Chapter 7 - Ube Pao

90 2 0
                                    

<JeyEn's POV>


"A-attend ka ng acquaintance party, bebeh?" Tanong ko kay bebeh Louie. Kasalukuyan kaming nasa computer lab noon at nagpapalipas ng oras. Tapos na ang klase namin at napagpasyahan lang munang tumambay.


"Hindi ko pa alam. Che-check ko pa ung sched ko. Pero sabi nila compulsory daw um-attend. Ewan ko lang kung pati mga working eh required pumunta." Tugon niya habang kumakain ng Ube Pao.


"Uhm..." Tango ko. "Ako, parang ayokong pumunta. Nakakatamad." Walang gatol na sabi ko.


"Punta ka kaya! Malay mo andun ung crush mo. Uyy! Kinikilig!" Pang-aasar niya.


"Tse! Kahit makita ko pa siya hindi ako affected no! Ang sama kaya ng ugali nun! Nakabusangot na paliwanag ko.


"Papano kung sabihin ko sayong andiyan siya sa pinto at papasok na rito? Ngumisi pa siya at binaling ang tingin sa likuran ko.


Napadiretso 'ko ng upo sa sinabi niya. Nakatalikod ako sa pinto kaya hindi ko makita ang tinitignan niya. At heto na naman. Suddenly I felt weird. Feeling ko lumalaki ang ulo ko na parang nakakita ng multo...


Humagalpak ng tawa si bebeh Louie. "Joke lang! Hindi pala affected huh?" Nang-uuyam na asar niya habang tawa ng tawa.


"Nakakaasar ka naman eh!" Hinampas ko siya sa braso. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.


"Aray! Sadista naman neto!" Nakangiwing hinihimas niya ang nasaktang braso. "Ganyan pala ang epekto niya sa'yo. Para kang buhay na kamatis na may dala-dalang palu-palo!" Lumayo siya ng bahagya ng makitang hahampasin ko ulit. Hindi ko na naman ginawa sa halip ay humalukipkip ako.


"Joke yun? Yun na yun? So funny!" I rolled my eyes, took my things, stood up and walked-out.


"Drama Queen! Nag-walk-out?" Natatawa pa ring pahabol niya. "Oi, joke lang!"


"Tse! Magsama kayong dalawa! Hmp!" Hindi ko na siya nilingon. Nakakainis talaga! Ewan ko ba! Ayoko talagang amining affected ako pag pinag-uusapan ang lalaki sa elevator, pero ayun! Huling-huli ako ni bebeh Louie at hindi ko iyon maipagkaila. Iba kasi ang pinapakita ng katawan ko sa kung anong iniisip ko. Feeling ko nag-aaway ang utak ko at ibang body organs ko, kaya ang kinalabasan, LBM a.k.a Lost Body Movement! Aminado naman akong crush ko siya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganun ang epekto niya sa'kin. Hindi ako mapakali. Madami naman akong naging crush pero iba talaga siya, may arrive!


Nakalabas na ko ng building ng tumunog ang phone ko. Hinugot ko iyon sa bulsa ng palda ko at tinignan kung sinong nagtext. Si bebeh Louie iyon.


"Oi, bebeh bunsoy pikon. Churi na! :("


Napangiti ako. Hindi naman talaga 'ko galit sa kanya. Ang lakas kasing mang-asar eh! Totoo ang akala ko dating matalino siya at magiging magandang halimbawa sa'kin. Isa lang talaga ang inakala kong mali, mali ako na tahimik siya. Sobrang daldal pala at eto nga, ang lakas pang mang-asar!

From Riches to RagsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon