Chapter 29 - Si B1 at si B2

39 1 0
                                    

<JeyEn's POV>


"Can we talk?" kinakabahang nilapitan ko si Paolo ng makita siyang nakaupo sa may lobby at nakikipag-usap sa mga kaklase niya. As soon as I open my mouth, lahat ng matang nandoon, sa akin na nakatingin. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.


"Now?" walang kaemo-emosyong balik-tanong niya.


Tumango ako. Mas lalo akong kinabahan sa tugon niya.


"Sorry, I can't talk right now. May pupuntahan pa kasi 'ko." tumayo na siya at mabilis na naglakad palayo matapos magpaalam sa mga kaklase niya. Naiwan akong natitigilan at naguguluhan habang tinitignan siyang mabilis na bumaba ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit natulos na ko sa kinatatayuan.


"Lika na bebeh, uwi na tayo." napatingin naman ako kay bebeh Louie na hindi ko na napansing nakalapit na pala sa akin. Para akong nakakita ng kakampi ng makita siya. Tahimik na iginiya niya ang braso ko para umalis. Sumunod na lang ako dahil gusto ko na ring makaalis sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa pagkapahiya sa mga taong nandoon at sa pande-deadma na ginawa ni Paolo. Hindi ko expected na ganun ang mangyayari kaya hindi ko alam kung anong dapat maramdaman.


Damn! Bakit siya ganun?


Hanggang makalabas kami ay wala kaming imikan ni bebeh Louie. Piping nagpasalamat naman ako na hindi siya nagsalita ng kahit ano. Ng makarating kami ng sakayan ng jeep, doon lang siya nagsalita ulit;


"Gusto mo na umuwi? Or you wanna go somewhere else?" Seryoso siyang tumingin sa akin.


"Okay lang ako bebeh. Don't worry. Uwi na lang ako." matipid ko siyang nginitian. "Saka may pasok ka pa diba?"


"Uhm... okay lang. Pwede ko i-adjust. Flexible naman ang oras ko. Saka, alangan naman iwan kita ng ganyan?" Seryoso pa ring litanya niya.


"Ahhw.. sweet naman ng bebeh!" Kahit papaano ay nabawasan kahit konti ang lungkot na nararamdaman ko. "Thank you, bebeh. Pero okay lang talaga ko promise." I throw her a genuine smile.


"Sure?" Alanganing tanong niya.


"Yup!"


"Okay. Sige, i-text or tawagan mo ko if ever ha..." Nakatitig na paalala niya. Seryoso pa rin.


Tumango ako. "Thank you ulit, bebeh."


Tumango rin siya. "Tanginang Paolo yan, wag siyang makadaan-daan sa lugar namin, magku-kulay ube talaga siya sa bugbog! Tangina niya!"


Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Galit na galit lang! Akala mo siya ung dinedma. Apektado masyado!


"Relax ka lang bebeh. Kung ayaw na niya kong kausapin, e di wag. Wala namang problema." Napatingin ako sa kawalan. Hanggang ngayon di ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Naguguluhan talaga 'ko.

From Riches to RagsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon