Chapter Thirty-Seven

49 4 0
                                    


"Those guys are crazy." Naiiling na wika ni Lance ng makahuma mula sa pagkabigla. Ngunit namumula pa rin ang mga pisngi nito.

"H-how did they know about that?" Naguguluhan kong tanong. Si kuya lang ang nakakaalam nun. At ang alam ko ay lasing pa ito noon.

"Well, maybe your Kuya Henry told them," he shrugged and went directly to my personal ref and grabbed two bottles of beer. Inabot niya sa akin ang isang boteng binuksan niya. "You need that."

Wala sa loob na tinungga ko ang alak. Isa na rin ito sa naging past time namin. Ang pag-inom kapag stressed out na kami. And from the turn out recent events, mukhang kailangan ko ng mas malakas na espiritu ng alak.

"Hey don't stress yourself on that matter. Hindi gagawin nila Dyosa na i-upload yung sinasabi nilang video." Pag cheer up naman niya sa akin ng maupo ito sa couch. "Binibiro ka lang nila."

"Alam ko namang hindi nila gagawin yun eh," wika ko sabay inom ulit ng beer.

"Yun naman pala. So ano pang ikinatatakot mo?"

"Yung alam na nila yung tungkol sa nangyari sa atin!!!" I cried hysterically. "Oh my ghad!!! Nakakahiya!! Alam na nilang nag make out tayo!!! Oh please kainin mo na ako lupa!!!"

"Alam mo sa tingin ko alam na ng buong floor na ito ang tungkol doon."

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko si Lance. "Oh-em-gee!!! Pinagkalat na nang dalawa?!!" Muli kong sigaw sa kanya at inisang lagok ko na lang ang lahat ng natitirang alak sa boteng hawak ko.

"Hindi nila gagawin yon."iling naman nito. "Sa lakas ba naman ng sigaw mo dyan, kahit bingi maririnig ang mga sinabi mo."

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Stupid! Stupid, stupid Angie! Ang laki kong tanga.

"Oh bakit tumahimik ka. Sigaw pa. Hindi pa alam ng buong building." Dagdag pa ni Lance sa nang-aasar na tono.

"Eh nakakaasar ka eh! Bakit hindi mo ako pinigilan!" Naiiyak ko ng paninisi sa kanya.

"Feel na feel mo ang pagsigaw dyan eh. Sino naman ako para pigilan ang trip mo sa buhay?"

Sa sobrang inis ko, lumapit ako sa kanya at hinampas siya sa braso.

"Nakakainis ka!!!"

"Aw! Ang brutal mo talaga kahit kailan. Aba hindi pa naman tayo battered boyfriend na agad ako!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Anong battered boyfriend? Hoy tigilan mo nga yang sinasabi mo. May makarinig sa iyo."

Natatawa siyang lumayo sa akin.

"Nahiya ka pang may makakarinig sa atin. Yung ginawa nga natin sa condo ng kuya mo ipinagsigawan mo tapos sinabi ko lang na battered boyfriend ako sa iyo ayaw mong marinig sa labas."

"Battered boyfriend? Si Lance? Kayo na ba?"

Sabay kaming napalingon ni Lance sa pinanggalingan ng boses at parehas kaming napaayos bigla ng makitang si Daddy pala kasunod si Kuya na tatawa tawa.

"D-daddy!" I exclaimed ng makabawi ako sa pagkakabigla. Lumapit ako sa kanya para halikan siya sa pisngi ganun na rin kay Kuya na nagniningning ang mga mata sa amusement.

"Sir," magalang namang bati ni Lance dito na kinamayan naman si Daddy at Kuya.

"Mukhang may bonding session kayo ha," nang-aasar na wika ni kuya at itinuro ang bote ng alak.

"Kuya nga! Nagpapaalis lang ng stress. Hindi naman kami nagpapakalasing. Pupunta pa kami sa site sa Cavite eh." Nakasimangot kong sagot sa kuya kong konti na lang ay hahagalpak na sa katatawa.

Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon