Ten
*Angie*
Excited much lang ako. First day of work ko ito sa Mercado Construction Firm.
Yes, na hire ako. Akalain ninyo, may kompanyang nagtiwala sa akin. Ang hindi ko lang sure ay kung may kinalaman ba si Kuya sa pagkakatanggap ko. Ewan ko ba pero ang dami talagang connection ng family ko. Kaya isang tingin lang sa papel ko ng HR nila, nakitang Sy ang apelyido ko, hired na ako kahit walang interview.
One of the privilege of being a Sy… :3
Pero at least hindi ako sa firm namin magtatrabaho.
Pagpunta ko sa dining room, nakita kong nagkakape na roon si kuya Henry. White shirt at walking short lang suot nito pero ang macho ng dating. No wonder at patay na patay sa kanya si Icay.
“Good morning Kuya!” pasigaw kong bati sa kanya. Well ganito talaga ang paraan ng pagbati ko sa kanila kaya naman sanay na sila sa parang megaphone na bibig ko.
“Good morning Angel. Mukhang maganda yata ang gising mo.” Nakangiti nitong bati sa akin.
“Excited lang po, Kuya,” Masigla ko pa ring wika at naupo na ako sa silyang katapat niya.
“Goodluck sa trabaho mo ha. Wag mo masyado pagbutihan. Alam mo namang ka-kompetensya natin yung firm nila.”
“Kuya, ang sama mo.” I pouted.
“Bakit kasi ayaw mong sa firm natin magtrabaho eh.”
“Kuya, we’ve discussed this so many times…” o ha…nag-iimprove na talaga English ko.
“I’m only joking Angel,” nakangiting wika ni kuya. “By the way, my friend Gustave owns the firm kaya naman I’m sure na marami kang matututunan sa kanya.”
Napailing ako.
Kaya naman pala walang interview eh. Tama ang hinala ko.
“Kuya, is that the reason why they hired me immediately?” taas noo kong tanong.
Ako lang ang nakapagtataas ng kilay sa kuya kong pogi. Haha!
“What do you mean by that? Tila naman naguluhan si kuya sa tanong ko. Asus…. Pa innocent effect pa.
“Yung kaya ako na-hire kahit wala ng interview dahil sa influence ninyo - I mean our family name.”
“You know what Angel, you may be my little princess, but I’m not in the habit of spoiling you rotten especially when it’s about your career.” Seryoso na si kuya. “Hahayaan kitang tumayo sa sarili mong paa at least maranasan mo ang hirap ng paghahanap ng trabaho di ba. Bakit mo naman naisip na may kinalaman ako sa pagkakahire sa’yo?”
Humigop muna ako ng kape sa mug. Mainit pala! Buti konti lang yung nainom ko. Sensya na…kabado…
BINABASA MO ANG
Mahal kita...Angal ka pa?!
HumorWhat will you do if you wake up one day and found out that you are a PRINCESS!?! Yes, from rag to riches? Siguro yung iba magtatalon sa tuwa. Syempre super swerte mo na kaya non. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Shopping dito shopping doon. Out of to...