<JeyEn's POV>
Kasalukuyan na 'kong nakahiga pero hindi pa rin makatulog. Inaalala ko ang nangyari ng buong maghapon. I was getting lost in dreaming when my phone rang. Di ko pa man nadadampot ang phone ko ay huminto na iyon sa pagtunog.
Sino na naman kaya yun? Tanong ko sa sarili.
Lately, palaging may nagmi-miss-call sa akin na anonymous ang number. Meron pa ngang hindi sumasagot. Nakakainis din minsan kaya nag-decide ako maghanap ng application sa phone na makaka-recognize ng unknown and private numbers.
1 Missed Call from Ube Pao
Napahumindig ako ng makita ang naka-rehistrong pangalan. Shit! Nag-miss call si Ube Pao! Nayakap ko ang malaking hotdog pillow ko sa sobrang kilig!
Ibig sabihin ba lagi siyang nagmi-miss-call sakin? Isa ba siya sa mga unknown numbers na pumupuno ng call logs ko? Naisip kong i-reply siya:
"You missed me already, huh! Bakit gising ka pa, BABE? XD"
Lihim akong kinikilig kapag tinatawag ko siyang Babe. At mas lalo akong kinikilig kapag siya ang tumatawag sa akin ng ganun.
Ng hindi siya nagreply ay muli akong nag-message:
"Alam kong ikaw yan, Ube Pao. Kaya wag ka na magpanggap na wrong number! Hindi lang ikaw ang IT dito no! May caller ID checker na ko kaya alam kong ikaw yan! :P"
Excited kong binasa ang mga sumunod niyang reply. Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko ng tinanong niya ko kung pwede siyang tumawag. At mas lalong dumagdag ang kilig ko ng salubungin niya ng bati ng Pretty J! Nalaglag ata yung panty ko! Pakihanap nga! Ayiee!
Tumodo, as in 500% ang kilig na nararamdaman ko ng sabihin niyang gusto niya lang marinig ang boses ko kaya siya tumawag. Panandalian akong nawala sa sarili. Namanhid ata ako! Ng mag-synced-in sa akin ang sinabi niya, nilapag ko saglit ang phone, sinubsob ang mukha ko sa malaking unan at nilabas na lang ang sobrang kilig sa pagtili! Kailangan ko na talagang isigaw baka kasi hindi ako makapagpigil na habang kausap ko pa siya ako mapatili.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili matapos iyon at dinampot ulit ang phone. Pigil na pigil ko talaga ang sarili ko na kiligin habang kausap siya. Ang hirap! Dinaan ko na lang sa biro ang mga sumunod naming kwentuhan para maitago ang kilig na nararamdaman.
Nalungkot ako ng bahagya ng magpahiwatig na siyang ibababa na ang telepono. Pero sa kabila noon ay natutuwa ako na ako ang naisip niyang tawagan at pagaksayahan ng oras. Yung konting oras na inilalaan niya para sakin, sobrang naa-appreciate ko na, pano pa kaya kung buong buhay pa niya ang ilaan sakin? Chos!
Ang buong paguusap namin ay mas lalong nagpa-kumpleto sa kumpleto ko ng maghapon. Umaapaw na kasiyahan ang nararamdaman ko kahit nung natapos na ang pagkukulitan namin sa telepono. Hindi ko makalimutan na tinawag niya kong Pretty J! Mas gusto kong tawagin niya ko nun kesa sa Babe. Ewan pero parang mas masarap sa pakiramdam na tawagin niyang ganun. Feeling ko, espesyal ako!
BINABASA MO ANG
From Riches to Rags
Ficción GeneralSi Joyce Nichole ay isang nursing student na inilipat ng ama sa isang pipitsuging computer school mula sa isang prestihiyoso at sikat na paaralan. Parusa niya ito sa anak dahil binagsak nito ang mga subjects dahil nahihirapan daw itong mag-memorize...