Thirteen
*Angie*
A week had passed at hindi pa rin ako maka get over sa nangyaring kahihiyan ko last week sa first day of the job ko. Buti na lang at hindi iyon binabanggit ni Gus.
Well ayaw magpatawag sa akin ng Sir ng guwapo kong bossing kaya naman first name basis kami na ikinaangat ng kilay ng mga office mates kong bitter sa closeness namin ni Gus. Mas masama pa nito, nung malaman nilang Sy ang last name ko, mas naging bitter sila. Ewan ko kung bakit, pero pakiramdam bumabalik yung pambu-bully ng mga classmates ko sa katauhan ng mga co-workers ko. Idagdag pa ang nalaman nilang fresh grad palang ako at hindi pa pumapasa ng board.
They love bitching me around, lalo na kapag wala si Gus. Ewan ko ba kung bakit lagi na lang ganito ang kapalaran ko. Ang laging inaapi ng mga babaeng insecure. Buti na lang at mataas ang tolerance ko sa kanila.
Pero to be honest, namimiss ko ang simpleng buhay kasama ng mama ko. Ayaw naman kasi nyang sumama sa mansion. Talagang naninibago ako sa ganitong environment. Hindi ako sanay sa luho. At kahit na nasa harapan ko na silang lahat ngayon, parang hindi ko pa rin maabsorb.
"Ma'am andito napo tayo."
Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ang boses ng driver ko. Dahil sa sobrang pag-iisip, hindi ko namalayang nandito na pala kami sa opisina.
Inhale. Exhale. Kaya ko ito! Fight! Fight! Fighting!
Bumilang muna ako hanggang tatlo bago tuluyang lumabas ng kotse ng taas noo.
Puno ng paghangang napatingin sa akin ang mga tao sa labas ng MCF Building.
Siyempre hindi nila mapigilang mapahanga sa napakaganda kong KOTSE! Bukod pa sa designer items kong wardrobe. Chanel ang napili kong isuot ngayon at Prada shoes and bag.
Napaka assumera ko naman kung feeling ko ako yung hinahangaan nila. Ang saklap mabuhay sa earth no. Kung wala kang gandang pang Miss Universe, nganga ka na lang. Mas hahanga pa ang mga tao sa mga materyal na bagay kaysa sa tao.
Hmp! mga materyosa!
Dineadma ko na lang sila at nagpatuloy ako sa pagpasok sa loob ng building.
Mas gusto ko kasing dumadaan sa harap ng building kaya sa mga parking areas. Natatakot kasi ako na baka may biglang humablot sa akin at makidnap na naman ako. Mula ng malaman kong nakidnap pala ako noong bata pa ako, naging phobia ko na ang makidnap.
"Good morning Angie."
Matamis na ngiti ang isinukli ko kay Gus na nakasalubong ko sa hallway. Palabas ito ng building, baka may meeting.
"Morning Gus," masigla ko namang bati. The Angie way. Yung maririnig ng buong madlang pipol. Mainggit na ang mga maiinggit! Bwahahahhahahah!!!
"Maganda yata ang gising mo," huminto pa ito para lang kausapin ako.
Sa gilid ng aking peripheral vision, nakita kong nagbubulungan ang mga kasamahan naming nasa hallway din ng mga sandaling iyon. Mula yata ng dumating ako sa MCF wala ng ginawa ang mga iyon kundi ang pag-usapan ako.
"Depende lang yon kung sino ang una kong nakakasalubong sa umaga." Pabiro kong tugon.
"So, I'm the reason for your good mood eh?" nakangiting tugon nito sabay kindat. Kung ibang babae lang ang nasa sitwasyon ko ngayon, malamang hinimatay na.
"Pwede ring si Kuya," sagot ko naman sabay belat sa kanya. Natawa siya ng malakas sa naging gesture ko at pinisil pa ako sa pisngi.
Kung hindi nyo na matatanong close na kaming dalawa. Nawala na ang pagkailang ko sa kanya kasi hindi naman pala siya mahirap pakisamahan. Big brother din ang tingin ko sa kanya dahil nga kaibigan siya ni kuya. Ayoko namang patulan ang sinabi noon ni Kuya that Gus likes me. Like duh!
BINABASA MO ANG
Mahal kita...Angal ka pa?!
HumorWhat will you do if you wake up one day and found out that you are a PRINCESS!?! Yes, from rag to riches? Siguro yung iba magtatalon sa tuwa. Syempre super swerte mo na kaya non. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Shopping dito shopping doon. Out of to...