MERRY CHRISTMAS, EVERYONE! ♥
Malapit na ang pasko, at ito na ang papasko ko sa inyo. :)
Medyo mahaba ito ha? Pambawi sa inyo. :> Nahiya naman kasi ako, tagal kong di nag update. :) HAHA.
Sisihin nyo po si City Hunter! XD
Panuorin nyo yan pag pinalabas na sa ABS CBN, you'll never regret it! Sobrang gaaaaaanda. ♥
Anyways, pinaltan ko na ngapala po ung imaginary image ni Xanina, ginawa ko ng si Park Min Young. :>
Yun. So, basa na kayoooo. ♥
Ang next update? Bala na sa feedbacks. :>
NGAPALAAAAA, THANK YOU SA INYO! 100K READS NA ANG YAIC!! SUPER THANK YOUUUUU. ♥
Pwedeng makarequest? Pasko naman, LONG COMMENTS, please? ♥ Hahaha.
P.S.
Sorry kung di ko nameet ang expectations nyo ha? :(
PLAY NYO UNG SONG LEFT SIDE ------->
============================================
Jerome’s POV
“Pare, tama na. Lasing ka na oh.” Awat ko kay Xavier
“Hin-de! Hik! Hindeee paa!” Sagot nya sakin.
“Tsk! Hindi daw! Pakinggan mo nga yang sarile mo! Di naman makakatulong ang pag iinom Xavier e! Ang dapat mong gawin ay pumunta sa hospital at magpaliwanag kay Xanina. Yun lang. Papakinggan ka naman nun e.”
“A-alam ko.” Sabi nya sabay inom ng alak.
“Yun naman pa--”
“Pero ayoko.”
“HA??”
“Nasaktan ko sya… Sobra. Hik. Kahit ako, di ko mapatawad ang sarili ko sa ginawa ko.” Uminom na naman sya.
“Anong plano mo?” Lasing na ba talaga ‘to? Nakakausap naman ng maayos e!
“Di ko alam. Isa lang naman ang alam ko e…”
“Ano?”
“Mahal na mahal ko sya, at sobra din akong nasasaktan sa nagawa ko.”
“…” Di na ako umimik. Hinayaan ko na lang syang maglabas ng sama ng loob. Alam ko kasing, eto na. Magsasabe na yan sakin.
“Jerome, ang tanga tanga ko. Kahit talaga ako, di ko alam kung bakit, bakit ganun ako sa kanya. Oo. Inaamin ko, nag umpisa ‘to nung nagselos ako kay Michael.” Habang nagkwkwento, tuloy padin sya sa pag inom nung alak. “Di ko sinabe sa kanya na sobra na akong nagseselos, kasi ayokong mag away kami. Di ko alam, masama pala ung ginawa ko. Di ko sya kinakausap kasi… Di ko rin alam. :( Ramdam ko… pag kinausap ko sya, di ko makaya at sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Itinago ko. At yun, lalong lumala.” Napahawak sya sa mukha nya. Nasasaktan na sya. Kitang kita sa kanya.
“Pinapalipas ko lang naman kasi ung nararamdaman ko e. :( Tapos, nalaman ko pang, ako pala ang papupuntahin ng school sa ibang bansa para sa soccer team, lalo akong namoblema, di ko na nga sya kinakausap, ganito pa?! Gulong gulo na ako.”
“Pero Xavier, ano yung nakita daw kayo ni Xanina na magkasama ni Christine?” tanong ko
“Isa pa yun. Di ko naman intensyon na pagselosin sya e. kinausap lang ako ni Christine, pinaliwanag nya… Kung bakit nya ako iniwan sa ere nuon. Sinabe nyang mahal nya parin ako. Pero wala naman akong pakelam e. Oo. Naawa ako sa kanya nung nalaman ko ang rason, pero wala. Si Xanina lang ang mahal ko. Sya lang.”
BINABASA MO ANG
You and I, Collide. :> [ON HOLD]
RomanceTunay ba ung 'The more you hate, the more you love?' At tunay din bang... You and I, Collide? :)