Chapter Twenty-Four

48 4 0
                                    

*Angie*

Kung kanina si Lance lang ang bad trip, ngayon dalawa na kami.

Paano ba naman, inulan kami ng tukso at tanong ni Lance tungkol sa naging usapan namin. Ang galing magsi timing ng mga dati kong classmate. Talagang yung may part nang pagtulog ko sa kuwarto ni Lance ang na capture ng video nila.

Mula noong hindi na nila kami tinantanan. Daig pa ang kamag anak ni Mike Enriquez! Hindi talaga kami tinatantanan!!!!!

Kahit anong deny ko na walang kami ni Lance, walang naniniwala sa kanila. Pahamak kasi ang kapreng yun eh! Ang daming alam! Kung andun pala ako kagabi sa kuwarto niya, sana pinalipat niya na lang ako. Pwede naman akong gisingin eh. Di tulad  nitong inuulan kami ng tanong at tukso. Parang nung elementary days lang talaga namin. (T.T)

"Hoy Angelyn ano umamin ka na! Kailan pa kayo ni Lance?"

Konti na lang mababatukan ko na itong Jeffrey na ito. Kanina pa ako tinatanong. Kanina ko pa sinasagot na hindi kami ayaw namang maniwala.

"Alam ba ni Tita Clara na nagli-live in na kayo?" Tanong naman ni Mark Ren na dahilan para maibuga ko ang kaiinom ko lang na juice nang mga sandaling iyon.

Shet! Ano daw? Live in?! Yung isiping mag Bf kami ng kapreng yun ay nasusuka na ako yun pang Live in! Leche!!! Bigti na alng ako!!!

"Ilang beses ko bang sasagutin ang tanong ninyo?" Iritable kong tanong sa kanila nang maiayos ko na ang sarili ko mula pa pagkakabuga sa juice. Sa totoo lang kung hindi ko lang nalaman na teacher dito sa school na ito ang dalawang makulit na ito kanina ko pa sinapak eh. Nagsabay pa sa kakulitan!

"Ilang beses ka ring magde deny?" Ganting tanong ni Jeff na may paangat-angat pa ng mga kilay.

"Wala naman akong ide deny kasi wala talaga. Kayo lang ang  makulit. Kahit tanungin pa ninyo si Hernani." Konti na lang talaga mapipikon na ako.

"Huh? Bakit ako? Anong kinalaman ko sa inyo ni Lancey."

Napairap ako nang matindi. Laglagan na pala ngayon. Adik na Naning ito. Sa halip na suportahan ako siya pa unang nanglaglag sa akin.

"Umayos ka Hernani," banta ko sa kanya.

"Alam mo Angie, kahit naman ipagtanggol ka ni Hernani, hindi mo pa rin kami mapapaniwala na wala kayong relasyon ni Lance."

Napaangat ang kilay ko sa sinabi ni Mark Ren. Bakit ba ipinaglalaban nito na kami ni Lance eh hindi naman talaga!

"Kalat na sa buong bayan na kayo."

Kay Jeff naman ako napalingon nang marahas. Ano bang pinagsasabi nila?

"Haizt naku gurl... you're so outdated sa balita. Wala ka bang twitter, instagram or Facebook man lang? Ikaw itong Manila gurl but you're so outdated talaga!"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong napapairap ngayong umaga pa lang. Sabayan pa nang kaartehang magsalita ni Hernani. Grabe na talaga.

"Ano namang kinalaman ng mga yan sa buhay ko at paniniwala ninyo sa lovelife ko?"

"Ay girl!!! Malaki!!! Trending ang GieLan kagabi pa!!!" Daig pa ni Hernani ang teenager sa sobrang kilig. At take note with matching tili pa.  Lahat tuloy nang nasa gym ay nakatingin sa amin. Sikat na nga kami dahil sa iskandalong nangyari kanina, pakiramdam ko kasi sumisikat pa ako. Salamat sa mga kasama ko sa table na ito. Kung tatanungin ninyo kung nasaan ang kapre, ayun at kasama nang mga dating tropa nito noong elementary at kasalukuyan nang nagpapakalasing.

"Anong GieLan? Anong pake ko dun? Sino ba yun at ano ang kinalaman non sa buhay ko?"

"Seryoso Angie?Hindi ba uso ang tv sa Maynila? Hindi ka ba nanood ng mga teleserye?" Natatawang tanong ni Mark Ren.

Bakit ba ang lalabong kausap ng mga kaharap ko ngayon? Kanina social media tinatanong sa akin, ngayon naman teleserye?

"Wala akong time manood ng tv.Doon ko ba makikita si Gielan? Bagong artista ba yun?" Naguguluhan kong tanong sa kanila.

"Wala na, hopeless case na ito!" Naiiling na wika ni Jeff sabay kuha sa cellphone nito.

"oh ano, naniwala na kayo sa akin?"maarteng sagot nang dyosa. "Sabi ko sa inyo hindi maganda ang dulot ng hanging Maynila sa bruhang ito eh. Kita ninyo naging slow!"

"Umayos ka dyan Hernani. Tatamaan ka na sa akin." Banta ko sa magaling kong kaibigan. Parang wala ako kung makapag komento eh.

"Para matigil na tong pagdedeny mo eto ang GieLan!" Wika naman ni Jeff sabay pakita ng screen ng cellphone niya sa akin.

"What the hell! Bakit picture namin ni Lance yan? Nasaan ang GieLan dyan?" Kunot na kunot na ang noo kong tanong sa kanila. Ano ba talaga ang ipinaglalaban nila?

"Kayo ang GieLan!" Sigaw ni Hernani kaya muli na naman kaming pinagtinginan nang mga tao sa loob ng gym.

"Gie from Angie and Lan from Lance," maiiksing paliwanag ni Mark Ren, pero sapat para gumuho ang mundo ko.

"what!" Hindi ko napigilang mapatili. Wala na akong pake kahit na pinagtitinginan na naman kami. Ano bang kagaguhan ang pinagsasabi nila?

"Yes bff.. you're the other half of GieLan. Kahapon pa kayo sikat sa buong bayan natin." muling sabi ni Hernani.

"Sinong walang magawa sa buhay nagpakalat niyan? At bakit may picture kaming ganyan ni Lance?"

Muli kong tinitigan ang picture. Kahapon lang kuha ito. Noong kumakain kami kina Lance. Magkatabi kami sa picture at nagtitigan sa picture. Nakangiti ang kapre samantalang poker faced lang ako.

Naalala ko ang setting na ito. Ito yung inaasar ako nang kapre bilang ganti nito sa pagbubuhat nang gamot ko kahapon. At dahil kaharap ang mama niya, hindi ako makaganti nang maanghang  na salita kaya idinaan ko na lang siya sa tingin.

Ang hindi ko maintindihan, bakit kumalat sa facebook ang picture na ito!

Masama ang tinging ipinukol ko kay Hernani. Siya lang ang nakakaalam na magkasama kami ni Lance sa trabaho. Siya rin ang nag set up sa amin kung bakit kami parehas na nandito sa reuniong ito. Sinabi niya sa aming dalawa na hindi makaka attend ang isa sa amin kaya parehas kaming nag decide na pumunta. Only to find out that we were deceived by this freaking friend of mine.

"Maganda lang ako Bff, pero wala akong kinalaman sa picture na yan. Duh! Nagulat ba nga lang ang beauty ko at kumalat yan sa fb, twitter at instagram."

Mas napaangat ang kilay ko. Hanggang twitter at instagram may picture na ganyan! Nakakahiya!!!

"Mukhang bet na bet kang maging daughter-in-law ni tita Anne kaya hindi niya mapigilang i-ship ang Loveteam ninyo ni Lance."

Kay Jeff naman ako napalingon. Busy ito sa pagkutingting ng cp niya. Maya -maya'y may ipinakita na naman sa akin.

Nalaglag muli amg panga ko sa nabasa ko. Oh my ghad!!!

"Mas active pa pala sa iyo si tita Anne sa social media. Kahapon pa alam nang mga taga rito na may relasyon kayo ni Lance. Sa kanila ka tumutuloy di ba? Sa kuwarto ni Lance natulog at sabay pa kayong nagpunta rito. Lahat nang iyon alam ng lahat."

"Korek ka dyan Jeff.. so ano bff, naniniwala ka nang inosente ang beauty ko?" Singit naman ni Hernani.

Ako naman walang masabi. Haizt! Mali yata na umuwi pa ako dito. Ano na lang ang iisipin nila Kuya at Daddy pag nakarating sa kanila ang picture na ito.

"Eto pa ang magandang post ni tita," natatawang wika ni Mark Ren sabay abot sa akin ng phone niya.

Nakapost dito ang pinto nang kuwarto ni lance at may caption pa si tita na ikinaluwa na yata nang mga mata ko.

Anne Sandoval:

Do not disturb. My first apo under construction. ;)

Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon