Chapter Thirty-One

49 4 0
                                    

*Angie*

"Nani sino si Becca sa buhay ni Lance?"

Napairap ako ng marinig ko ang pagtili ni Hernani sa kabilang linya. Tinawagan ko siya agad ng bigla na lang hilahin ng babaeng yun si Lance papunta sa kung saan. Ang magaling namang lalai sumama naman. Ni hindi nagpaalam sa akin. Pero nakuba pang banggitin ang pangalan ng babaeng humila sa kanya.

Ang saya di ba? Sobra!

"My ghad bff, ikakasal na kayo at lahat nakuha mo pang magtanong tungkol sa ex niya. Selos much?"

Lihim akong napamura sa sinabi ni Hernani. Ex niya ang kasama niya ngayon. Parang hindi naman. Base sa paraan ng pagbati ng mga ito sa isa't isa. Hugs and kisses ang peg! At ano pang sinabi ng babaeng yun? Akala niya hindi pupunta si Lance? Siguro naging alibi lang ako ni Lance para makipagkita siya sa babae niya.

Bigla akong natigilan sasumagi sa isip ko. Hindi kaya't hindi naman talaga niya ex si Becca? Baka sila pa hanggang ngayon at hindi siya makalabas kasama ang babaeng yon kaya kinailangan niyang isama ako para magkaroon sila ng oras ng girlfriend niya.

Sa hindi malamang kadahilanan ay tumulo ang mga luha ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko. May masasaktan pala sa sitwasyon namin.

Natanaw ko sila sa arcade. Bakas sa mukha ng babae maging kay Lance ang kasiyahan. Totoong kasiyahan. Yung umaabot sa mga mata. Hindi tulad ng pilit na kasiyahan pinapakita niya sa akin.

"Hoy bff nawala ka na," pukaw ni Hernani sa akin. Nakalimutan kong nasa kabilang linya pa nga pala siya.

"Sorry may naisip lang ako." Mabilis kong sagot sa kanya.

"Ay naku bff huwag mo masyado isipin si Becca. Matagal na silang wala ni Lancey. Bago pa lumuwas ng Manila si Lancey ay nagbreak na sila ni Becca."

"Kailan pa iyon?" Alam kong para na akong jealous girlfriend ni Lance sa inaasta ko pero ito lang ang paraan ko para mas makilala si Lance sa paraang gusto ko

"Jusko high school pa yata tayo noon. High school sweethearts sila noon. Wala na kayo dito bago sumulpot dito sila Becca. Kababalik lang din yata ni Lancey noon from Manila and then boom! Nagising na lang kami na sila na."

Muli kong naramdaman ang pagtulo ng luha ko kaya naisipan kong lumayo na muna sa lugar na pinag-iwanan sa akin ni Lance. Baka kasi maisipan nitong bumalik at makita akong umiiyak.

"M-matagal bang naging sila?" Muli kong tanong kay Nani.

"Ay oo bff! Taray ng mga iyan noong sila pa. Inseparable! Dagdag mo pa na super sweet at ma effort na bf yang si Lancey kaya naman feeling princess of his life yang si Becca. Nag break lang sila noong dyan na sa Manila nag-aral si Lancey at nag fly naman in the US of A yang si Becca. Ang dami ngang nanghinayang nang hindi magkatuluyan ang dalawang yun. Favor naman sa iyo yun kasi  look at you now! The future Mrs. Sandoval!!! Ay bakla bet ko yun!!!!" Bahagya kong inilayo sa tenga  ko ang cp ng biglang sumigaw ang dyosa. "Teka nga bff, why ba bigla ka na lang nagtanong tungkol sa lovelife niyang si Lancey? Bakit kilala mo rin si Becca?"

"W-wala. Curious lang." Pagsisinungaling ko habang pinupunasan ang mga luha kong ayaw tumigil sa pagpatak.

"Hay naku bff stop mo na nga iyang pag-iisip mo ng past lovelife niyang si Lancey. Engage na kayo no. Kahit magbalik pa yang si Becca hindi na niya maagaw si Lancey."

Gusto kong barahin si Hernani. Nagkakamali siya. Wala kaming future ni Lance. Nandito na ang babaeng mahal niya at isa lang akong kontrabida sa road to forever nilang dalawa.

He is bound to marry me because of my father's condition. Not because he loves me. Ako naman ay nasasaktan dahil unconciously ay ako ang cause ng heartache niya. Ang sama ko!

Mahal kita...Angal ka pa?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon