Chapter Twenty-Seven

46 4 0
                                    

*Angie*

Hindi ko alam kung kakambal ko ba talaga ang kamalasan tuwing kasama ko si Lance. Mula sa pagkasira ng sasakyan nito sa isang liblib na daan na tinawag nitong short cut hanggang sa pagbuhos ng malakas na ulan na dulot nang bagyo.

Buti na lang may facebook. Doon lang namin nalaman ang tungkol sa bagyo. Hindi na namin nakuhang manood ng news sa tv dahil sa biglaang pagpapauwi sa amin ni Daddy. Dahil din yun sa facebook.

Hindi ko naman masisi ang mommy ni Lance sa ginawa nito dahil mabait naman ang pagtanggap nito sa akin. Siguro talagang excited lang ito na magkaroon ng apo kaya ayaw nitong maniwala na hindi naman talaga kami ng anak nito.

Kaso panira lang talaga yung post nitong "first apo under construction". Ito ang dahilan kung bakit kinailangan naming bumalik agad sa Manila ni Lance Kapre. At yun din ang dahilan kung bakit stranded kami ngayon.

Si Daddy naman kasi sobrang OA maka-react. Pwede namang sa phone na lang kami mag-usap pero mas pinili nito ang pauwiin kami. Alam naman siguro nitong may parating na bagyo. Kung hindi lang ako nahihiya at natatakot sa kanya at the same time, malamang nakapag reason out pa ako sa kanya ng mas mabuti.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong maging si Lance ay napapitlag din sa biglang pagtunog nito kaya naman agad kong sinagot ito.

"Kuya."

"Nasaan na kayo angel?"tanong nito sa seryosong tono.

"Nasa daan kuya," napakagat labi ako. Pinag-iisipan ko pa kung sasabihin ko ba sa kanya ang sitwasyong kinasusuongan namin ni Lance.

"Nasa expressway na ba kayo? Mga anong oras kayo makakarating dito?"

Napatingin ako kay Lance at sinalubong naman niya ako ng kunot ng noo.

"Errr.. Wala kami sa expressway kuya. Hindi ko alam kung nasaan na kami kasi... errr... nasira ang sasakyan ni Lance." Napapikit ako at sabay sign of the cross. Magbi beast mode ito for sure.

"What!"

Bahagya kong nailayo ang cellphone sa aking tenga. Nakakabingi ang lakas ng pagkakasigaw niya.

"Eh kuya nasiraan nga po kami sa daan. Hindi naman namin maipagawa dahil ang lakas ng ulan."

Malulutong na mura ang naging sagot ni kuya Henry sa sinabi ko. Kulang na lang ay magsugat ang pang ibabang labi ko sa sobtang kaba. Nakakatakot pala talaga pag nagalit si kuya.

"Where exactly are you?" Pasinghal nitong tanong.

"Hindi ko nga alam kuya."

"What the hell! Anong hindi mo alam? Nasaan ba yang Lance na yan? Kanina ko la siya tinatawagan pero hindi ma contact ang number niya."

"Nag short cut kami kuya. Para makauwi agad. Tapos nasiraan na kami dito." Wala na. Tuluyan na kaming malalagot ni Lance.

"And now you're stranded in the middle of nowhere?! Nasaan ba ang utak ng lalaking yan at kung saan saan pa kayo dumaan gayong may main road naman."

"Eh kuya sabi mo umuwi agad agad. Eh di siyempre naghanap yung tao ng paraan para mabilis kaming makauwi." Nilingon ko ang sobrang kunot ang noong si Lance. Kahit naman lagi kaming nag away, hindi naman niya kasalanan kung bakit kami nandito ngayon.

"So ngayon kinakampihan mo na siya ngayon."

"Hindi naman sa ganoon kuya -

"Give the phone to that bastard."

Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon