Chapter 11 - Chad

54 3 0
                                    

<Chad's POV>


Mga kalahating oras na 'kong nandito sa restaurant pero hanggang ngayon hindi pa rin dumadating ang girlfriend ko na si Gwen. Mainipin akong tao. Pero pagdating sa kanya ume-extend ng todo-todo ang pasensiya ko. Ilang beses ng lumapit sa akin ang waiter para tanungin kung o-order na ba ko. Napika na ko sa huling tanong at halos pasigaw kong sinabi na "Tatawagin kita pag o-order na ko!" Badtrip naman kasi! Hindi marunong umintindi!


Ilang saglit pa ay humahangos ng dumating si Gwen. Napatayo ako at nilapitan siya para salubungin ng halik. Ngunit bahagya niyang iniwas ang mukha na talagang pinagtaka ko. Bago pa man ako makapagsalita ay tinawag nya ang waiter at tinanong ang specialties nila.


Tahimik akong bumalik sa upuan at walang ganang pinasadahan ang menu. Pinagmamasdan ko siya habang kausap ang waiter. Aaminin kong kinabahan ako sa inasal niya. She's not like this before. She's usually sweet lalo na pag magkasama kaming dalawa.


"Chad!" Tinapik ako ni Gwen para pukawin ang lumilipad kong isip. "Care to order?"


"Y-yeah...!" I looked at the menu again and just picked a meal randomly.


"Pork steak in sesame seeds." Walang ganang sabi ko.


"Nagpo-pork ka na ngayon? Thought you're a vegetarian!" Manghang untag ni Gwen.


"For a change." Tipid na sagot ko.


Mahabang katahimikan ang lumipas. Obvious na parehas kaming wala sa mood na magsalita. Hindi na ko nagpilit na makipag-usap hanggang sa dumating ang order namin. Tahimik kaming kumain. Ng mangangalahati na ang kinakain namin, binasag ni Gwen ang awkwardness.


"I'm breaking up with you." Walang gatol na sabi niya.


Halos maibuga ko ang nginunguya kong pagkain sa kanya.


"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ko.


"You heard it right, Chad. Can't you see? It's not working out. We are not working out. Bakit pa natin ipipilit kung parehas lang tayong mahihirapan?" Paliwanag niya.


"What do you mean it's not working out? Have I done something wrong?" Sunod-sunod na tanong ko. Naguguluhan talaga ko. "We're only together for five months and I don't think that's enough time to... to..." I sighed in disbelief.


"No, Chad. Five months is already enough. You've done nothing wrong. It's just that..." Yumuko siya. "I thought I loved you but I was wrong. And I'm not pursuing this relationship anymore. I'm sorry." Mahina niyang sabi. Parehas na kaming nawalan ng gana sa pagkain.


Hinayaan ko munang ma-absorb ng sistema ko ang mga sinabi niya. Then after an uncomfortable silence, I cleared my throat. "Is there someone else?" I bravely asked.


Medyo nagulat siya sa tanong ko but then she still managed to answer it. "Y-yeah." Tipid niyang sagot. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

From Riches to RagsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon