<Joyce Nichole's POV>
Narating ko ang building ng bago kong papasukang school pagkatapos ng limang minutong paglalakad mula sa istasyon ng bus. Tiningala ko ang di kalakihang building. Ito ang magiging kanlungan ko sa susunod na dalawang taon. Tila nagyayabang ang signage nitong "ITC Computer College". Napaismid ako.
"You'll be going to this school whether you like it or not." Inabot ng daddy ang isang papel sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakitang admission slip.
"What? NO, NO, NO!" Sigaw ng utak ko.
"Dad, wala na po bang ibang school maliban dito? ...kahit saan wag lang dito, please?" Nakangiwing pakiusap ko.
"Why?" He asked nonchalantly. He looked at me as if there's no way I could change his mind.
"Sabi ko nga..." I whispered. Wala naman akong magagawa sa mga desisyon ng daddy patungkol sa pag-aaral ko. Wala akong karapatan. Ako kasi itong bagsak. Humingi lang ako ng isa pang chance to prove myself. Pumayag naman siya sa kondisyong siya mismo ang pipili ng school para sa akin. Eto na nga yun. Hindi ko alam kung tama bang humingi ako ng second chance o mas okay nang maging undergraduate habang buhay. Deep inside, nagngingitngit ang kalooban ko. Sino ba naman ang matutuwa na ang katulad kong galing sa isang sikat at prestihiyosong school ay lilipat sa isang pipitsuging computer school and worst ay katapat pa ng school na pinanggalingan ko? Ano na lang ang sasabihin ng mga kaklase at barkada ko kapag nakitang sumakabilang-building lang ako?
Ghaadd! Should I undergo a major plastic surgery to change my face so they will never know it's me? Or kelangan ko na bang bumili ng sangkaterbang scarves and shades na isusuot araw-araw para kung makita man nila ako ay di ako makikilala? Ugh. I'm really dead!
<Mr. Edgar Gil Olivares' Point of View>
I've witnessed the frustration on my daughter's face upon knowing about her new school. Gusto ko man siyang pag-aralin sa isang magandang school, hindi pwede. I could even enroll her in Harvard University if I wanted to. Money is not an issue, it will never be. What she needs right now is a different kind of learning system. Isang bagay na hindi kayang ibigay ng isang exclusive school. Kailangan ko siyang tiisin. It's time to show her the life of a real college student. Like what I was during my studying days. I was a working student back then. I worked full time during the day and studied during the night. Halos 5 hours lang ang tulog ko palagi at swerte ng makumpleto ang 8 hours. Lima kaming magkakapatid. Tricycle driver ang tatay at naglalabada lang ang nanay. Ang kahirapan ang nagtulak sa akin para magsumikap. Natapos ko ang BS Interior Design with flying colors at pagkatapos ng ilang taon ay nag-decide na magtayo ng sariling negosyo. Ipinangako ko sa sariling hindi na maghihirap muli ang aking pamilya at magiging pamilya. Natupad ko naman iyon. May isa lang akong pagkakamali. Dahil sa ayokong maranasan ng mga anak ko ang maghirap, lahat ng bagay na kaya kong ibigay ay binibigay ko sa kanila. Lumaki silang hindi pinaghihirapan ang mga bagay-bagay na ngayon nga ay nagre-reflect sa mga personality nila. Katulad na lang nga ni JeyEn. Dahil walang tiyagang mag-memorize, binagsak na lang ang mga subjects. Hindi ako naniniwalang hindi niya kayang mag-memorize. Naniniwala akong kulang lang sa objective ang anak ko kaya mabilis itong sumuko sa mga bagay-bagay. Ito nga ang balak kong gawin. Hindi naman sa torture. Gusto ko lang maranasan niya ang mag-aral ng walang wala. Yung mag-commute, magtipid ng baon, at ma-realize kung ano ba talagang goal niya sa buhay. I know it will not take that long. I believe in her. At pag dumating na ang time na un, saka ko na siya ililipat sa mas magandang school.
BINABASA MO ANG
From Riches to Rags
General FictionSi Joyce Nichole ay isang nursing student na inilipat ng ama sa isang pipitsuging computer school mula sa isang prestihiyoso at sikat na paaralan. Parusa niya ito sa anak dahil binagsak nito ang mga subjects dahil nahihirapan daw itong mag-memorize...