Chapter 18

5.6K 116 32
                                    

“Seryoso??”

Gulat kong tanong. Pati si Xavier nagulat. Andito kami sa room ngayon. Kasama ang buong barkada. (Black Devils and Pretty Girl Rock with Michael)

“Oo. Pag uwi ko kahapon, ayun nalaman kong bumalik ng America si Christine, tapos tinawagan ko sya. Dun daw muna sya.” Michael

“Ano naman kayang pumasok sa utak ng babaeng yun? Matapos nyang pagbantaan si Bessy, bigla syang umalis??” Sabe ni Crissa

“Baka natakot!” Sabe ni Kimmy

Tapos nagtawanan kami. Ano ba naman ‘tong mga ‘to. Di ba nila natatandaan na andito ung kakambal nung inaaway nila? Ay nako.

“Mabuti yun. Ng mawala na ung sandamakmak kong bodyguards. Naiirita na din ako eh.” Sabe ko

“Hindi Pusa. Dyan muna bodyguards mo.” Biglang sabe ni Aso

“Alaaaaa. Aso naman eh!” Reklamo ko

“Mas maganda na ung safe ka.”

“Oo nga Xans, tama si Xavier.” Sang ayon ni Gelo

“Sige na nga! Ako na ang talo. >o<”

Nagstart na ang klase. Este ano ba ‘to? Orientation pala. Nag games kami. Langya. Parang bata lang ah. Haha. Masaya naman sa section ko. Mababaet ang mga classmates ko eh. At as usual, maya maya nagtime na. Umuna na kami ni Aso. Punta kami sa bahay, dahil tuturuan na nya ako magluto!

“Ano? May kulang pa ba dyan?” Tanong ko

“Ang dami mo namang pinabili. Ano bang ipapaturo mo??”

Andito na kami sa kusina ngayon. Aba. Madame ba ung napabili ko? Ano nga ba ang gusto kong matutunan… Hmm.

“Ah! Lasagna at Cake. Yun ang gusto kong matutunan!” Sabe ko

“Okay sige. Anong gusto mong mauna?”

“Hm. Lasagna! :)”

“K. Let’s start. ^_^”

Nagluto na kami ng lasagna. Grabe. Parang dir in nya ako tinuruan eh. Ang bilis naman kasing uminit ng ulo!!!

“Xanina! Wag ganyan ang pagcut! Mahihiwa ang kamay mo.” Waaaaaah. Mali na naman.

Maya maya…

“Araaaaaaaaaaaaaay!” Sigaw ko. Shet. Nag kacut ako. TT^TT

“Pusa! Tsk. Naman oh. Sabe na nga ba di ito magandang idea. Sya patingin nga.” Inabot ko ung kamay ko.

Seryoso paiyak na ako. Ayoko kasing nakakakita ng dugo eh.“Yan di naman pala masyadong malalim ung sugat.” Tapos tumingin sya sa mata ko. Nakita nya atang paiyak na ako. Yan! Tumulo na nga. :(

Pinunasan nya agad ung luha ko.

“Wag ka ngang umiyak. Di bagay sayo. Tsaka ayokong nakikita kang naiyak. Naiintindihan mo?” Tanong nya

“Eh pano kung masakit talaga. Bawal akong umiyak?”

“Pwede naman. Pero dapat, nasa tabi mo ako pag iiyak ka.”

“Huh, bakit naman?”

“Ako ang magcocomfort sayo.” Sagot nya. Shems. Ako po ay kinikilig.

“Pano kung ikaw naman ang nagpaiyak sakin?”

“Never ung mangyayare. Baka ikaw pa ang makapag paiyak sakin.” Sagot nya

“Sabe mo kaya mahirap kang paiyakin!” Sabe ko

“Iba ka kasi sa buhay ko.” Sagot nya..

O__________________O Di ako nakaimik.

Kinurot na lang nya ung cheeks ko.

“Dito ka muna ha? Hihingi lang ako ng first aid sa maid”

Tapos umalis muna sya. Grabe. Di parin ako makaget over sa sinabe nya. Ay teka? Baka naman, iba ako kasi, magkaibigan na kami! Err. Xanina, wag mag expect ng hindi nasasaktan. Great expectations lead to big disappointments nga di ba??

Bumalik na si Xavier, tapos inayos na din nya ung sugat ko. Di na ako tumulong sa pagluluto nung lasagna. Manuod na lang daw ako.  Ang galling nya talaga magluto. Pati ung sa cake, sya na din. Grabe. Nakakahiya. Ako ung babae tapos di ako maalam. -____-++

“Ano? Masarap ba??” Tanong nya. Nakangiti na naman sya sakin. Waaah. That smile. ♥

“Uhm. Yeah! Masarap!” Tapos nag thumbs up ako.

Tumawa sya.

“Nakakahiya naman ako. Di ako maalam magluto. Haha! Kawawa ung magiging asawa ko.” Bigla kong nasabe

“Problema ba yun? Edi humanap ka ng asawang magaling magluto.” Sagot nya. Naka smile na naman sya!! Waaah. *____*

“Kakaunti naman ang ganun eh. Hirap humanap” Sabe ko. Tinatago kong kinikilig ako!!

“Ang bulag mo naman masyado pag naghanap ka na. E nasa harapan mo na oh. :)”

“Ah. Hehehehehe.” Sagot ko. Di ko alam kung anong irereact eh. Kinikilig na talaga ako. Sasabog na!!! >/////<

Pagkakain namin, nagkwentuhan na lang kami ng kung ano ano. Kahit naman wala kaming ginagawa, basta kasama ko sya, ang saya ko na eh. :”””>

“Wala ka naman atang natutunan sakin eh!” Sabe nya

“Aba. Ang init kaya ng ulo mo! Nakakaluko ka naman magturo eh. Haha!” Tapos nagtawanan kami.

Andito na kami sa gate ng bahay namin. 10 na rin kasi. Kelangan na namin magpahinga. May bukas pa naman. <33

“Sige na. Goodnight na!” Sabe ko

“Okay. Goodnight! :)” Sagot nya

Pinanuod ko syang makaalis bago ako pumasok sa bahay…

Haaaaaaaaaaaaay. Ang sarap na naman ng tulog ko ngayon. Speaking, di ko na napapanaginipan ung lalaki ah? Bakit kaya? Hm? Napagod magpakita, ganun? Basta ako, masaya –

“Ay anak ng tokwa!!!!!!” Sigaw ko

Pano ba naman??? Kala ko natutulog na si Manang Gloria. Gising pa pala ung Head Kasambahay namin. ‘No ngang tawag dun? Ala basta ung pinaka head sa mga kasambahay.

Nakakatakot itsura nya ha. Bigla bigla syang nasulpot kung san san.

“Manang Gloria naman eh! Balak mo ba akong patayin sa nerbyos??” Tanong ko

“Hindi naman sa ganun Young Lady.” Sagot nya

“Eh bakit ba po bigla kayong nalabas kung san san???”

“Young Lady. May itatanong sana ako sa’yo.”

“Ganun ba, ano ba yun?”

“Kasintahan nyo po ba si Sir Xavier?” WHOA. KASINTAHAN. WHAT A WORD.

“Ah eh. Hindi ano, manang! Si manang, chikadora. Matulog na ho kayo! At ako’y matutulog na din. Babye! :))” Sabay takbo ko pabalik sa kwarto ko. Langya. Chichikahin pa ata ako ng Manang na un. Tsk tsk!

*beep*

From Aso. :”>

GoodNight Pusa! Thanks sa time. :) And…

Je t'aime. :>

ANO DAW?? Nag aalienese na naman sya! Tsk tsk. Bakit ba kasi Korean Words ang alam ko?? Pero parang nabasa ko na yang Je t'aime na yan eh. ‘No ngang meaning nun??? AISH! Search ko na lang bukas. Ayokong maBV. Baka kung anong meaning lang nyan. Kelangan matulog ako ng payapa ngayong gabi. :)

[Author's Note:]

Aheeee. :> Ang saya ko na naman ngayon! Sarap mag worship!! :)) I super love GOD na talaga. :> Yehey. Babait na ako. :D Utas! Maikli ba ung update? HAHAHA. Alam kong maikli yan. Kaka update ko lang kaya kahapon!!

AND P.S.

Ang chubibo ni Xanina 'no? Forever slow and windangersz na sya. HAHAHA.

Next update..

35 votes + Comments = UPDATE. ♥

Loveyouall. :*

Vote. Comment. Become a fan and friend of mine. ♥

You and I, Collide. :&gt; [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon