Three
"What is she doing with Henry Raphael Sy?"
"Is he dating her?"
"What a gold digger."
Napataas ang kilay ko sa narinig kong tsismisan ng mga babae sa hallway habang naglalakad ako papunta sa klase ko.
Bakit naghihimutok ang mga butse nila?
Well si kuya lang naman ang naghatid sa akin. And take note with goodbye kiss sa cheeks ko at nakita nila yun kaya kung anu-ano na ang pumasok sa madudumi nilang utak.
Mamatay sila sa ngitngit.
Ngayon lang ako makakabawi sa mga pambu bully nila sa akin noon. Bwahahahaha!!!!
Pero hindi ko gagamitin ang pangalan ng pamilya ko..
Bukod sa Dean ng school, ilang faculty lang ang nakakaalam ng totoong katauhan ko, dahil na rin sa request ko. Ayokong maging magulo ang mundo ko ng mga plastic na students dito ang ilang buwan ko na lang na pag-stay dito sa university namin...haha..feel ne feel...
So ang mga prof ay patuloy pa rin akong tatawagin bilang Maria Angelyn de Guzman pero ang lahat ng mga permanent records ko ay nakapangalan na kay Angelyn Margareth Chua-SY.
So heto ako ngayon, simpleng Angelyn pa rin sa mga mata ng mga maeere kong schoolmates.
"Look at her dress..Armani, and her bag...Hermes...I'm sure, hiningi niya lahat ka Henry yun. She's such a leech."
Grabe kailangan talaga pati gamit ko i-scrutinize nila. Anong klaseng contact lenses ba ang gamit nila? Yung tipong pang-X-ray machine sa airport?
Well, deadma na nga lang ako sa mga plastic na yun.
"Hi Angie," bati ng pamilyar na tinig sa likuran ko kaya nilingon ko siya at noon pa lang ako napangiti. Here comes my bff..si Maricar. Rich kid din siya pero siya lang talaga ang kaibigan ko dito since first year.
She's always an angel to me..Kapag wala akong pambili ng projects siya lagi ang nagpapautang sa akin. Kapag may umaaway sa akin, siya buma back-up sa akin. As in back-up lang talaga. Moral support, kasi ako lang ang humaharap sa mga yun eh. Kaya ko naman kasing labanan ang mga bruhang yon. Pero sa ngayon hayaan ko muna silang magngitngit..Wala ako sa mood eh...
"Hello Icay, musta ang Paris?"
Absent siya ng isang lingo, nagbakasyon sa Paris kasama ang parents niya...o di ba..sila na ang mayaman..
"Ayun andun pa din ang Eiffel Tower. Hindi pa nagtatagumpay ang mga minions na makuha yun."
Natawa ako sa sinabi niya..Adik pa rin sa minions ang babaeng to..alam ninyo yun..Yung mga alagad ni Gru sa animation na Despicable Me.
"One week lang akong nawala pagdating ko sosyal ka na," napansin pala niya ang transformation ko. "Huwag mong sabihing pumatol ka na sa mga taong may kontrata na kay kamatayan at naghihintay na lang ng isang pirma para ma-approve ang passes nila patungo sa kabilang buhay?"
"Adik ka talaga," natatawa kong sagot. Ang ganda ng salubong eh. "Yan ba ang excuse mo sa akin dahil nakalimutan mo akong ibili ng pasalubong?"
"Sayang ang Euro," walang kagatol-gatol na sagot niya..Grabe wala man lang pasintabi kung nakakasakit..pero sigurado naman akong mayroong pasalubong sa akin to eh. Ako pa...love nya kaya ako.
"Hoy balita ko isang super hottie na Henry Raphael S yang naghatid sa iyo dito? Seriously kailan pa nabulag ang taong iyon sa kamandag mo?"
Hinila ko siya sa isang sulok ng hallway. Hindi kasi pwedeng marinig ng mga tsismosa sa paligid ko ang aking sikreto.
BINABASA MO ANG
Mahal kita...Angal ka pa?!
HumorWhat will you do if you wake up one day and found out that you are a PRINCESS!?! Yes, from rag to riches? Siguro yung iba magtatalon sa tuwa. Syempre super swerte mo na kaya non. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Shopping dito shopping doon. Out of to...