindi ito ang first time kong uminom ng alak kaya hindi na ako nanibago sa lasa. Pero mas nabigla ako sa tamang naramdaman ko ng maubos ko ang laman ng limang baso na dala niya.
"Kuya i-charge mo yung ininom ko sa manyakis na namimilipit doon sa bar. Sabihin mo sa kanya kulang pang ang bayad niya sa lahat ng ininom ko sa lahat ng ninakaw niya sa akin. Pakisabi din gago siya!"
Marahil ay nadala ang waiter ng makita akong umiiyak kaya napatango na lang ito. Matapos noon ay dali-dali na akong lumabas ng bar at pumara ng taxi na susuray-suray sa kalasingan. Adik na waiter yun hindi man lang sinabi na matatapang palang alak ang dala niya.
PAgkasakay ko ng taxi, nangigil kong pinunasan ng tissue ang mga labi ko as if may maitutulong iyon para mabura ang traces ng laway ng kapreng iyon sa aking mga labi. Kasabay noon ang patuloy na pagtulo ng aking mga luha. Walanghiya naman, hindi yata kayang takpan ng espiritu ng alak ang sama ng loob na nadarama ko at galit para sa hayup na lalaking yun.
BINABASA MO ANG
Mahal kita...Angal ka pa?!
HumorWhat will you do if you wake up one day and found out that you are a PRINCESS!?! Yes, from rag to riches? Siguro yung iba magtatalon sa tuwa. Syempre super swerte mo na kaya non. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Shopping dito shopping doon. Out of to...