*Angie*
Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko matapos kong basahin ang caption sa picture na ni post ni Tita Anne.
First apo under construction? What the hell?!
Kaya naman pala walang naniniwala sa akin. May pangalan pa ang love team DAW namin. GieLan?! What the double hell!
Base sa mga posts na pinapakita sa akin nila Hernani, Jeff at Mark Ren viral nga ang bawat status ni tita. Damn! meron pang Sta. Barbara Secret Files at doon din ay viral talaga ang GieLan.
Halos lahat ay kinikilig sa isang love story na nagsimula pa raw noong elementary days namin. Grabe talaga! Mali talaga ang pag-uwi ko dito! Nakinig na lang sana ako kay kuya!!!
Speaking of which, sana lang ay hindi pa niya nababasa ang mga ito.
Upang ma check kung nag-appear ba sa timeline ko ang mga viral pictures na ito, naisipan kong i check ang sarili kong fb account. Last time i checked, 2 lang ang friend request at wala aqng unread chats. Pero nang buksan ko ang fb ko ngayon nagulat na lang ako nang makita ang 1000 na friend request, 455 messages at 99+ na notifications.
Grabe paano nila akong natunton!!! Angelyn Sy na ang ginamit kong name sa facebook pero nalaman pa rin yun ng mga shipper ng GieLan.
Nung icheck ko ang aking news feed, pakiramdam kobay tuluyan nang na drain ang dugo ko sa katawan.
Posted 15 minutes ago by a random guy i dont know, ay ang video nang pag-aaway namin ni Lance at ang pinaka highlight ay ang issue ng pagtulog ko sa kuwarto ni Lance at kitang kita doon ang galit na galit na si Lance.
Viral agad ang video. Leche! Mapapatay ako nila Daddy at Kuya niyan pag napanood nila ang video.
Napukaw ang pansin ko nang biglang nagsigawan ang mga tao sa gym. Kasalukuyan noong nagpapa raffle sa may stage. Malamang may nakakuha nang isang major prize.
Naramdaman ko ang marahang pagsiko sa akin nang katabi kong si Hernani. Pinili ko na lang na huwag siyang pansinin. Masyado akong distracted sa recent turn of events. Ang laki nang problema ko ngayon. Paano ako magpapaliwanag kay kuya!
Hindi tumigil sa Hernani sa pagsiko sa akin. Sina Jeff at Mark Ren naman ay abot ang pag ubo. Ano ba ang problema nila?
Nang magsimula nang umingay nang husto ang mga dati naming kaklase at sabay sabay pang nagsipag chant ng GieLan ay hindi mapapaangat ang ulo ko mula sa pagbabasa ng mga comments sa nasabing video.
Nasalubong ko ang mga mata niyang walang reaksyon. Ang galing talagang mag poker faced ng lalaking ito! At kaya naman pala halos mangisay sa kilig ang mga tao sa paligid namin kabilang na ang mga LOYAL kong kaibigan.
"Problema mo?" Masungit kong tanong sa kanya.
"Uy LQ!" Kantiyaw nang isang lalaki na nakaupo sa malayong lamesa. Kung nakita ko lang kung sino yon tatamaan talaga sa akin yun! Sobrang init na nang ulo ko ngayon!
"Your Kuya wants to talk to you." Nanibago ako sa biglang pagbabago ng boses nito. Aba,nasaan na ang palasigaw at iritableng Kapre na daig pa ang may PMS araw-araw!?
"Bakit sa iyo pa magsasabi si kuya kung mayroon naman akong sariling cellphone?"
Mas lalong lumakas ang chant ng mga tao sa loob ng gym. Hindi ko nga alam kung narinig ba niya ang naging sagot ko dahil sa lakas nang hiyawan ng GieLan sa paligid.
"Baka daw kasi nakasilent na naman ang cellphone mo kaya sa akin na tumawag." Bakas ba rin sa mukha nito ang iritasyon. Marahil hindi rin nito gusto ang nangyayari sa paligid.
BINABASA MO ANG
Mahal kita...Angal ka pa?!
MizahWhat will you do if you wake up one day and found out that you are a PRINCESS!?! Yes, from rag to riches? Siguro yung iba magtatalon sa tuwa. Syempre super swerte mo na kaya non. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Shopping dito shopping doon. Out of to...