Chapter Thirty-Two

48 4 0
                                    

*After three years*

*Lance*

Napaangat ang ulo ko mula sa pagkasubsob sa pagbabasa ng ilang papeles nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking opisina. Hindi na ako nagulat nang nakita ko ang pagpasok ni Alvin. Siya lang naman ang gagong dire diretsong pumapasok sa office ko kahit na pagbawalan ng secretary ko.

"The answer is no insan. Get lost."

"And i miss you too, insan!" Kahit kailan talaga napakalaking manhid ng pinsan kong ito. Hindi talaga tinatablan ng pantataboy ko.

Sumandal ako sa swivel chair ko at sinalubong ko ng seryosong tingin ang mga nakalolokong tingin niya.

"I told you, wala akong panahong gumimik. Im busy."

"Saan? As far as I can remember co owner ako ng company na ito at alam kong hindi naman hectic ang schedule natin. So we still have plenty of time to drink all those expensive liquors at the bar."

Sinundan ko siya ng tingin habang lumalakad siya papunta sa couch at naupo doon. Sa tingin ko ay hindi ako lulubayan nito. Like he always do.

"Wala ako sa mood."

Naiiling ang pinsan ko habang naglalakad papunta sa uouan sa harap ng table ko.

"Alam mo insan hindi ko alam kung ano ang ipinaglalaban mo pero hindi ba dapat ay masaya ka pa sa nangyari. Its been three years. Hindi mo pa ba tanggap?"

Napapikit ako sa sinabi niya. Three years. Three long f*cking years. And the emptiness that im feel everytime na maalala ko ang nangyari ay hindi nawawala.

"Just let me be Alvin. Im fine with it."

"Yes. I can see that."

I noticed the sarcasm in his tone pero hindi ko na lang pinatulan. Hindi naman siya ang nasa kalagayan ko. We are in a very different situation. He is very much happy with his married life while I am.... damn! Ni hindi ko maidescribe kung ano ba talaga ang kinahantungan ko ngayon.

"Hey stop killing yourself here. I dont want you dead. Kailangan mo pang maipakalat ang lahi natin. So instead of confining yourself in this office sumama ka na lang gumimik sa akin. May bagong bukas na bar malapit dito. Lets try that place."

Tumayo na ito palapit sa akin. I knkw pipilitin lang niya na sumama ako. For three years ito na ang routine namin. Alam na niya ang sagot ko. Pero halatang hindi pa ito nagsasawa sa pangungulit sa akin.

"Just go Alvin. Without me. You already know my answer. Pero ang kulit mo pa rin." Hindi ko na mapigilan ang mairita sa kakulitan niya. Bakit hindi na lang ang iba pa naming mga pinsan ang kulitin niya. Bakit kailangang ako pa?

"I dont know whats wrong with you Lance. Pero i think you're being hard to yourself. Move on."

There! He finally said it. Those two f*cking words that i loathed to hear.

Move on..

Move f*cking on!

Tangina! Buti sana kung madali lang itong lintek na move on na ito. Sana matagal na akong okay! Noon pa! Tangina talaga.

Damn!

Pero hindi ako aamin kahit kailan sa magaling kong pinsan kung ano talaga ang nararamdaman ko. Damdamin ko ito! Walang pakialaman!


"Wala naman akong dapat ipag move on, insan. Wala namang naging kami." I almost spat the words that i've uttered.


Nakita ko ang pag-angat ng isang kilay niya at ang matiim nitong pagtingin sa akin. Parang pilit na binabasa ang nilalaman ng isip ko.


"Hell yeah. Walang kayo." Napangiti pa ito ng nakakaloko. Tarantado talaga. "Kaya hindi ko maintindihan kung ano ang ipinagmumukmok mo dyan. Its been three years and you still dwell in this melancholic four corners of your office. Walang kabuhay buhay. Parang ikaw.  So much for a f*cking 'walang kami' drama mo."


Right at this very moment, I am itching to land my  fist at his ugly face but I chose not too. Mas pinili ko na lang na muling balikan ang papeles na aking binabasa.

"Just go and date your wife, insan. Wala kang mapapala sa akin." I said nonchalantly.


Narinig ko ang marahas nitong pagpapakawala ng hininga. I know that he was really pissed at me pero im sticking to my decision. Im not really in the mood to hang out.

"Kung hindi na talaga magbabago ang isip mo ay iiwanan na kita. Its just that Henry is asking me about you. He's the one who sets this night out. He misses you dude!"



More reason for me to stay. I muttered under my breath.

"Tell him im still alive."


"And living with a broken heart?" Nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya ngunit hindi niya ito nakita. "F*ck! That was so gay." Humagalpak pa ito ng tawa ng marealize ang binitiwang salita.


"Im not." I replied in defense. "Huwag kang gumawa  kwento."



"Ako pa gumagawa ng kuwento. Si Tita nga sobra na ang pag-aalala sa iyo. Hindi ka na nga raw dumadalaw sa inyo. Baka nga daw hanggang ngayon masama pa ang loob mo sa kanya dahil sa nangyari."



"Shut up Alvin. Kanina si Ku-" i stop in mid sentence. I compose myself before letting out a deep sigh. "Kanina si Henry. Tapos ngayon si Mama na ang ginagamit mong alibi. Are you really that desperate to bring me into that f*cking bar that you've talking about! Dont tell me gusto mong magpalibre?"


"Kasalanan ko bang masyado kang in demand ngayon? Si Hernani nga pala hina hunting ka din. Kasama din siya mamaya."


Kung hindi lang ako nakakapagtimpi, malamang kanina ko pa nasapak itong si Alvin.  Pero, hindi ko na lang siya pinansin. Kunwari ay hindi ako interisado sa mga sinasabi niya. Mas lalo lang kasing hahaba ang aming pagdidiskusyon at mas lalong hindi ako tatantanan ng magaling kong pinsan.



"Hay insan... malala ka na talaga. Hindi ko maintindihan kung ano ang ipinaglalaban mo." Bakas na ang iritasyon sa boses nito. Alam kong malapit na talaga itong mapikon sa akin. Kaso buo na talaga ang desisyon ko.



"Wala akong ipinaglalaban."


Naramdaman ko ang matiim niyang pagtitig sa akin na sinalubong ko rin ng matiim na paningin. Alam ko namang pinipilit lang akong magsalita ng pinsan ko tungkol sa kung ano talaga ang nararamdaman  ko.




"Hay sige insan. Lokohin mo ang sarili mo," bigla na lang sinabi nito na hindi siguro nakita sa mga mata ko ang hinahanap na sagot.



"Ayusin mo na lang ang buhay mo ng hindi na kami nag-aalala ng ganito." Pahabol pa nito.



"Maayos ang buhay ko Alvin. Huwag mo akong alalahanin," seryoso kong sagot. Okay ako. Alam na alam ko yun. Ako ang nakakaramdam ng nararamdaman ko at hindi sila.



Nagkibit na lang ito ng balikat at parang tinatamad na tinungo amg pinto. Good thing at tinigilan na nito ang pangungulit sa akin. Im hoping na ito na ang huling pangungulit nito sa akin.



"By the way," muling nagsalita si Alvin habang binubuksan ang pinto. Mas naging seryoso na ang tingin nito."She's back. In case you dont know. Last night. That's why we are going to have a welcome party. You know. Dun sa bar na sinasabi ko."



Marahas akong napalingon sa pinsan ko ngunit hindi ko na soya nakita sa pinto. Nakalabas na ito ng hindi tinitingnan kung ano ang magiging reaksyon ko.


Tangina...




Parang nanghihina akong napasandal sa swivel chair ko.



Parang lahat ng energy sa aking katawan ay biglang naglaho.




Shes back.




After three long f*cking years. After breaking our engagement and leaving me at our suppose to be engagement party, she has now returned.




Damn!

Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon