DAHIL BACK TO SCHOOL NA BUKAS, NAG UPDATE NA AKO KAHIT 31 VOTES LANG UNG LAST CHAPTER. :) HAHAHA.
BAKA MAPADALAS NA ANG UPDATES KO. BAKA LANG. =)))) KELANGAN KO NA SYANG TAPUSIN! KASI GRAGRADUATE NA AKO. *SANA* LOL. =))
ENJOY!
VOTE. COMMENT. BECOME A FAN! ♥
------------------------------------------------------------------------------------
"Kamatayan..."
"HA? ANONG KAMATAYAN??!!" Agad kong tanong.
"May mamamatay..."
"SINO??"
Pero bago pa makapag salita ung fortune teller, bigla na agad akong hinila patayo ni Xavier.
"Wifey. Ano ba, wag kang makinig dyan." Kumuha ng pera si Xavier tapos binigay dun sa babae. "Eto bayad, pwede ba Miss, wag ka namang ganyan. Wag kang manloloko. Ingat din naman sa mga salita." Pagkasabi nun ni Xavier, hinawakan na nya ang kamay ko at hinila ako papalayo.
"DI AKO NANLOLOKO. YUN ANG NAKITA KO." Tumayo ung babae tapos sumigaw.
Ung mga tao, napatingin na samin.
"Na ano? Na soulmates kami, tapos matagal kaming magmamahalan. Tapos biglang may kamatayan? May mamamatay? That's stupid!" Galit na si Xavier.
"Xanina, let's go." Hinihila na nya ako pero ayoko pading umalis dun. Gusto kong malaman...
"Xanina Kitten Marie, I said let's go!" Dahil rinig kong galit na talaga sya. Sumama na ako. Ayoko nang gumawa pa ng eksena dito sa mall.
Naglalakad lang kami. Hawak nya ung kamay ko. Di kami nag iimikan. Hanggang sa dinala nya ako sa labas na part ng mall. Madilim na pala??? Ang tagal nyang naglaro dun sa buzz wire na yun e! -___- Dun kami pumunta sa may fountain area. Umupo kami malapit dun.
Nakakabingi ang silence. Ayokong umimik. Kasi, ewan ko. Feeling ko maiiyak lang ako. Di ba dapat di ako affected dun sa sinabe nung manghuhula? Pero... alam ko kasing may sakit ako. Natatakot ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Nakita ni Xavier ung ginawa ko, kinuha nya ung isa kong kamay at in-intertwined sa kamay nya.
"Sorry kung nakagawa tayo ng eksena dun." Pagsisimula nya. "Gusto kong maging perfect 'tong date na 'to. Kasi nga, kakabati lang natin. Tapos masisira lang dahil sa isang manghuhula." Sabi nya. "Sa totoo lang, natakot din ako sa narinig ko." Pagpapatuloy nya.
Napatingin ako sa kanya. Sa fountain sya nakatingin.
"Pero alam mo ang naisip ko?" Tanong nya tapos tumingin sya sakin at ngumiti.
"Ano?"
"Bakit ko iisipin yun? Kaya nga hula e. :) Tayo ang gagawa ng sarili nating kapalaran. Di sila. Di nga sya ang diyos e. :) Tsaka, kung mangyayari man yon. Kung kunwari, ikaw ang nauna. Antayin mo lang ako ng ilang days, susundan kita. :) Pag naman ako ang nauna, wag kang susunod ha. Patay ka sakin." Sabi nya.
Napatulo naman ang luha ko sa sinabe nya.
"At bakit bawal akong sumunod?" Sagot ko.
"Kasi..." Pinunasan nya ung tumulo na luha. "Ayoko. Gusto kong sumaya ka. :)" Iimik pa sana ako kaso bigla nyang nilagay ung finger nya sa lips ko.
"Wag na. Wag na nating pag usapan. Kalimutan mo na yun ha? Please?" Pakiusap nya.
Nag nod na lang ako.
BINABASA MO ANG
You and I, Collide. :> [ON HOLD]
Lãng mạnTunay ba ung 'The more you hate, the more you love?' At tunay din bang... You and I, Collide? :)