<JeyEn's POV>
"Bhe!"
Napalingon kami ng marinig ang pagtawag ni Chinah sa mga kabarkada niya. Bahagyang tumitilapon ang balakang niya pag naglalakad. She has a very nice butt! Nakakainggit talaga! Lumapit na siya sa grupo niya at nakipag-tsismisan.
Ang klase namin ay nahahati sa limang grupo. Una ay ang "The Bar Heads". Nabansagan silang ganito dahil karamihan ng pino-post nila sa Facebook ay puro picture nila na gumi-gimik sa kung saan-saang bars. Sila ung mga tipong masarap kasama pagdating sa inuman pero pagdating sa eskwelahan, hindi mo maaasahan.
Ang sumunod naman ay ang "The walking hard-drives". Kung 512MB lang ang memory ko, sila naman ay may tumataginting na One Terabyte! Sa galing nilang mag-memorize, nape-perfect nila ang mga enumeration type ng exams! Minsan, gusto ko ngang i-suggest sa kanila na mag-shift na at mag-take nalang ng Law. Mas bagay kasi sa kanila yun! Yun nga lang, kung magaling silang mag-memorize, napakahina naman nila sa logic. To think na ang major subjects namin ay kailangan ng logical thinking and reasoning, pagdating sa programming type of exam, waley na! Gapang na sila!
Ang pangatlong grupo ay ang "The Invisible Pips". Alam na! The name says it all. Sila ung tipong pagka-graduate mo ay hindi mo na makikilala pag nag-reunion kayo after 10 years!
Pang-apat, siyempre mawawala ba ang mga bi-a-tch girls? No! No! No! And we call them "The Flirty Ones". Sila ung mga estudyanteng nagsi-sipag... nagsisipag-landian! Pumapasok lang para maghanap ng boylet. We also call them "The Mighty Haters". Insecure kasi sila sa beauty ko! Chos! Intimidated sila sa grupo namin dahil nasa amin ang "The Brainers"! Masasabi kong matatalino ang mga ka-grupo ko, pero hindi sila ung nerdy type na sa kadalasang pagkakataon ay tampulan ng asaran. Well, sila ung kabaligtaran. Mas malakas silang mang-bully at hindi mo mapi-pikon. Palibhasa ay may mga working experiences na at masyado ng open-minded, takot ang mga bitchy girls na kantiin sila dahil baka sila pa ang mapikon. At dahil matatalino ang "The Working Students Group", pag may exams o quiz kami, hindi mo sila makikitang nagre-review. Lalo na si Louie. Umaasa lang sa stock knowledge! At wag ka! Kaya niyang i-perfect yung exams! Siya na! Wag lang na merong enumeration dahil yun ang kahinaan niya. Parehas kami. Short term memory lang ang meron. We call her "Master" dahil sa galing niya sa programming! Idol ko siya dahil pag nasa computer lab kami at may ginagawang exercise, nagpapatulong ako sa kanya at isang tingin niya pa lang, alam na niya kung anong mali. Ang downside lang talaga pagkatabi ko siya sa lab - which is palagi naman – nababansagan akong "bluetooth" ng prof! Binu-bluetooth ko raw ung codes niya! Hmp! Ansama lang!
"Bakit kaya meron pa silang endearment na magka-kaibigan no?" Tanong ko.
"Ewan ko. Tapos siguro may anniversary rin sila. Pano kaya pag nag-away sila, may official break-up din?" Natatawang sagot ni Louie.
"Malamang! Tapos pag ex-friends na sila. Block na sa Facebook. Parang mag-siyota lang." Natatawa ring pahayag ni Chill.
"Dapat meron din tayong tawagan tas may anniversary din!" Untag ko. "Tutal fifteen ngayon, so ngayon ang official friendship date natin. Tas pag nag-group-message tayo dapat may hashtag na #poreber15!" I giggled.
"Nagha-hashtag sa text? Trending lang sa sms?" Tumawa si Chill. "Pero mukhang maganda kung Bebekohpiptin! With "H" huh!"
BINABASA MO ANG
From Riches to Rags
Fiksi UmumSi Joyce Nichole ay isang nursing student na inilipat ng ama sa isang pipitsuging computer school mula sa isang prestihiyoso at sikat na paaralan. Parusa niya ito sa anak dahil binagsak nito ang mga subjects dahil nahihirapan daw itong mag-memorize...