Chapter TWO

99 6 0
                                    

Two

Mainit ang ginawang pagsalubong sa akin ng mga tauhan sa mansion nila Don Arnulfo at Donya Aurora. Sa totoo lang naiilang pa rin akong tawagin silang Mama at Papa. Kung ako lang ang masusunod hindi ako sasama sa kanila. Pero si mama pinilit ako.

"Anak, mahal na mahal kita pero huwag mo sanang isipin na hindi kita mahal kaya ibinigay kita sa kanila. Sila ang tunay mong mga magulang. Matagal na panahon ka nang nalayo sa kanila kaya tama lang naman na sumama ka na sa kanila. Isa pa maibiigay nila sa iyo ang buhay na hindi ko kayang ibigay sa iyo."

Kaya heto siya ngayon, nasa loob ng kanyang sariling kuwarto at nag-iisip.

Sabi ni Donya Aurora, este ng mommy niya, Angelyn daw talaga ang pangalan niya. Angelyn Margareth Chua-Sy.

Naks...lahing Chinese.

Parehas na half - Chinese ang mga parents ko kaya naman siguro hindi ako singkit.

Pero nung yakapin nila ako kanina, may ibang pakiramdam akong naramdaman. Yung tipong nagkaroon ng kasagutan ang ibang bagay na hindi kayang sagutin ni mama. Yung parang may connection kayo...

Basta kakaiba.Yun ba yung tinatawag na lukso ng dugo?

Haist! Napabuntong-hininga na lang ako.

Kanina lang iniisip ko kung saan ako kukuha ng perang gagamitin ko para sa project ko pero ngayon naman ang pino problema ko ay ay biglang pagyaman ko.

Ano ba ito! Talagang magulo.

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko sa aking malambot na kama. Talagang pinaghandaan yata nila Daddy ang aking pagdating dahil nakaayos na ang lahat sa aking kuwarto.

Ang motif...sky blue. Favorite color ko.

Mula bedsheet hanggang sa kurtina. Pinuntahan ko ang walk-in-closet sa aking kwarto at woooww!!!

Ang daming damit, sapatos at bag!!!

Nananaginip ba ako?

Tinignan ko ang isang damit at itinapat sa aking sarili sa harap ng salamin. At muli nanlaki ang aking mata ng makita ko ang tag..

PRADA!!!

Pakiramdam ko umikot ang aking paningin.

Prada..

Prada...

Sa mga magazine ko lang nakikita ang ganitong damit pero nagyon mayroon na ako..

At take note, brand new talaga at hindi galing sa ukay-ukay.

Muli kong binalikan ang mga damit na nakasabit sa aking closet at tiningnan na ang brands ng mga ito.

Halos nanluwa ang mga mata ko ng makita ko ang mga tatak ng mga damit na nandoon.

Versace...

Louis Vuitton...

Tommy Hilfiger...

Armani....

At hindi ko na matandaan pa ang iba..

Pambahay na nga lang naka designer clothes pa ako!

Gusto ko ng himatayin. Pakiramdam ko babagsak na ako sa sobrang tuwa.

Kanina lang para na akong namatayan...

Kayo ba naman kasi ang makakita ng mga ganitong kabobonggang mga damit!

Whoooaa!!

Ano yun?

Nakita ko ang lalagyan ko ng mga underwear.

Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon