Chapter Thirty

50 3 0
                                    

*Angie*

"Kuya kailangan ba talaga naming magpakasal ni Lance?"

Mula sa pagbabasa ng papeles na nasa study table niya ay kunot ang noong hinarap ako ni Kuya.

"Why are you asking that kind of question?"

Napakagat labi ako." Kasi kuya hindi ko naman siya mahal. Hindi rin niya ako mahal. Di ba people marry the person they love. Pero sa case namin ni Lance mali eh."

There, nasabi ko na ang matagal ko nang gustong sabihin sa kanila. Hindi ko man ito nasabi kay Daddy dahil natatakot ako sa kanya at least nasabi ko naman ito kay kuya. Sana lang makita niya ang logic sa sinasabi ko.

"You two should marry Angel. It's for your own good. Lalo na at kumalat na ang issue ninyo sa internet. Kung hindi kayo magpapakasal hindi magiging maganda ang image mo sa mga tao. Maging ang ating pamilya."

"Pero kuya, unfair para kay Lance. Mata trap siya sa loveless marriage. We will not be happy."

Pinigilan ko na ang sarili kong mapaiyak. Kasi sobrang unfair ng mga consequences eh. What if may ibang mahal si Lance at kaya lang siya naobliga na pumayag na pakasalan ako gaya ng sinabi ni Daddy ay dahil nadungisan nga ng kung anu-anong kumalat sa internet na sinimulan naman ng Mama nito na ang gusto lang ay malagay na sa tahimik amg buhay ng nag-iisa nitong anak.

Instant celebrity kami sa mga kababayan at nakakakilala sa amin. Binili nilaang sinasabing childhood romance namin. Para na kaming AlDub na may sariling fans club. Pero hindi sapat ang mga bagay na iyon para magpakasal kami.

Kaya naman hindi ako nagpapakita ng interes sa sinasabi nilang kasal namin. Humindi ako sa engagement party na gusto nila. Hindi rin ako pumayag na makasal kami sa lalong madaling panahon. Ayoko ring magset ng date kung kailan ang kasal namin at lahat ng plano nila ay kinokontra ko.

Sabi nila baka daw nabibilisan lang ako sa mga pangyayari kaya naman pumayag sila sa gusto ko. Take it slow lang daw muna kami at bumalik na daw muna kamibsa getting to know each other stage para muli naming makilala amg isa't isa.

Lance is cool with it but not me.

Hindi ko kayang magpakasal sa taong napilitan lang magpakasal sa akin. Gusto kong magpakasal ako sa raong mahal ako at mahal rin ako. At hindi si Lance iyon.

Walang silbi kung patuloy lang naming lolokohin ang isa't isa. We hate each other. Alam ko iyon. Although civil siya sa akin at hindi na ako inaaway alam kong labag din sa kagustuhan niya ang kasal na ito.

"Paano mo namang nasabi iyon?"

Naputol ang pag-iisip ko nang muling magsalita si kuya. Kailangan kong maintindihan niya ang situation namin ni Lance.

"Kasi nga hindi namin mahal ang isa't isa. Yun lang yon kuya. Ayokong maging miserable ang magiging buhay namin."

Biglang nagdilim ang mukha ni kuya sa sinabi ko. "Is he not treating you well?" Bakas ang galit sa boses nito.

"It's not what you think kuya." Mabilis kong sagot. "Actually he's very civil. He's being nice to tje point na hindi na siya ang Lance na kilala ko. Yung mapang-asar, yung pilyo makangiti, yung tipong tingin pa lang niya alam mo nang may kalokohan siyang naiisip. Nawala na yung Lance na kilala ko kuya mula noong pumayag siya sa gusto ni Dad. Para na siyang robot." Muling nangilid ang luha ko. "Kuya i don't want him to have a miserable life with me."

Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni kuya sa buhok ko. Then pinahid niya ang luhang naglandas na pala a mga pisngi ko. Umiiyak na pala ako.

"Don't cry angel," marahan niyang wika. "Di ba siya naman ang pumayag na makasal kayo?"

Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon